Chapter 11 - Bad Mood Master

2.2K 76 0
                                    

Kath's POV

Gabi na at kakaalis lang ni Kyle. Ewan ko ba pero parang ang sweet sa akin ni Kyle o sadyang ambisyosa lang ako.

Si Master naman ay kanina bad mood na hindi ko alam kung bakit. Bigla bigla na lang nagsusungit ng wala sa oras.

Para siyang baabeng may dalaw dahil sa sobrang sungit.

Nilapitan ko siya sa sofa kung saan siya nakaupo at kinakalikot ang laptop niya habang nakabusangot at nakakunot pa rin ang noo.

"Master kung wala ka na pong iuutos aakyat na po ako sa kwarto namin at magpapahinga na po ako." Sabi ko dito pero hindi niya ako pinansin.

Mukha namang wala siyang iuutos kaya time ko na para magpa-fresh dahil kanina pa ako haggard na haggard sa master kong bad mood ngayon.

"Ok po master aakyat na po ako." Sabi ko.

Wala na naman akong narinig na angal kaya nagtuloy tuloy na lang ako.

Pumasok ako sa kwarto namin at nakita ko si Sam na nag-aayos ng higaan niya.

"Hi! Sam!" Bati ko sa kanya kaya siya napatingin sa akin.

"Hi din Stacey!" Bati niya din at agad akin nilapitan at pinaupo sa kama.

"Uyyy! Anong meron sa inyo ni Sir Kyle? Ang sweet sayo ni Sir Kyle kanina." Usisa niya.

Ano ito? Interview?

"Hindi ko din alam." sabi ko.

"Siguro may gusto siya sayo no?"

hala siya!

"Huwag mo akong paasahin!" Sabi ko.

Ngumiti siya ng nakakoloko. "Ikaw ha? Crush mo si Sir Kyle noh?" Tudyo niya sa akin.

"Eh ano naman kung oo? Wala namang masama?" Umamin na ako.

"Haha Edi! Inamin mo din!" Sabi niya.

Lihim akong napa-ngiti.

"Mag-kwento ka naman. Bakit mo nagustuhan si Sir Kyle?" Usisa niya.

Hindi ko na napigilan ang mga ngiti ko. Hehe.

"Dahil gwapo siya at mabait." Sabi ko.

"Oo nga sabagay, totoo naman ang mga yan." Sabi niya.

Sa mga nakalipas na mga araw nakita ko din na parang may kakaiba sa mga tingin ni Sam kay master at ngayon ako naman ang mag-tatanong. Babawi lang.

"Eh? ikaw may gusto ka ba kay master?" Tanong ko at napatigil naman siya.

Umiwas siya ng tingin. "Huh? Ano bang pinagsasabi mo?" Sabi niya.

Tanggi niya. Ayaw hiyang umamin edi hindi.

"Ok." Sabi ko.

Someday malalaman ko din ang totoo.

Inayos na namin ang mga higaan
namin at ako naman ay ka-chat pa si Janice.

Me: Janice! Ano ng balita? Pinapahanap pa rin ba ako ni Daddy?

Janice: Ang narinig ko kay daddy ay pinatigil na daw ng daddy mo ang paghahapanap sayo. Yun lang ang alam ko pero hindi ako sigurado.

Me: Edi! Alamin mo!

Janice: Aba! Maka-utos ka naman. Amo ba kita?

Me: Aba! Kung kaya ko lang edi ako na ang gumawa.

Janice: Oo! Ako na ang gagawa, senorita Katherine!

Me: Balitaan mo ako agad ah!

Janice: Oo na! Anyway musta naman ang slave life mo ng gwapo mong master?

Me: -_- Kung alam mo lang sana. Grabe ang mga paghihirap ko. Bakit kasi ito pa ang kinuha mong trabaho ko. Bwiset ka!

Janice: Luh? Pasalamat ka nga at tinulungan pa kita. Kaya iyan ang napili kong trabaho mo ay para hindi ka madaling mahanap ng daddy mo.

Me: Ok.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at ako naman ay bumaba sa kusina para uminom ng gatas.

Pero bago pa ako makarating ng kusina ay nakasalubong ko si Master sa hagdanan.

"Good evening, Master!" Bati ko sa kanya.

Salubong parin ang mga kilay.

"Slave sumunod ka sa akin. May pag-uusapan tayo." Sabi niya at pumunta sa isang sulok.

Grabe naman! Sana hindi na lang ako bumaba.

"Layuan mo na si Kyle." Diretso niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ko naman lalayuan ang crush ko?

"At bakit naman?" Takang tanong ko.

Kung ano-ano ang mga pinagsasabi ni master. Nababaliw na ba siya?

"Kasi.......Uhm...k-kasi.......ugh!" Hindi niya matuloy at parang frustrated na napahilamos sa mukha at.......

Ayun. Bigla na lang ako iniwan.

Luh? Anong nangyari doon?

____________

VOTE, COMMENT AND SHARE THIS STORY. HART! HART!

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon