Vote and comment.
♥♥♥
"Let's talk, Stacey. Please?" Si Jake.
At Stacey pa talaga ang itinawag sa akin. Kath kaya ang pangalan ko. Hindi siya updated.
"Please? I just want to apologize and I want your explanation." Sabi pa niya na kung makapagsalita parang kaming dalawang ang nandito at kami lang ang nakakarinig ng mga pinag-uusapan namin.
"Wow! Naman! Isang buwan lang tayong hindi nagkita. English na ang salita mo! At saka ayaw kitang kausapin. Doon ka makipag-usap sa hipon mong kalandian at huwag mo akong guluhin! Hmp!" Pasigaw na sabi ko at mataray na tinalikuran siya.
Pero bago pa ako makalakad at makaalis ay pinigilan niya ako. Hawak hawak niya ngayon ang braso ko.
At ito pa ang isang kinaiinis oo ngayon. Nakangiti siya. Aba! May ga na pa siyang ngumiti ngiti! Alam kong gwapo siya baka mahulog ako-wait! What the heck! Joke lang yun. Hindi siya gwapo at hindi ako mahuhulog sa isang katulad niya.
"Are you jealous?" Pabulong na tanong niya sa akin na ikinalaki naman ng mata ko.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Aba! Ang assuming mo naman yata masyado. Hindi no! Bakit naman ako magseselos?" Sabi ko sa kanya. Kapal ng mukha.
Wala naman akong g-gusto sa kanya para mag-selos. Assuming! At kanina pa ako naiirita sa kaka-english niya. Ma-english nga din ang isang ito.
"Hindi ko alam. But you sound like a jealous girlfriend." He said sabay wink.
"Tapos ka ba? Kasi sayang ang time ko at binabayaran iyon at madami pa akong gagawin kaysa ang pagaksayahan ka ng oras." Sabi ko.
"Edi bibilhin ko ang oras mo." Matapang na sabi nito.
Inirapan ko siya. "Sorry ka na lang pero walang available eh." Sabi ko at naglakad na paalis.
Sumunod naman sila Janice sa akin at umuwi na kami.
Dahil sa pagod ay agad akong naka tulog pagkatapos kong kumain.
***
"Ms. Kath! Ms. Kath! Gising na po."
Isang tinig ang nang gisingin sa akin. Lapastangan. Sino siya para istorbuhin ang beauty rest ko.
"Naku kung hindi pa po kayo babangon diyan ay mapapagalitan po ako." Reklamo ni Dona ang isa sa mga kasanbahay namin dito.
Iminulat ko ang mga mata ko. "Oo na babangon na. Ano ba kasi ang problema mo at ang aga aga pa lang ay ginigising mo na ako?" singhal ko sa kanya.
Napakamot naman ito sa ulo. "Eh! Kasi Ms. Kath mayroon po kayong mga espesyal na bisita at pinababa na po kayo ng daddy mo." paliwanag niya.
Bisita? Bakit hindi nila ako sinabihan at ano naman ang kinalaman ko sa kanila? Baka mga about business ang mga paguusapan nila at maboboring lang ako.
"Dona, pakisabi kay daddy matutulog muna ako." Sabi ko at humiga ulit sa malambot na kama ko.
"Opo Ms. Kath." sabi nito at lumabas na ng kwarto ko.
***
Jake's POV
Abala ako sa pagtipa ng laptop ko habang nagkakape at nakaupo sa may sala. Medyo puyat din kasi ako dahil hindi Nawala sa isip ko ang nangyari sa mall.
Ano ba kasing problema ng babaeng 'yun? At saka mukha talaga siyang nagseselos sa mga sinasabi niya.
Masaya ako kung nagseselos siya at malalaman niyo din sa tamang panahon, secret muna.
"Lil brother!" Biglang sumulpot ang ate kong nakakairita.
"What do you need?" Tanong ko sa kanya.
Umupo siya sa tabi ko at nakadress siya na parang may pupuntahan.
"Jake, magbihis ka na may pupuntahan tayo nila mommy at daddy." Sabi niya.
"Saan?"
"Basta! Mag bihis ka na at mag pagwapo."
"Bakit kailangan ko pang magpagwapo? Eh matagal na akong gwapo. Inborn pa nga eh." Pagmamayabang ko.
"Huwag ka ng mag mayabang at gumalaw ka na. Sigurado akong matutuwa ka sa pupuntahan natin." Sabi niya.
"Ok." Sabi ko nalang at pumunta sa kwarto ko kahit na nagtataka ako kung saan kami pupunta.
***
Tumigil ang van na sinsakyan naming pamilya sa isang lalaking bahay.
"What are going to here?" Takang tanong ko.
"Huwag ng madaming tanong son. We have a surprise for you?" Sabi ni mommy at nauna ng lumabas ng sasakya kasama ang mga kambal kong kapatid.
"Don't tell me na binili niyo itong bahay na ito para sa akin?" Tanong ko at binatukan naman ako ng ate ko.
"Sira! Hindi. Lumabas ka na nga diyan andami mo pang sinasabi eh." Masungit na sabi nito at nauna.
Pinapasok kami ng mga kasambahay at sumalubong sa amin ang isang lalake na parang kaedad lang nila daddy.
"Kamusta na Adam?" Tanong ni Daddy at nakipagkamay pa dito.
"Maayos naman." Sagot nito.
"Hello po Sir." Bati namin ni Ate Ericka.
"Oh ito na ba ang mga anak ninyo? Malaki na pala ang dalawa." Sabi pa nito. "Sa tingin ko talaga bagay sila ng aking unica ija." Dagdag pa nito.
"Speaking, Saan na nga ba ang iyong unica ija?" Tanong ni mommy.
"Pinatawag ko na maya maya ay baba na din iyon at amang tama ang ang pag satin ninyo at nakahanda na ako ng mga pagkain. Tara na sa dining area." Sabi nito at pinapunta kami sa dining area.
Pero bago kami maka alis sa sao ay may nakita akong isang painting. Nilapitan ko ito. Isang family picture.
Kasama dito ang isang batang babae na parang pamilyar at masasabi kong maganda.Ito kaya ang anak ni Sir Adam?
Nagdesisyon ako na sumunod na sa dining area. Pero bago ako makalayo ay isang litrato ang kumuha sa aking attention.
Isang babae at may kasamang lalake. Nilapitan ko ito para makasigurado.
Nanlaki ang mga mata ko ng masiguro kong si Stacey-este Kath pala ang nasa litrato kasama si Sir Adam.
So ibig sabihin ay si Kath ang anak ni Sir Adam?
Ibig ding sabihin ay nasa bahay ako nila Kath?
*************+++++++++++
Vote and comment.
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Fiksi RemajaMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...