Unedited. Kaya sorry po kung may error.
-----------
Katherine's POV
Tapos na kaming kumain at nandito na kaming lahat sa may sala maliban kina daddy at parents ni Jake na naguusap siguro. Nakilala na din ni daddy yung mga kasambahy na nakasama ko.
Hindi ko din makalimutan yung nalaman ko kanina habang kumakain kami na si Jake daw yung ipapakasal sana sa akin pero hindi natuloy kasi nga naglayas ako, tumakas ako.
Ano ba itong buhay ko? Grabe!! Sa lahat ba naman ng tao si Jake pa yun.
"Bes!" Sabi ni Janice sa akin.
Tumingin ako sa kanya. "Ano na naman? Makiki-intriga ka nanaman?" Tanong ko sa kanya.
"Luh! Grabe toh! Itatanong ko lang naman kung anong naramdaman mo nung malaman mo na si Jake yung ipapakasal sana sayo." Sabi niya.
Pinitik ko Ang noo niya kaya napa-aray siya. "Gaga! edi nagulat! Ano pa nga ba?" Sabi ko sa kanya.
Napatingin pa ako sa gawi ni Jake na ksama si Kyle na mukhang may pinag-uusapan.
"Nagulat ka lang? Akala ko pa naman nagsisisi ka o kaya'y nasasayangan ka." Sabi ni Janice kaya nilingon ko siya at tiningnan ng masama.
"Bakit naman ako magsisisi o masasayangan?" Tanong ko sa kanya. Saan ba niya napulot yung tanong na yun?
"Kasi tumakas ka kaya hindi mo agad siya nakilala bilang mapapangasawa na sana ngayon ay ikakasal o kasal na kayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
What the heck! Natampal ko na lang yung noo ko.
"Hindi no!" Sabi ko sa kanya.
"Wehh! Bakit naman hindi? Hindi mo ba gusto si Jake? Dibale baka doon din ang punta niyo balang araw."
Napaisip ako sa sinabi niya at tumingin sa gawi niya at nagulat na lang ako ng makita kong nakatingin din siya sa akin at bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng mag- smirked siya.
*Dug *dug
Agad ko namang naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko, kaya ako na ang umiwas ng tingin.
Gusto ko na nga ba si Jake?
"A-ano bang p-pinagsasabi mo diyan?" Na-uutal na tanong ko kay Janice.
"Luh? Bakit ka na uutal? Hah?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala." Tipid na sagot ko. Buti na lang at hindi ako nautal.
Napasinghap naman ako ng bilang may bumablot sa aking kaliwang pulsohan at hinila ako palabas at naglakad papuntang garden.
"Wait lang anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya sumagot at patuloy akong hinila. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa akin at bigla na namang bumilis ang tibok ng puso, hindi lang dahil sa hawak niya ang kamay ko dahil malapit siya sa akin.
May gusto na nga ba ako sa kanya? Paulit ulit na tanong ko sa sarili ko.
Nakarating kung saan yung mga tables. Pina-upo niya ako at pagkatapos ay umupo din siya sa tabi ko.
"So anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya.
"Wala kakain, mag-uusap." Sabi naman niya. Seryoso ba siya?
Naiilang din kasi ako na kasama siya. May gusto na yata kasi ako sa kanya. Para akong isang teenager na nahihiya kapag kasama yung crush niya na naranasan ko naman noong high school.
"What? Bakit hindi pa natin isinama sina Janice?"
"Bakit? Masama bang solohin ka? At saka gusto ding solohin yung ni Kyle."
Ok.
"So ikaw pala yung fiance ko na lumayas at nag-tago." Sabi niya at tumawa.
Sinamaan ko naman siya ng tingin at pinalo sa balikat. "Eh ano naman!"
"Wala akong kamalay malay na nakasama ko na pala yung fiance ko."
"Maski ako din naman. Wala din akong alam. Kung alam ko nga lang edi hindi na ako dito pumunta."
"Buti nga at dito ka pumunta nakilala tuloy kita." Pambobola niya sa akin.
"Talagalang ha? Halos noon nga isumpa mo pa ako dahil inis ka sa mukha ko."
"Noon lang yun. Binigyan mo kasi ako ng bukol dahil sa pagpalo mo ng pan sa ulo ko."
Dinahilan pa yung pagpalo ko sa kanya ng pan nung gabing yun. Hindi pa inaming masama lang talaga yung ugali niya.
"Kahit na. Hindi dapat ganoon ang pagtrato sa babae. Napakasama ng ugali mo. Lalong lalo na sa akin. Buti nga at hindi kita isinumbong kay daddy na ginawa mo akong slave mo."
"Oo na oo na. Masama na talaga ako noon." Inamin niya din sa wakas.
Nagulat na lang ako ng biglang inilapit niya sa akin yung mukha niya na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Pero ngayon magiging mabait na ako kasi nandiyan ka na. Nandiyan na yung gamot sa pagiging masama ko. Dahil sayo handa akong maging mabait." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.
Bigla naman siyang lumayo sa aking at umayos ng upo ng dumating sila daddy at ang mga kasambahay na may dalang mga lutoan at mga iluluto pang pagkain.
Saamin sila nakatingin na para bang nagulat sa position namin ni Jake kanina. Baka akala nila maghahalikan kami ni Jake na hindi naman. Nahiya tuloy ako tumingin sa kanila.
Umupo naman sa tabi namin si Janice at Kyle na may nakakalokong ngiti.
"Ano yung nakita namin ha? Mag- kikiss ba sana kayo?" Tanong ni Janice.
"Oyy hindi ahh. Naglalaro lang naman kami ng titigan." Dahilan ko. Hindi ko nga alam kung saan ko nakuha yung dahilan na yun.
"Tsk! Naglalaro ng titigan? Ano kayo bata?" Sabi pa ni Janice. Napakadaldal naman talaga nito.
"Ang daldal mo. Kyle paano mo ito natatagalan? At saka sigurado ka bang liligawan mo ito?" Tanong ko kay Kyle na ngumiti lang sa akin at sumagot ng, "Yan ang nagustuhan ko sa kanya." Putek! Kilig na kilig naman si Janice.
Nag-kuwentuhan naman kami. Habang sila daddy naman nagkakasiyahan.
Umabot naman hanggang sa nakaraan yung mga pinag-uusapan nila.
"Oo nga pala nabanggit sa akin ni Kath na may nakasira daw ng malaking tiwala mo noon Kaya ayaw ko sa sinungaling?" Biglang tanong ni Janice na nakapag-tahimik sa akin.
Oo nga hindi pa nakwekwento sa akin yun no Jake. Walang umimik sa amin. Naka - tingin lang ako kay Jake at hinintay Ang sasabihin.
"Ahm...puwede bang hindi na lang natin pag-usapan tung tungkol diyan? Nakakawalang gana kasi." Sabi ni Jake at parang nawala sa mood at parang nagalit.
Bakit ayaw niyang pag-usapan? Wala ba siyang tiwala sa akin o saamin. Parang feeling ko hindi pa siya nakaka-move on sa nangyari sa kanya.
Sobra ba siyang nasaktan noon?
-------------
Vote, comment and share this story.
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Teen FictionMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...