Chapter 17 - Vacation

2K 69 0
                                    

Author's Note:

Awiieee......I'm back again with another update. Sa mga nagbabasa at nagbasa ng kwentong ito, maraming salamat.

(☆^ー^☆) VOTE, COMMENT and SHARE this story.

============

Katherine's POV

Umaga na at nasa biyahe na kami para sa isang bakasyon. It's currently eleven o'clock in the morning. At kanina ay pumunta kami ni master ng supermarket para bumili ng ilang pagkain.

Nakakainis nga eh. Ako ang pinagbuhat ng basket. Ayaw niya kasi akong kumuha ng cart at basket na lang daw. Ang arte, akala mo naman siya yung magbubuhat. Dapat ako ang mamili ng gagamitin kasi ako naman ang mahihirapan. Ang bigat kaya ng basket.

Never nga akong pinagbuhat ng basket ni daddy tapos ako pinagbuhat lang ng ganon ganon. Letche!

At ngayon naman ay wala ng ginawa si master kundi ang utos utusan ako sa loob ng sasakyan. Kunin mo yung ganito, gawin mo yung ganito at kung ano ano pa.

Buti na lang at kasing haba ng buhok ni rapunzel ang pasensiya ko ngayon at hindi buhok ni Alice yung maliit siya sa wonderland.

At buti na lang pagkaraan ng Ilang minuto ay natahimik na din sa master at tinigilan na ako sa kakautos.

Kasama din namin si Kyle. Hihi nakakakilig nga eh! Kasi katabi ko siya. Noong una ayaw pa ni Master pero wala rin naman siyang ginagawa kasi pinagalitan siya ni ate Ericka.

Grabe lang! Ewan ko pero parang ang sweet sa akin ni Kyle. May pahilig hilig pa ng ulo sa balikat ko.

Pero ang ipinagtataka ko lang ay...bakit ang wierd ni master nitong mga nakaraang mga araw. Lagi siyang masungit at may mood swings. Dinaig pa niya ang buntis. Ayaw na ayaw niyang nalalapit o nilalapitan ako ni Kyle. Parang ewan lang.

Si ate Ericka naman ay lagi akong nginingitian ng mapanukso.

Hay...tutal matagal pa ang biyahe ay mstutulog na lang din ako.

Tinignan ko si Kyle na nasa tabi ko at nakahilig sa balikat ko at mahimbing na natutulog. Napangiti na lang ako.

Ang gwapo ni crush! Hihi! XD

Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog na lang din.

(3 hours later)

Jake's POV

"Lil' brother! Ang cute nila noh?" Nakakairitang sabi ng maingay kong ate habang kinukuhanan ng picture si slave at Kyle na sweet na natutulog.

Tsk! Ano namang cute diyan? Mas cute pa kami ni slave----wait joke lang pala yun. Hindi kami bagay ni slave. Never and ever!!!!!!

Kanina pa kami dumating dito sa resort namin pero hindi kami makaalis dito sa parking lot dahil kay slave at Kyle na ayaw nilang gisingin.

Nakakairita na sila. Kung ayaw nila gisingin sila, ako ang gigising. Tignan natin kung hindi pa sila magising.

"Tumabi nga kayo diyan!!!!!" Sigaw ko at pinatabi sila.

"Aray! Ko naman! Lil brother! Teka ano bang gagawin mo? " Reklamo ni ate at nagtanong.

"Ano pa? edi gigisingin sila. Nandito tayo para magsaya at hindi panoorin silang matulog." Sabi ko.

Inuna ko ng gisingin si Slave. Inalog ko siya pero tulog mantika kaya hindi nagising. Medyo naiinis na ako. Isinunod ko naman si Kyle pero hindi din nagising. Grrrrrr......nakakagigil na ahh!!!!! Kung matutulog lang pala sila dito edi sana hindi na lang sumama. Dumagdag pa sila sa aalalahanin.

"Mahina ka pala Lil brother." Narinig kong sabi ni ate.

Isa pa ito eh.. Ang ingay ingay.

"Manahimik ka diyan ate." Sabi ko. Meron pa akong natitirang solution para sa dalawang ito.

Tignan natin kung hindi pa magising.

"SLAVE GUMISING KA NA DIYAN! SLAAAVEEEE!!!!!!" Sigaw ko sa tapat ng tenga ni slave.

Katherine's POV

Nagising ako dahil sa isang malakas na sigaw. Boses yata ni Master. Panira talaga lagi si Master.

Pagmulat ko ng mata ay tumambad sa akin si Ate Ericka, si Sam at si Master na masama ang tingin sa akin.

Lahh? Ano nanaman bang nagawa ko?

Nagulat naman ako ng nakita ko si kyle sa tabi ko na kakagising din. Ayyy oo nga pala katabi ko nga pala siya.

Pero bakit ganon, ang gwapo pa rin niya kahit bagong gising lang? Sana kada gigising ako siya na lang ang laging bubungad sa akin. Para maganda lagi ang gising ko at sana sa susunod na paggising ko asawa ko na siya.

Kyahhhh!!! Ang landi ko na!!!!

"O yan gising na pala silang dalawa. Hoy! Kayo ng dalawa lumabas na kayo at pupunta na tayo sa hotel!" Panirang sabi ni Master at umalis na dito sa sasakyan.

Panira talaga ng araw.

"Ayieeee ang sweet ninyong dalawa tingnan. Bagay kayo." Biglang sabi naman ni Ate Ericka.

Namula naman ako. Ehehe! Bagay talaga kaming dalawa.

"O siya labas na daw kayong dalawa. Magagalit nanaman si Sir Jake. Mauuna na lang kaming lumabas sumunod na lang kayo ha?" Bilin Samin ni Sam at umalis na sila ni Ate Ericka.

"Haha good afternoon!" Bati ko kay Kyle. Ang tahimik niya eh.

"Good afternoon din. Ok ka na ba? Labas na tayo." Sabi niya. Tumango na lang ako at kinuha ang sling bag ko at lumabas na lang kaming dalawa.

Kinuha naming dalawa ang maleta namin.

"Ako na lang magbubuhat diyan." Singit naman ni Kyle at kinuha ang isang maleta ko.

"Sure ka ba? Mabigat yan?" Tanong ko. Nakakahiya kaya.

"Oo naman! Para sayo." Sayo sabi niya.

"Hahahaha!" Itinawa ko na lang yung kilig ko.

"Stacey?" Tawag niya saakin.

"Bakit?"

"Pwede ka ba bukas gabi?" Tanong niya.

"Oo? Hindi ko alam eh? Bakit?" Sagot ko naman.

"Yayain sana kita sa isang date. Kung pwede ka?" Parang nahihiya niyang sabi.

Oh my gulay!!! Is this true? Niyaya ako ni crush sa isang date? Baka naman scam lang?

"Totoo?"

Tumango siya at Ngumiti ng matamis. "Oo naman!"

"Ok." pagpayag ko. Tatanggi pa ba ako? Si crush na ang nagyaya ng date.

"Oyy totoo ba yan? Wala ng bawian ah? Pumuyag ka na!" Sabi pa niya.

"Oo nga." Sabi ko at nginitian siya.

Haha. Mukhang ma-e-enjoy ko itong vacation na ito. Sana nga hindi maging panira si master.

Awiieee excited na ako sa date namin ni Kyle.

Ayieee I have a date!!!!

=======

A/N: Sana all pinapansin ng crush(^_^)

(☆^ー^☆) VOTE, COMMENT and SHARE this story.




My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon