Chapter 20 - Kiss

2K 70 0
                                    

Katherine's POV

"Ako din Taken na. Meet my girlfriend Stacey."

Napanganga kaming lahat dahil sa sinabi ni Master. What the heck? Anong mga pinagsasabi ni Master?

"Ayy Ganon ba? Sayang naman pero pag-nagbago ang isip mo. Just call me!" Sabi ng isang babae at umalis na kasama ang mga iba pa nitong kasama.

Ang landi! Sarap ipakain sa pating kung meron lang sana dito.

Ng makalayo na sila ay agad akong umalis sa pagkakahawak ni Master.

"Anong bang pinagsasabi mo diyan master? May sakit ka ba? Hindi ka nambabae eh?" Sabi ko.

Natawa naman si Kyle at Janice.

"Pero seriously. Bakit mo iyon sinabi master? Hindi ka ba kinilabutan? Kadiri kaya." Sabi ko.

"Kalimutan mo na yung sinabi ko kanina. I just use that para layuan ako ng mga babae. Sa gwapo at macho ko kasing ito lapit sila lapit sa akin." Sobrang yabang na sabi ni Master.

"Bes malakas pala yung hangin dito sa resort na ito. Hindi mo ako inabisuhan." Sabi ni Janice.

"Sinabi mo pa bes. Hindi ko nga din alam eh. Mahangin talaga dito pero sobrang lakas pala. Anyway pinatawag kayo sa amin kasi Kakain na po." sabi ko at hinila paalis ni Janice sumunod naman sa amin yung boys.

Grabe hindi ko kinaya yung hangin na dala ni Master sa sobrang lakas.

Kumain kami ng sabay sabay. Pero habang kumakain hindi nanaman maiwasan nina Janice at kyle na magbangayan. Katabi ko sa kaliwa si Janice at sa kanan naman si Kyle.

At si master naman ay umiiral na naman ang pagkatamad. Sakin pa ba naman ipagawa yung bagay na kaya niyang gawin tulad ng magsalin ng pagkain sa plato niya, magsalin ng tubig sa baso niya at kung ano ano pa na kaya naman niyang gawin. Hanggang sa matapos na kaming kumain ng lunch.

"Hayy....tataba na naman ako nito. Andami ng kinain ko." Sabi ni Janice habang tinatapik ang tiyan niya.

"Anong mataba? ang payat mo kaya." Sabi ko. Assuming talaga itong di Janice mukha kaya siyang tingting na buhay.

"Grabe ka naman, bes!!! Ang sexy ko kaya." Sabi niya at nag-pout.

"It's ok lang girls. Minsan lang naman tayo makakain ng mga ganyang pagkain." sabi din ni Ate Ericka.

Nag-uusap usap kami ng mga girls at may sariling mundo din ang mga boys ng bigla kong narinig si master na may master nanaman.

"Slave, get me a coke in can now." Utos na naman.

Pupunta na sana ako pero pinigilan ako ni Kyle. Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Ako na ang kukuha. Dito ka nalang." Sabi niya at pinaupo niya ako sa kinauupuan ko kanina.

"Ah.....ok." Sabi ko na lang.

Hehe. Ang sweet naman ni Kyle.

"Wow....ang sweet naman ni Kyle." Tudyo naman ni Ate Ericka.

"Anong sweet sa lalaking yun? Hindi kaya." Sabi ni Janice sabay irap.

Dumating naman si Kyle na may dalang drinks tulad ng juice. Wow. Talagang kinuhanan pa kami. Ang bait naman.

"Hindi ko iinumin yan, baka may lason." sabi ni Janice.

"Judgemental ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Sino ba kasing nagsabi na iminom ka. Hindi kita pinipilit." sabi naman ni Kyle kay Janice. Inirapan lang siya ni Janice.

"Slave buksan mo ito." May panibago na namang utos ang kamalahalan.

"Opo master." napipilitan na sabi ko.

Aabutin ko na sana pero si Kyle ang nagbukas pagkatapos ay binigay niya kay Master.

"Thank you, Kyle." Sabi ko sa kanya.

Kinindatan niya ako. "Basta ikaw."

"Tsk! Huwag kayo dito maglandian sa harapan ko." Napalingon kami kay Master na madilim ang mukha.

Galit ba siya?

"Grabe ka naman, Lil brother! Inggit ka no!" Sabi ni Ate Ericka.

"Haha...o baka naman bakla ka at crush mo si Kyle." Sabi ni Janice.

Ano bang pinagsasabi nitong babaeng ito? Nakakakilabot at nakakasuka. Hindi ko kayang isipin na bakla si Master. Kadiri.

"Hindi ako bakla." Tanggi ni Master

"Weh?!!!" sina Janice at ate Ericka.

"Oo nga gusto niyo patunayan ko pa." Sabi ni Master at nag-smirk. Tumango naman sila.

"Watch." Sabi ni master at tumayo.

Nagulat na lang ako ng bigla niya ako hilain patayo at ....

......



......



.....

*TSUP!

HINALIKAN AKO NI MASTER SA LIPS!!

O________O

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon