Chapter 41 - He's Awake

1.4K 52 0
                                    

Katherine's POV

Tamad akong bumangon sa kama ko at pumunta sa banyo. Simula kasi ng maaksidente si Jake lagi na lang akong tinatamad bumangon at ang tanging pagbisita sa kanya sa hospital ang nagiging dahilan ko para bumangon araw-araw.

Na-comatose kasi si Jake at isang buwan na. Alam naming lumalaban siya kaya hindi kami nawawalan ng pag-asa na gigising din siya agad-agad.

Nalaman din naming hindi si Jake ang may kasalan sa aksidenteng naganap, maayos at nasa tamang bilis lang si Jake at yung isang naka-banggaan niya ang mabilis ang takbo.

Simula nung araw na naaksidente siya. Halos lagi akong nasa-hospital na kasama nilang nagbabantay.

Pagkatapos kong maghanda at mag-breakfast ay tulad ng lagi kong ginagawa, bibili muna ng pagkain at drinks pagkatapos ay pupunta na akong hospital at mananatili doon hanggang hapon tapos uuwi na naman, yan ang paulit-ulit na ginagawa ko.

Pagkarating ko sa kwarto ni Jake ay nadatnan ko si Ate Ericka na mag-isang nagbabantay.

"Good morning ate!" Bati ko sa kanya.

"Oh hi! Kath good morning!" Bati din niya.

"Kumusta na siya?" Tanong ko at tinutukoy ko si Jake na wala paring malay hanggang ngayon.

Tiningnan naman ni ate Ericka si Jake. "Ayon ganon pa din." Sabi niya at umupo sa may couch.

Nanatili ako sa hospital hanggang sa sumapit ang hapon at uuwi na naman ako.

Hindi kasi ako pinapayagan ng mga magulang niya na mag-stay ng overnight dito sa hospital pati na rin si daddy.

Lumapit muna ako Jake at umupo sa may upuan sa tabi ng higaan niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at bumulong sa kanya.

"Gumising ka na diyan ah. Dapat pagbalik ko bukas maayos ka na yung puwede na katang maka-usap. At saka may balak akong sabihin sa iyo. Na siguradong ikatutuwa mo." Bulong ko sa kanya. "Babalik ako bukas, promise, kaya gumising ka na diyan ah. Huwag kang feeling sleeping beauty." Dugtong ko at tumawa ng mahina.

Tumayo na ako at nagpaalam sa mga parents ni Jake at kay Kyle na bumibisita din dito sa hospital kasama so Janice.

Naku hindi na mapag-hiwalay ang dalawa.

Umuwi na ako at nagpahinga para may lakas ako para bukas.

Kinabukasan.....

Ng malaman kong gising na si Jake mula sa pagkaka-coma niya ay Dali dali akong naligo dahil kakagising ko lang at ng buksan ko ang phone ko ay tumambad sa akin ang message ni ate Ericka na gising na nga daw si Jake.

Excited na excited akong maka-usap siya kaya ang dating 30 minutes o higit pa na paliligo ay naging 10 minutes na lang.

Miss na miss ko na siya eh. Hindi na din ako nag-agahan para lang makapunta agad sa hospital.

Sa halos isang buwan siyang na-coma ay sinisigurado kong siya muna ang first priority ko. Hindi puwedeng hindi ko siya madalaw.

Hindi ko alam kung maiiyak ako dahil sa wakas makaka-usap ko na din siya at syempre ay maayos na ang kalagayan niya. Yan siguro ang nagagawa ng love, gustong mong nasa maayos lang na kalagayan at malusog ang taong mahal mo.

Oo mahal ko na siya at hindi ko alam kung kailan ko siya naging Mahal. Yan ang surprise ko sa kaniya paggising niya.

Pagdating na pagdating ko sa hospital ay tumakbo na ako papunta sa room ni Jake.

Masaya ako ngayon masayang masaya.

Pagbukas ko ng pinto ay napatingin silang lahat sa akin. Kumpleto ang family ni Jake at nandito din sila Kyle at Janice.

Hindi ko alam kung matatakot ako sa nakikta ko sa mata nilang parang may mali. Tahimik silang lahat puwera sa kambal na mga bata. Malungkot kasi silang nakatingin sa akin.

May problema ba? Napalunok ako at parang takot na tapunan ng tingin si Jake.

"Good morning." Bati ko sa kanila at saka hinarap na si Jake na nakatingin sa akin na parang hindi niya ako kilala at parang dismayado sa nakita

Nginitian ko siya. Gising na nga siya. Pero bakit ganun parang nasasaktan ang puso sa mga tingin niya.

Akala ko ay siya ang unang babati sa akin pag-nagkita kami pero tilay hindi niya ako kilala.

"Who is she? Who are you?"

A-anong ibig niyang sabihin? Parang sinasaksak ang ng kutsilyo ang puso sa sobrang sakit ng narinig ko mula sa kanya. Who is she? Who are you? Anong nangyayari?

May pumasok ng idea sa utak ko kung anong nangyayari pero ayaw ko itong paniwalaan.

"Kath." Malungkot na sambit ni Janice.

"J-jake." Sambit ko at hindi ko na napigilan lapitan siya.

Baka magbibiro lang siya at gusto niya lang akong pag-tripan.

"Anong bang sinasabi mo diyan?" P-pinag-tri-t-tripan mo ba a-ako. Hindi naman ako n-niloloko di ba?" Nauutal na sabi ko sa kanya.

Hindi puwede itong mangyari. Hindi puwedeng makalimutan niya ako.

Sasagutin ko pa siya eh. Sasabihin ko pang mahal ko na siya.

"Hindi kita kilala sino ka ba? At saka at nasaan na ba si Bianca?"

Sa sinabi niyang yan tuluyang nagpira-piraso yung puso ko at parang nanlambot at namanhid ang buong katawan ko at nagsimula ng lumabas ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Muntik pa akong matumba buti na lang at nasalo ako agad ni Kyle.

Sino si Bianca? At bakit ibang babae ang hinihanap niya?

Nag-salita ang mommy ni Jake. "Kath hija. May amnesia siya. Pero lang taon lang ang nakalimutan niya."

Parang bombang sumabog sa akin ang katotohanang totoo nga ang mga nasa isip ko.

Pero bakit naman ganon kung kailan ko na siya mahal saka pa ito nangyari.

"Jake hindi mo ba talaga ako nakikilala?" Tanong ko sa kanya na blangkong nakatingin lang sa akin na nagpaluha pa sa akin ng todo.

"Hindi. At saka mom, where is Bianca? I want to see her."

Ang sakit!

Para akong kakapusin ng hininga dahil sa narinig. Ibang babae ang gusto niyang makita samantalang ako ang nasa tabi niya ng isang buwan.

Hindi ko na kaya. Lumabas na ako ng room ni Jake. Hindi ko kaya eh. Masakit na eh.

---------

Vote and comment pls.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon