Chapter 33 - I Like You!!

1.7K 57 0
                                    

Vote and comment

-----

Katherine's POV

Pagkatapos naming mag-momment ni Janice sa loob ng restroom at lumabas na kami at humanap ng ibang table. Hinanap ko si daddy na kasama sa isang table ang parents ni Jake.

"Buti na lang at nakatakas tayo sa dalawang iyon." Sabi ni Janice.

Napataas ang isa kong sa sinabi niya. Pero ang alam ko nagseselos si Janice sa babaeng lumapit kay Kyle kanina.

"Hay!! Hayaan mo na ang mga yun. Hanap na lang kaya tayo ng hot na guy diyan na lagi na ginagawa." Sabi ko sa kanya.

Naalala ko kasi noon tuwing magkasama kami at kahit saan kami magpunta ay naghahanap kami ng lalake. Haha.

"Oo nga noh! Sige!!" Excited na sabi niya. Napangiti na lang kami noh.

Naghanap kami ni Janice ng isang bakanteng table at nakahanap naman kami agad.

Nag-umpisa na din ang party. Hanggang sa may lumapit na dalawang lalake sa amin.

"Hi! Beautiful ladies!" Bati nila sa amin.

Ngumiti ako sa kanila. "Hi!" Magiliw na bati.

"Hi!" Bati din ni Janice sa kanila.

"I'm Jasper." Pakilala 'nung isa at nakipag-shake hands sa aming dalawang ni Janice.

"Hi! I'm Tristan." Nagpakilala sa amin yung isa at in fairness gwapo. Mukhang may lahing foreigner.

Napasinghap nalang ako ng kunin niya ang kamay ko at halikan. "It's nice to meet you. You're so beautiful." Sabi pa nito sa akin.

Hehe. Mambobola na ito. Tsansing pa sa akin.

Medyo pilit akong ngumiti. "Hehe. Thank you." Sabi ko at binawi na ang kamay ko na hawak pa rin niya.

"By the way I'm Katherine." Pakilala ko.

"And I'm Janice." Sabi din ni Janice.

Bigla namang nag-announce amg host na mag-uumpisa na ang party at blah blah blah...

Minsan boring talaga ang mga party.

Nagumpisa na din ang sayawan. Ang tugtog ay pang romance. Nagsasayawan na ang mga tao dito sa party. Sabagay malawak ang dance floor kaya kahit sino puwedeng sumayaw.

Nagulat na lang ako ng yayain ni Jasper si Janice yung nakilala namin kanina at iniwan kami dito sa table ni Tristan.

"Puwede ka bang maisayaw binibini?" Nagulat ako sa tanong ni Tristan sa akin. Inaamin ko medyo kinilig ako sa tinawag niya sa akin.

"Oo naman." Sabi ko at pumunta na kami sa dance floor.

"So, how old are you?" Tanong niya sa akin.

Sinagot ko naman siya. "21. And you?"

"23. Anong pinagkakaabalahan mo ngayon? I mean like work?" Tanong niya.

"Honestly wala pa akong work. But I'm a college graduate. Maybe I can work kung nasa mood na akong magtrabaho." Sagot ko sa kanya.

Nagsayaw pa kami ng lang minuto ng biglang may lalaking inihiwalay ako mula kay Tristan. Pagtingin ko kung sino ay si Jake pala.

"Ano bang problema dude?" Tanong ni Tristan kay Jake.

Tinignan ko naman ito. Masama itong nakatingin kay Tristan. Ano nanaman bang trip nito? Nakakahiya naman kay Tristan.

At saka bakit nandito itong lalaking ito. Di ba kasama nito yung mga haliparot na mga babae.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon