Katherine's POV
Bad trip na bad trip akong umalis sa building ng company nila Master. Paano ba kasi pagkapasok ko pa lang ng office niya galit na agad.
Ang sama niya pang tumingin kay Kyle eh parehas naman kaming walang ginagawa sa kanya.
[Flashback]
Sabay kaming pumasok ni Kyle sa building ng company nila Master.
Hindi na rin ako nagulat ng batiin siya ng mga bodyguards at mga employee dahil nga kaibigan siya ni Master.
At ito ang nakakiinis dahil kanina pa nila ako tinitignan ng para silang nagtataka? O Nagagalit?
Hanggang sa sumakay na kami ni Kyle ng elevator papunta sa floor ng office ni Master.
"Grabe naman sila tumingin sa akin kanina!" Sabi ko at nagpout.
Narinig ko naman siyang tumawa.
"Hayaan mo na lang sila. Kaya huwag ka ng ngumuso diyan baka may gawin akin iba." Sabi niya at pinisil ang pisngi ko.
At ano naman kaya ang gagawin niyang iba?
Hindi na lang ako nag-tanong dahil bumukas na ang elevator.
Sumalubong sa amin ang isang babae na sa tingin ko ay ang sekretarya ni Master na todo ang ngiti kay kyle at nang tumingin siya sa akin ay inirapan niya ako.
Bwiset lang. Balak pa yata niyang landiin si Kyle sa harapan ko kaya bago pa yun mangyari ay inilayo ko na siya kay kyle.
"Hi! Miss may important matter kaming ipinunta dito. Nasaan ba si Sir Jake?" sabi ko na punong puno ng pagtitimpi at kabaitan.
"Ano bang pakay mo Miss?" Medyo mataray na sagot niya sa akin.
"May magdedeliver lang ng pagkain."
"Ng ano?"
"Bingi lang sabi ko pagkain di ba!?"
"Woahhh! Thats enough!" Sabi ni kyle ay medyo inilayo ako.
"Busy ba si Jake?" Tanong ni Kyle.
"Ahmm..Hindi po sir. Free time po niya." Sagot naman nito.
"Ok thanks!" Sabi ni kyle at hinila na ako.
Pagpasok namin sa office ni Master ay sumablubong agad sa amin ang masama at nakakamatay niyang tingin.
"Hello Master!" Bati ko. Pero hindi niya ako binati pabalik at sanay na ako doon.
"Yoww bro!" Bati ni Kyle at hindi niya ito pinansin at nakatingin lang ng masama.
Binigay ko na sa kanya yung dala kong lunch niya. Para makaalis na kami dahil bad mood nanaman si Master.
"Bakit mo siya kasama?" Bigla siyang nagsalita.
"Eh kasi Master hindi ko alam kung papaano pumunta dito kaya sa kanya ako nagpatulong." sagot ko.
"Eh bakit hindi mo sinabi sa akin. Pinasundo na lang sana kita." Sabi pa niya.
Kumunot naman ang noo ko. Bakit ba siya nagagalit?
"May masama ba doon master?"
"Oo!" Diretsong sabi niya.
"Bro! Wala naman sigurong masama kung magakasama kami kasi wala namang magagalit at masama di ba?" Sabi naman ni Kyle.
"Tsk! Umalis na nga kayo! Ang sakit ningo sa mata and I'm busy! And kunin mo na yang pagkain wala na akong gana." sabi niya.
Naiinis naman ako. Ahh ganon, so pinagod niya akin pumunta dito para lang sa wala?
"Ok." Sabi ko st nagdadabog na kinuha ang lunchbox na naglalaman ng lunch.
"Let's go, kyle!" Sabi ko at hinila na si Kyle paalis.
[End of Flashback.]
Ganon ang nangyari.
Pumunta na lang kami ni Kyle sa Mall para kumain at magliwaliw saglit.
_________________
Vote, comment and Share.
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Novela JuvenilMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...