Chapter 1

5.5K 128 27
                                    

Chapter 1

Katherine's POV

"You like it or not, magpapakasal ka!"Sigaw sa akin ang aking ama. "This is not just for the company, this is also for you." Dagdag ng aking ama.

Ipapakasal niya kasi ako sa anak ng business partner niya at tutol ako doon. Kahit anak pa nila ako wala silang karapatan para pakialaman ang buhay ko. Kailangan ko pigilan ang plano ng aking ama. Hindi ko hahayaang masira ang buhay ko. Kahit pa tradition pa iyon ng pamilya.

I want to cry but I can't. I need to be strong. I need to think of something. I need to do something or else I will cry forever. Hindi na ako nagsalita pa at agad ko siyang inalukaran at lumabas na ng library. Nagpunta ako sa kwarto ko at tinawagan ko Janice.

(Hello! Kath! May problema ba? Bakit ka napatawag?) sabi niya sa kabilang linya. Siya lang ang makakatulong sa akin ngayon at wala ng iba.

"Janice, I need your help. Daddy, engaged me to someone na hindi ko naman kilala." Sabi ko. Gustong gusto kong magwala at sigawan si dad but he will cut my money and I don't want that to happen.

(O to the M to the G. Is that true? So, bakit mo kailangan ng tulong ko? Don't tell me you're going to make me talk to your father? I can't do that baka isumbong ako ng dad mo. So, bakit ka tumawag sa akin?) Tanong niya. Hindi siya pwedeng humindi dito.

"Tulungan mo akong tumakas!" Sabi ko.

(Ehh? Kath. Seryoso ka ba? Hindi mo pa lang nakikita ang mapapangasawa mo, humihindi ka na. Malay mo gwapo and yummy and the fact na mayaman din siya. Pagisipan mo muna ang mga bagay because parehas tayong malalagot sa daddy mo.) Janice said and my jaw dropped. Seriously? I want to strangle her to death. I'm serious here. I don't want to tie a knot to someone I didn't know. If pwede ko lang ilusot ang mga kamay ko sa phone para sakalin siya, ay kanina ko pa nagawa.

"Sige, ikaw na lang magpakasal. Baka gwapo din yun, sayo na lang." Sarcastic na sabi ko. Maharot eh! Serious ang usapan, hahaluan niya ng kaharutan! "Sarap mong sakalin. Pagnakita kita sasakalin kita dahil sa kaharutan mo." Pagbabanta ko sa kanya. Kating-kati na akong umalis dito.

(Haha, easy, Kath! Sige na nga tutulungan na kita. Paano ba kita matutulungan?) Sabi niya. I smiled in victory. She's reliable sometimes.

"Sunduin mo ako malapit na waiting shed sa labas ng subdivision mamayang hating gabi. Hanapan mo na din ako ng tutuluyan ko because I didn't know where to go." Sabi ko. Desidido na talaga akong tumakas.

(Ok, yan lang ba? I can do it all.) Tanong niya. Nagyabang pa talaga.

"Oo, magkita na lang tayo mamaya and I need to pack my things now." I said to her. She said her goodbye and I ended the call.

"Hindi ko hahayaang masira ang buhay ko. Kahit anong mangyari hindi ninyo ako mapapasunod and I will not marry that guy? I'm not even sure if he's good looking and young." Bulong ko sa sarili ko at nag-impake. I'm actually scared for what will happen later. I'm secretly praying na magtagumpay and plano namin dahil hindi ko na alam ang gagawin kapag nahuli ako ni dad.

I ate my dinner with dad and we are both silent the whole time. Gusto kong matawa dahil wala itong kalam alam na tatakas n ang nagiisa niyang anak ngayong gabi. He just ate dinner peacefully and that's my plan. Pagmukahing maayos ang lahat at wala siyang pinaplano na iba.

Sumapit na ang gabi at tulog na lahat ng tao sa mansion dahil tahimik na ang labas at malapit na maghating gabi.

Bitbit ang isang maleta ay tahimik na naglakad ako palabas ng kwarto. Sinikap kong hindi makagawa ng anumang tunog kaya dahan dahan lang ang mga galaw ko. Naglakad ako hanggang sa makalabas ako ng mansyon. I thank God, dahil wala akong nakasalubong na gising habang palabas ng bahay.

Sinilip ko ang mga guards sa gate na sarap na sarap sa kanilang pagtulog. They're not doing their job properly. I want to scold them but instead I thank them for being like this. Ganda ng timing ko, walang nagbabantay dahil mga tulog.

Tahimik kong binuhat ang maleta ko at tahimik ding naglakad. Nang makalagpas na ako sa gate ay may natapakan akong siguradong nagpagising sa mga guard. Plastic! May naapakan akong plastic. My eyes widened in fear. Nagmadali na akong maglakad ng tahimik ng biglang may sumigaw.

"Miss Kath! Bawal po kayong lumabas." sigaw ng isang guard nang makita niya ako.

Nanlalaki ang mga matang dali-dali akong tumakbo habang hila hila ko na ang maleta ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng habulin ako ng isang guard.

"Hoy! Miss Kath, bumalik po kayo. Malilintikan po kami sa papa niyo." Sigaw pa ni manong guard na hinahabol parin ako. Mabilis kung kinuha ang phone ko tinawagan ang phone number ni Janice at laking pasasalamat ko ng sumagot ito agad.

Hindi ko na ito hinayaang makapagsalita. "Jan, pasundo. Hinahabol ako ng mga guards. Daliaan mo. Malapit na ako gate!" Sigaw ko sa kanya at lumingon pa sa mga guards.

(Ano? Wait! Wait! Buti nalang at malapit lang ako sa bahay mo at hindi nakakalabas ng subdivision.) She responded and ended the call.

I'm getting slower. Pagod na ako kakatakbo pero ayaw ko naming masayang ang plano namin ni Janice. Hindi ako papaya na mahuli ngayon gabi.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ng matanaw ko na ang kotse ni Janice. Nilingon ko ang mga guards na humababol sa akin. Nalintikan na! Malapit na nila akong maabutan kaya, mas binilisan ko pa ang takbo ko.

Pumarada ang sasakyan ni Janice sa may di kalayuan. Nakita ko siyang lumabas sa sasakyan at binuksan ang backseat bako pumasok ulit sa driver seat. Narinig ko namang sumigaw si Janice. "Kath dali!" Sigaw niya ng makalapit ako.

Dali dali naman akong sumakay sa kotse ni Janice at agad niya itong pinaandar. Nilingon ko naman ang mga guards na tumigil na sa paghabol sa akin.

"Kath! Sigurado akong ipapahanap ka ng daddy mo!"sabi naman ni Janice habang nag-mamaneho.

Nginitian ko siya. "Well, tignan na lang natin at mabuti na lang at success ang pagtakas ko. Muntikan ako doon." Masayang sabi ko sa kanya habang habol ang paghinga. I'm tired pero buti na lang at sanay naman ako tumakbo sa gym at hindi ako masayadong nahirapan sa nangyari.

"May dala ka bang pera?" tanong niya.

I smiled at her and showed her my cards."Girl Scout yata ito, inilipat ko lang naman ang pera ng ATM ko sa secret credit card ko at may ipon din ako!" Proud na sabi ko sa kanya.

My dad always freezes my accounts whenever I did something he didn't like because he can control those accounts. So, I create a bank account without him knowing. Naglalakag ako doon ng pera every month para makaipon. As a high maintenance girly, I can't be poor dahil hindi ako mabubuhay.

"Clever! I like that. But what is your plan? I'm sure hahanapin ka ng daddy mo. And he will use and do everthing to find you." Janice said habang sa daan ang tingin niya. Papunta kami ngayon sa nahanap niyang tutuluyan ko.

"I honestly didn't know. But the plan is huwag magpahuli. That's the main plan. Ang kailangan kong problemahin ay kung paano ako mabubuhay ng walang maid. I'm not used doing all the house stuff." I responded to her.

She nodded. "Well yeah. I bet you can't even wash dishes properly."

I want to hate her from what she said but It's true. I hate this life. Why would my father want me to marry a guy I didn't love? He said this is also for my sake not just for the company he loves. I hate him for being so controlling but what can I do, I'm just his daughter.

"I can do this. Nakaya kong makatakas mula sa bahay, kaya ko ding mabuhay magisa. I chose this life." I said. Pinili kong buhay ang malayo sa bahay kaya kakayanin ko ito.

Well, goodluck to my father. How is he going to explain to his business partner that her own daughter is gone.

.......

currently editing the other parts. - the author.

My Master And Me | ✔️ | (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon