Vote, comment and share this story to your friends. Enjoy reading.
-Bflower the author.<><><><><><><><><>
*TSUP
Nanlalaki ang mga mata ko habang nasa labi ko pa rin ang mga labi ni Master.
Gulat? Oo!
Naghiwalay kami bigla ng may narinig kaming mga ingay. Nahihiyang nilingon ko ang mga taong nakakita sa nangyari.
Lahat sila gulat. Si Kyle naman ay nakatalikod sa akin.
At pati pala sila manang Elma, Sam at iba pang kasambahay ay nakita ang nangyari.
Ano ba itong nangyari? Buti na lang at wala dito ang mga parents nila Master. Ano na lang sasabihin nila.
Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Sam at umalis. Lagot may gusto kasi yata ito kay Master.
Dahil sa hiya ay umalos ako at sinundan ko na lang si Sam para makausap ko siya na mali ang mga nakita niya.
Nakita ko siyang umiiyak sa isa sa mga cottage.
"Sam!" Tawag ko sa kanya.
Nilingon niya ako. Nilapitan ko siya. Tumayo naman siya at hinarap.
"B-bakit ka nandito?" Tanong niya.
Nakatingin siya sa akin ng masama. Malamang dahil may gusto siya kay master. Sino namang matutuwa na yung gusto mo manghalik ng iba. Masakit yata yun!
"Magpapaliwanag sana." Sabi ko.
Tumawa siya ng may halong sarkastiko.
"Para saan?"
"Sa nakita mo kanina." Sagot ko.
Tumawa ulit siya. "Alam mo ba? Sa tagal ko na na nagtratrabaho sa bahay nila. Hindi man lang niya ako pinapansin. Tulad ng pagpansin niya sayo." Sabi niya at may tumulo ulit na luha sa mata niya.
Napaigtag na lang ako ng tumingin siya sa akin ng nakakamatay. Ano bang nangyayari sa kanya?
Hindi na siya yung kilala kong Sam na palaging maamo at hindi makabasag pinggan.
"Sam, kung ano man ang nakita mo kanina. Wala lang yun. Trip lang ni Master. Please believe me. Hindi ko din alam na gagawin niya yun." Pagpapaliwanag ko.
"Hindi eh! Napapansin ko na iba yung trato niya sayo kumpara sa amin. Kaya naiingit ako sayo. Inggit na inggit. Na kahit bago ka pa lang pero iba na ang atensiyon na binibigay niya sayo. Alam mo kung bakit? Kasi masyado lang papansin at pabida." Mahabang sabi niya.
"Sam. Mali ka ng iniisip. Huminahon ka muna." Sabi ko sa kanya. Pasigaw na kasi siya kung nagsalita. Napapalingon saamin yung mga napapadaan.
Baka akalain nila inaaway ko si Sam dahil umiiyak siya. Sinabihan pa ako ng papansin at pabida.
"Oo! inaamin ko na may gusto ako kay Sir Jake. Pero sana medyo layuan mo naman siya kasi may Kyle ka na. Huwag mong landiin silang pareho."
Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Nilalandi ko silang pareho? Biglang nawala yung respeto ko sa kanya. Masyado naman yatang harsh yung mga sinasabi niya na hindi totoo.
Ngayon alam ko na ang tunay niyang kulay at ugali. Peke ang mga pinapakita niya.
"Alam mo Sam. Alam mo kung bakit ka hindi magustuhan ni Master? Kasi yang ugali mong yan. Kasi peke ka! Yung Sam na kilala namin ay mabait hindi katulad mo na kung ano-ano ang lumalabas diyan sa bibig mong mga salita." Sabi ko sa kanya.
Hindi sa lahat ng oras tama ang isang tao. Hindi din sa lahat ng oras kailangan mong maging pipi sa mga kamalian nila.
Nagdilim ang mukha niya at galit na galit na hinarap niya ako. "So Ganon! Masama ang ugali ko. Sige kapag nilapitan mo pa si Sir Jake sasabihin ko sakanya na peke ka din. Dahil Jung peke ako peke ka din. Katherine Hermosa." Sabi niya at iniwan ako.
-----
"Ginawa niya yun sayo?!!!!" Hindi makapaniwalang tanong ni Janice sa akin. Tumango naman ako.
Hanggang ngayon kasi hindi na matanggal sa isip ko ang nangyari at ang banta sa akin ni Sam tungkol sa sekreto ko.
Oo! Peke ang pangalan ko. Pero ang mga pinapakita ko na ugali ko ay ang totong ako. Hindi katulad niya na iba pala ang ugali.
"Alam mo dapat pala sumunod ako sayo. Naku!!! Kung makita ko lang yung babaeng yun, baka masabunutan ko." Sabi ni Janice at gigil na gigil.
Kwinento ko kasi sa kanya yung tungkol sa pinagusapan namin ni Sam.
"Eh! Paano na yan? Bal mabuko na tayo dahil sa babaeng yan. Sayang naman ang mga pinaghirapan natin." Sabi niya at nag-pout.
"Hindi ko alam. Siguro gagawin ko na lang yung gusto niya. Ang layuan si Master." sabi ko.
Siguro nga iyon ang pinaka-magandang gawin sa ngayon habang wala pa akong matinong plano.....
Ang layuan si Master.
<><><><><><><><><><>
Vote and comment. ✔♥
BINABASA MO ANG
My Master And Me | ✔️ | (Under revision)
Fiksi RemajaMaid Series #1 Ako si Katherine Hermosa. Isang runaway bride at nagpanggap na isang katulong na si Stacey. Pero sa isang hindi inaasahang aksidente. Naging slave ako ng isa sa nga amo ko na ubod ng sama ang ugali. Mapaamo ko kaya siya at matagalan...