Chapter 26 - Iwasan

2.1K 62 0
                                    

Vote. Comment.
Happy reading.

<><><><><><><><><><><>

Katherine's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula ng umuwi ako sa bahay namin at isang buwan na ding hindi ko nakita si Master—Jake pala.

Si Janice naman ay nagsisimula na sa kayang punishment silang maid at natatawa na lang ako kasi bago siya maging katulong ay nag-yaya pa siya as akin na pumuntang salon at mamili ng damit.

Siya na ang isa sa mga kilala kong fashionistang maid. Eh may uniform pa naman ang mga maid at ito pa ang mas nakaka excite, si Kyle ang amo ni Janice.

Halos hindi ako makahinga dahil sa kakatawa ng makita ako ang mga reaction nalang dalawa. Para silang aso't pusa na laging nag-aaway at isang linggo naman akong hindi pinansin no Janice dahil sa pagtatawa ko.

Si Kyle naman ay naging best friend ko na dahil madalas kaming magkasama nitong nakaraang buwan. Naalala ko pa yung reaction niya matapos malaman ang totoo kong pagkatao. Hindi naman siya nagalit sa akin.

And now, I'm with Janice dahil day off niya ngayon at gagala kami dito sa mall like bibili ng damit, magpapaayos ng buhok, ng nail polish at magpapapansin sa crush niyang hindi siya pinapansin kahit anong gawin niya.

Naisipan kong yayain si Kyle today at pumayag naman siya at todo reklamo naman si Janice sa tabi ko.

"Kath! Bakit mo pa niyaya ang unggoy na yun? Like duh! I expect na happy ang day na ito kasi hindi ko makikita maghapon ang pangit niyang pagmumukha at umay na umay na ako." Reklamo niya sa akin.

"Ahh talaga?"

Napalingon kami ng may magsalita sa likod. Nakita namin si Kyle.

Napatingin naman ako kay Janice na parang na hiyang hiya sa nga sinabi at hindi makatinging kay Kyle.

"Wala. Joke lang." Palusot ni Janice.

"Hindi ako bingi! Rinig na rinig ko na ang mga sinabi mo. Unggoy pala ha? Puwes may parusa ka bukas galing sa unggoy na tinatawag mo. Pasalamat ka na lang dahil good mood ako ngayon." Sabi niya at bumaling sa akin.

"Anyway, how are you?" Sweet na tanong niya sa akin.

"Maayos naman and you?"

"I'm fine. Lalo na't nakita na kita ngayon." Sabi niya.

Napangiti na lang ako. Habang si Janice naman ay diring diri at bumubulong pa pero rinig naman namin.

"Pwee!!! May tinatago pa lang ka-cornyhan itong mokong ito. Kadiri!" Bulong niya pero narinig naman namin.

"Tsk!" Si Kyle.

"So let's go na. Pero bago tayo bumili ng kung ano-ano, kain muna tayo. Hindi ko gusto yung breakfast kanina." sabi ko sa kanila. Pumayad naman silang dalawa.

Pumunta kami sa Jollibee at umorder ng pagkain at pagkatapos ay humanap na kami ng upuan, at buti na lang at meron pang may available pang upuan, medyo madami kasi ang tao ngayon.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan ng kung ano ano, at nakakainis lang dahil napili pa nilang topic ay tungkol kay Jake.

Hindi pa kasi 'nun nagkakaayos at nagkakausap.

"Bes! Kung nakausap mo kasi siya at nagkaayos kayo edi magiging peace na ang buhay mo wala ka ng iisipin. Wala ka ng aalahanin." Sabi ni Janice.

"Oo nga. Kung gusto mo tutulungan kita na kausapin siya. Ano kakausapin mo ba?" Tanong sa akin ni Kyle.

Sabagay, tama naman silang dalawa pero ayoko ko paring makita si Jake. Ewan ko?

"Hindi muna." Sabi ko ng mapansin kong nag sinisilip si Janice sa likod ko.

"Anong sinisilip mo diyan?" Takang tanong ni Kyle.

"Bakit ba? Curious ka?" Sabi naman ni Janice.

Napangiti naman ako kasi mukhang iniinis niya si Kyle.

"Tsk!" Yan lang ang tugon ni Kyle at hindi siya pinansin.

"Sino ba kasi yan? Baka naman yung crush mo yan hah? Kung ano sayo tantanan mo na yun wala ka ng pag-asa. Hindi ka naman pinapansin," Sabi ko sa kanya.

Napasinganot naman si Janice at tumawa si Kyle.

"Hahaha....buti nga sayo at saka hindi ka talaga 'nun papansinin ang pangit mo eh." Sabi ni Kyle kay Janice.

Ayan na naman. Mag-aasaran na naman. Tapos may mapipikon then magkagalit na. Tsk!

"Tse! Wala lang pake at bulag lang yang si crush kasi hindi niya nakita ang halaga at kagandagan ko." Pagmamayabang ni Janice.

Napa-iling iling na lang ako at kumain.

"Anong kagandahan? Saan at hindi ko makita." Sabi ni Kyle at parang hinanap ang kagandahan na sinasabi ni Janice.

Loko din itong si Kyle. Ang lakas niyang mang-asar at mang-pikon.

"Kath oh!" Sumbong niya sa akin.

"Tumigil na nga kasi kayo." Saway ko sa kanila.

Dahil sa bangayan nila ay may napapatingin na sa amin.

"Pero sino o ano nga ba kasing tinitignan mo doon?" Tanong ko.

"Si Jake yung master mo na may kasamang babae na flirt." sabi niya at may tinuro sa likod ko.

Nilingon ko naman ang taong tinutukoy ni Janice at nakita ko si Jake na nililingkisan ng is an babae.

Grabe naman! Public display of affection. Ang dami pa namang bata dito sa Jollibee na nakakakita. Mga walang hiya!

At sino ba yung babae na 'yun? Tsk! Tsk! Playboy.

Agad namang akong napaiwas ng tingin ng makita niya ako at nagtama ang mga mata naming dalawa.

Shemayyyy!!!!

Nakakahiya nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"Oo nga. Si Jake my best friend." Sabi naman ni Kyle.

"Sino yung kasama niyang babae?" Tanong naman ng chismosang si Janice. Tsk!

Ano namang pakealam ko diyan?

"Bilisan niyong kumain nang makaalis na tayo dito. May PDA eh!" Sabi ko sa kanila.

"Wow ha? Ikaw yung nagyayang kumain kanina tapos hindi mo kami hahayaang I-enjoy ang foods namin—wait? Are you avoiding, Jake?" Janice.

Natigilan naman ako tanong ni Janice.

"Yeah! Are you avoiding, Jake? Kath this is your chance para makausap mo na siya." Sabi naman ni Kyle.

"Hindi ko siya iniiwasan." Tanggi ko kahit na ang totoo ay iniiwasan ko talaga si master—Jake pala. "Medyo nagtatagal na kasi tayo dito baka konting na lang ang matira sa ating maglibot at bumili ng kung ano ano." Palusot ko pa.

"O................keyyyy!" Sabi naman ni Janice pero hindi parin kumbinsido.

Tinapos namin ang mga pagkain namin at umalis at syempre para maka-iwas na kay Jake my master.



****************************************************************************************************************

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT TO THIS CHAPTER. 'TILL NEXT CHAPTER. THANKS FOR READING!!! muuah!!

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon