Kath's POV
Makalipas ang dalawang araw.
Salamat naman at may pinuntahan si Master tungkol sa trabaho niya kaya wala siya dito sa bahay nila.
At kung sakaling dumating man siya ay bahala na kung ano ang mangyari.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko? Kung paano ko haharapin si Master dahil sa nangyari kagabi.
Gusto kong iwasan si Master dahil naaalala ko lang ang 'yummilicious' na 8 pack abs niya.
Baka mag-mukhang kamatis lang ako sa harapan niya dahil siguradong mamumula lang ako.
At isa pa sa mga dahilan kaya gusto ko siyang iwasan ay dahil isa siyang malaking TEMPTATION sa buhay ko.
Kasalukuyan akong nagbabantay ng dalawang makukulit na mga bulinggit.
Nasa garden kami at sina Drei at Drew ay naglalaro ng mga laruang eroplano nila at ako naka-upo at nagpapasarap ng buhay.
Sa dalawang araw na wala si Master, sobrang saya ko kasi walang utos ng utos sa akin. Walang paepal na tao. Kaya ngayong hindi pa dumadating Master susulitin ko na ang magpahinga dahil sa pagdating niya mapapagod lang ako sa dami niyang utos.
Nilapitan ako ng dalawang chikiting.
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko.
"Ate Stacey! Nagugutom na po kami!" Sabi nila at nag puppy eyes pa!
Naku ang kyut! Nila.
"Sige na nga at kukuhanan ko na kayo ng pagkain. Naku! Kung hindi lang kayo cute. Hintayin niyo na lang ako dito, pabalik ako mamaya." Bilin ko sa kanila.
Pumasok ako ng bahay at dumeretso sa kusina. Nadatnan ko naman si Ate Elma na nagpupunas ng mga kubyertos kasama pa ang dalawang kasambahay na hindi ko kilala dahil sa ibang kwarto sila.
"Ate Elma, nagugutom na po ang mga bata!" Sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi ikaw ang kumuha?" Narinig ko namang bulong ng isa sa dalawang kasama ni Ate Elma.
Binigyan ko siya ng pamatay kong death glare na lagi kong ibinibigay sa mga kasambahay sa bahay namin noon.
"Ako po ang kukuha. Hindi ko lang alam kung ano ang ipapakain ko sa kanila!" Sarcastic na sabi ko. "Huwag kasing paepal!" Parinig ko pa.
Masyadong papansin. Kung hagisan ko kaya siya ng bomba. Ang lakas ng loob akong awayin hindi naman maganda. Kung si Kath lang ako ngayon, nakatikim na siya ng kung ano ano sa akin. Kung kasambahay ko lang siya sa bahay baka ipaulam ko pa siya sa alaga kong ahas.
Hindi naman siya nakapagsalita at nanahimik nalang. Dapat lang iyon. Dahil kung wala rin lang siyang sasabihing maganda ay tumahimik na lang siya kundi ipapalapa ko sa kanya ang malalaking abs ni Master—bakit ba nasali ang abs ni Master? Tsk never mind.
"Tama na nga yan! Stacey, kunin mo na lang yung mga ginawa kong cookies diyan at mainit init pa. Paborito nila yan at kumuha ka na lang ng juice sa refrigerator." Eksena ni Ate Elma sa away namin ng echoserang frog na maid.
Hinanda ko na ang mga pagkain at inumin ng mga bata at pagkatapos ay binuhat ko ang mga iyon sa iisang tray.
Pagkarating ko ng sala ay may napansin akong lalaking bumababa sa hagdan.
Nalaki ang mata ko kung sino iyon. Si Master? Nandito na siya? Nandito na ang demonyo ng buhay ko.
"Hi! Slave! I'm back!" Bati niya sa akin.
"Sana hindi ka na lang bumalik!" Bulong na sabi ko.
"May sinasabi ka ba, Slave?" Tanong ni master.
Umiling hiling naman ako at kunyaring walang sinasabi. "Hi din Master!" Bati ko din sa kanya at had agad na pumunta ng garden.
"Yow! Mga batang makukulit!" Agaw ng atensyon ko sa kanila habang nag-lalaro ng bola.
"Ate Stacey!" Sabi nila at sinalubong ako.
"Haha, huwag excited. Baka matapon?" Sabi ko sa kanila at dali daling inilapag sa lamesa ang mga pagkain nila.
Habang kumakain naman sila ay isang demonyo ang lumitaw. Sino pa bang demonyo ng buhay ko maliban sa daddy kong gusto akong ipakasal sa iba edi si Master.
Naglalakad siya papuntang sa direction namin at nakangiti pa. PSH! Pangit naman pwe!
"Kuya Jake!" Sigaw ng mga bats at sinalubong siya ng yakap.
"Hi Kiddos! How are you?" Tanong niya sa nga ito.
"We are fine kuya." Sagot ni Drei.
"Kuya let's swim. Pls join us!" Sabi naman ni Drew.
Niyaya niya ba itong mag-swimming? Ibig sabihin makikita ko nanaman ang shinning abs ni Master? Omg ang manyak ko na. Kasalanan ito ni master. Dinumihan niya ang malinis na malinis kong isip.
"Ok. Magpapalit lang ako ng damit, babalik rin lang ako. Wait for me kiddos." Bilin niya sa mga ito at umalis na.
Napalunok ako. Temptation pls layuan mo ako!
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Teen FictionMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...