Chapter 44 - Childhood Friend

1.6K 58 0
                                    

Katherine's POV

Dalawang linggo na ang lumipas ng magpunta kami ni Daddy dito sa America.

Masaya naman dito. Panay ang shopping namin ng pinsan at tita ko. Sinisigurado nilang malilibang at mae-enjoy ko ang bakasyon namin ni daddy.

Sa dalawang linggo ding iyon ay hindi nawala sa isip ko si Jake, kung kumusta na siya. Magaling na ba siya.

Gusto ko sana siyang natungin kay Janice pero pinipigilan ko ang sarili. Gusto niyang umalis ako sa buhay edi tototohanin at kung gusto niya naman akong bumalik sa buhay niya kailangan maghirap siya.

"Kath! Kathy!" Sigaw mula sa labas ng kuwarto ko ni Threya, pinsan ko at kapatid ni Troy

Tamad na bumangon ako sa higaan ko para pagbuksan si Threya ng pintuan. Nakita ko pang kasama pala niya si Tiana na kapatid rin nila.

"Why?" Tanong ko kay Threya at Tiana ng mabuksan ko ang pinto ko.

"Are you free today? You know let's go out. Like hunt some boys." Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"At saka lumabas ka na diyan ipapakilala nila kuya yung nga girlfriend nila sayo. Niyaya ko din sila para may kasama tayo. Sabi kasi ni kuya Troy broken ka daw kaya aalis tayo para hanapan ka ng boy. Haha" Sabi niya pa.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Lagot sa akin yung Troy na yun. Hindi ko nga gustong sabihin sa iba yung tungkol doon tapos siya sinabi lang basta basta.

"Ok. Basta paki-remind sa akin na bubugin ang kuya Troy niyo. Hindi ko nga sinabi sa inyo yung tungkol doon tapos siya sinabi niya sa inyo?" Sabi ko sa kanila.

"Ok. Magpalit ka na ate. Para maka-alis na tayo. Hihi excited na akong mag-boys hunting." Sabi ni Tiana at umalis na sila si Threya.

Napailing - iling na lang ako. Alam kaya ito ng mga Kuya nila? Nagpaalam kaya yung mga 'yun? Naku baka ako malagot sa gagawin namin, napaka - overprotective ng mga pinsan kong sa lalake.

Nagpalit na ako ng damit. Nakaligo na din kasi ako. Naglagay din ako ng konting make-up. Pagkatapos ay bumaba na sa ako sa sala. Nadatnan ko ang mga pinsan ko doon na nagkwekwentuhan.

"O nandiyan na pala si Ate Kath."Sabi ni Tiana.

Nakita ko naman ang dalawang babae na hindi ko naman kilala. Siguro ito na yung mga girlfriend ng mga pinsan ko. Please in fairness ang gaganda.

"Hi! Pusa. I want you to meet my honey. This is Rhian. Rhian this is my cousin Katherine." Pakilala ng pinsan kong si Carlo.

Natawa na lang kami ng magkunwaring nasusuka yung mga single kong pinsan dahil sa sinabi ni Carlo. Honey pa nga!

"Hi it's nice to meet you."

"Me too. Lagi ka sa akin nababanggit ng honey sa tuwing nagpaplano kaming pumunta ng Philippines." Nagulat ako ng nagtagalog siya.

"Huwag ka ng magulat diyan. Fil-Am Ang lahi niyan." Sabi naman ni Aldrich.

"At ito naman ang girlfriend ko Kath, si Bianca." Sabi naman din ng pinsan kong si Alex.

Nagulat ako sa pangalan pero nginitian ko na lang ang girlfriend niya kahit na ayaw ko sa pangalan niya. Baka coincidence na yung pagkakapareho nila ng pangalan ng ex ni Jake.

"So mga Ate, sama kayo sa amin?" Tanong ni Threya sa mga gfs ng mga pinsan ko.

"At saan kayo pupunta?" Tanong ni Troy.

Ako ang sumagot at sinamaan siya ng tingin. "Magbo - boys hunting. Bakit?"

"Boys hunting? Bakit isasama pa niyo itong mga may jowa na?" Sabi ni Troy.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon