Chapter 27 - Let's talk, Stacey. pls..

2.1K 64 0
                                    

Vote and comment.
Happy reading!

***************************************************************************************************************

Kath's POV

Halos naikot at napasok na namin ang mga stores dito sa loob ng mall at sobrang dami na din ang mga binili namin na halos bitbitin naman ni Kyle.

Wala eh, nagprisinta siya edi hindi namin siya pipigilan yun nga lang may favoritism siya yung akin lang ang binitbit. Haha.

At ngayon ay papunta na kami sa last na boutique dito sa mall na hindi pa namin na papasok.

Pumasok sa shop at mabilis kong nakita ang isang red dress pero ng hahawakan o kukunin ko na sana ito ng may mauna na sa akin.

"Oppssss.....sorry." Sabi niya at nginitian ako......ng peke. Tss...b*tch.

Namukhaan ko siya. Siya yung girl na kasama kanina ni Jake sa Jollibee. Yung KALANDIAN niya.

And besides, hindi ko na gusto ang red dress na iyon dahil nahawakan na ito ng isang malandi baka mahawa pa ako.

"It's okay. Sayo na yan. I have lots of red dresses na mas maganda pa diyan." Sabi ko at tinalikuran siya.

Ano bang meron sa araw na ito at kung ano-ano at kung sino-sino lang ang nakikita ko. Tsk! Ang buong akala ko ay magiging maganda ang araw na ito yun pala ay hindi. Nakakainis!

Lumapit sa akin si Janice. "Kath! Nandito yung master mo. Kausap niya sa labas ng boutique si Kyle." Balita nito sa akin.

Bakit ba kasi nandito si mas—Jake pala? Sa dami ng boutique dito pa talaga? Tsk!

At dahil mga inis ako, " Ano namang pake ko sa kanya?" Yun na lang nasabi ko.

"Owwssss?? Wala lang pake. Kahit may kasama siyang hipon na nagkatawang tao at nagfi-feeling maganda at sexy dito sa loob ng store?" Sabi na nito pero grabe siya makapanlait pero sabagay totoo naman. Haha bad ko!

Kumunot ang noo ko. "Ano ibig mong sabihin na nagfi-feeling maganda at sexy?" Sabi ko.

"Ang ibig sabihin ay iyon oh! Tignan mo!" Sabi niya at tinuro ang babaeng kasama ni Jake.

Nakita ko ang dalawang sales lady na hawak ang mga damit na kinuha niya at isa isang isinusukat. Ng muli siyang lumabas sa fitting room ay nakita kong suot niya ang red dress na kukunin ko sana.

Kitang kita ko na pinipilit niyang magkasya sa kanya. Natawa naman ako at na palingon siya sa akin. Masyado kasing ambisiyosa. Hindi naman pala kasya sa kanya.

Masama ang tingin niya sa akin habang papunta ako sa isang pang fitting room na dala dala ang isang black dress na napili ko.

Isinukat ko ito at lumabas ng fitting room. Buti na lang pala at naka-dress ako ngayon at bagay ito sa stiletto kong suot.

Napanganga silang lahat sa kagandahan ko ng lumabas ako. Sakto namang pumasok si Kyle kasama ang kaibigan nitong si Jake na master ko noon.

Nagtama ang mga mata namin ni Jake. Bigla akong nailang sa tingin niya sa akin. Para kasing may kakaiba. Yung parang hinihila ako papalapit sa kanya.

Pero hindi ko ito pinansin at umiwas ng tingin sa kanya.

"Wow Ma'am! Ang ganda niyo!" Puri sa akin ng isang sales lady.

"Oo nga ma'am ang sexy niyo pa. Fit na fit sa inyo." Sabi pa ng isa.

"Thanks!" Sabi ko sa kanila.

Mukhang ganang ganda talaga sila sa akin sabagay totoo naman eh! Haha.

"Oh! Kyle na tulala ka yata diyan?" Tanong ni Janice kaya tinignan ko si Kyle.

"Bagay ba?" Tanong ko.

Lumapit siya sa akin. "Bagay na bagay. You're beautiful as always." Sabi niya.

Nginitian ko na lang siya.

"I think mas bagay sa akin ang dress na yan?" Singit naman nung nakakainis na babae.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Talaga? Sure ka?" Nangiinis na tan on ko sa kanya. "I don't think na magkakasya ito sayo?" Pahabol ko sa kanya.

Magsasalita sana siya ng maunahan siya ni Janice.

"Ang ganda at ang sexy naman ng best friend ko. Hindi katulad ng isa diyan pinipilit na magkasya sa kanya ang isang damit tulad ng pagpipilit niya na maganda siya eh hindi naman at mukha siyang hipon na mataba." parinig nito at inayos ayos ang dress na suot ko.

Alam kong natamaan yung babae. Siya lang naman ang babaeng nagasusukat kanina at natawa ako sa sinabi niyang hipon na mataba.

Napansin ko din na napapatingin na saamin lang iba pang costumer dito.

"Ako ba pinapataan mo?" Inis na tanong nito kay Janice.

"Oy! Wala akong sinabi na ikaw yun. Assuming ka no? Bakit natamaan ka ba?" Si Janice.

Halatang nang-iinis lang. Lakas nanaman ng trip. Kay galit yata yan sa mga malalandi.

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at pinigilan ko siya.

"Oppss. Enough. I don't have time with these." Sabi ko at nagpalit na ng damit at pagkatapos ay kumabas na ako at dumeretso sa counter.

Pero napansin ko na wala ng babae. Umalis na kaya dahil sa kahihiyan?

"Ang rude mo kanina ah. Hindi mo siya hinayaan na magsalita yan tuloy hiyang hiya at umalis na." Sabi ni Janice sa tabi ko.

So tama nga ako umalis na ito kasama kaya si Jake?

"Kung iniisip mong sumama yung master mo hindi. Nasa labas siya kasama si Kyle." Sabi nito.

"Oyy hindi noh!" Tanggi ko.

"Palusot ka pa eh."

"Hindi nga." tanggi ko pa. Ang kulit eh.

"Ok."

Nagbayad na kami at lumabas na ng boutique.

"Let's go!" Sabi ko kay Kyle.

Pero aalis na sana ako ng isang tinig ang narinig ko at hindi ito kay kyle.

"Let's talk, Stacey. Please?" Si Jake.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Vote and comment. Please?😁
from magandang author.


My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon