Vote and comment.
Enjoy reading!<><><><><><><><><><><>
Third person's POV
Gulat na gulat silang lahat sa kanilang nalaman maliban kay Sam na nakangiti at parang masayang masaya sa nangyayari.
Natatakot na bumaling ng tingin si Kath sa kayang master na nakatulala at gulat na gulat.
"Omg! Ikaw si Ms. Katherine Hermosa?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa sa mga kasambahay na sinusungitan at inaaway lang siya noon at ngayon ay para ng isang maamong tupa.
Tumango lang si Katherine.
"Ikaw din yung babaeng nasa balita noong isang buwan na hinahanap." Sabi pa ng isa.
Nagulat sila ng biglang magsalita si Jake.
---
Katherine's POV
Nanlamig ang buong katawan ko habang naluluha ng bumaling sa akin si Master. May nakakatakot siyang aura. Galit siya.
"Di ba sinabi ko naman na hindi namin kailangan ng mga sinungaling dito sa bahay so sisante ka na din. I can't believe this!!!!" Sabi niya at padabog na nilayasan kami.
Hinarap ko si Sam. "Masaya kana? Kuntento ka na ba? Nangyari na ang mga gusto mong mangyari? Sana naman makuntento ka na. Hindi iyong nakikialam ka sa buhay ng iba." Sabi ko at pumunta sa kwarto namin para magimpake.
Hinakot at inayos na ako na ang lahat ng dapat ayusin at nagpalit na din ako ng damit at saka ko tinawagan si Janice.
("Hello! Kath!")
"Hello! Janice! May problema tayo." Sabi ko sa kanya.
Problema na naman ito. Saan ako pupunta?
("Hah? Anong problema? Ano yun? May nangyari ba?") sabi niyang ng may pagaalala.
"Nabunyag na yung totoo. Alam na nila kung sino ako dito sa bahay na kinalalagyan ko ngayon. Help me. Sunduin mo ako dito. Now na." Sabi ko sa kanya.
("Ok. Ok. Pupunta na ako diyan. Wait for me. Bye.")
"Ok bye. Pakibilisan please." Sabi ko at pinatay na yung tawag.
Umupo muna ako sa kama ko at tinignan lahat ng gamit ko ng biglang may pumasok at si....Sam iyon.
"Oh! Di ba sisante ka na? Bakit hindi ka pa mag-impake. Tandaan mo Sam may pamilya lang umaasa sayo pero dahil sa mga maling gawain mo magdurusa kayo." Sabi ko agad sa kanya.
At least ako walang ibang taong maapektuhan sa pag-alis ko.
Hindi siya nagsalita at inayos na din ang mga gamit niya.
Bumuntong hininga ako at lumabas na kwarto at naabutan ko sa sala sila manang.
"Aalis ka na ba talaga." Biglang tanong ni Ate Ericka.
"Oo eh! Magagalit sa akin yung kapatid mo." Sagot ko.
"Hindi mo ba hihintayin yung dalaw ang bata pars makapagpaalam ka sa kanila?" Tanong niya.
Oo nga pala yung kambal.
"Hindi na siguro. Ipaalam mo na lang ako sa kanila kasi papunta na dito si Janice para sunduin ako." Sabi ko.
Medyo nalulungkot ko dahil aalis na ako dito. Napanatag na din kasi ang loob ko dito at saka halos isang buwan ko na din nakasama ang mga tao dito sa bahay.
"Pwede bang humingi ng papel at ballpen. May isusulat lang ako." Sabi ko sa kanila.
May gusto lang kasi akong sabihin kay master ko. Kasi baka hindi ko na uli siya maka-usap. I just wanna say sorry dahil nagsinungaling ako.
Binigyan naman nila ako ng papel at ballpen agad. Nagsulat ako ng message at saka ko iniabot kay ate Ericka.
"Ate pwedeng pakibigay na lang kay master." Sabi ko at Tumango naman si Ate.
May narinig naman akong bumusina baka si Janice na iyon.
"Paano ba yan goodbye na." sabi ko kina manang Elma.
"Babye Stacey. Sorry pala sa mga nasabi at nagawa namin noon." Sabi ng isa sa mga kasambahay na inaway ako noon.
"Oo nga. Ang ganda mo pala." Sabi pa ng isa.
"Oh sige na bye na. Aalis na ako. Till we see each again." Sabi ko at lumabas na ng bahay.
Ipinasok ko sa compartment ng kotse at bago ako pumasok sa kotse ay nakita ko sa veranda ng second floor si master.
Nginitian ko siya bago ako pumasok sa kotse.
"Let's go na Janice."
"Ok.
Tinignan ko muli ang bahay.
Goodbye master.
<><><><><><><><><>
Vote and comment
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Teen FictionMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...