I knew I'm not a novel-type lead character gaya ng parati kong binabasa every day. At sawang-sawa na nga ako sa almost perfect characters. Para kasing paulit-ulit na lang. Kulang sa flaw, kulang sa pagiging realistic. As if namang lahat ng nilalang sa mundo, aesthetically pleasing sa mata.
Okay, sige, catchy na dapat si female lead, blonde ang mahabang buhok, matangkad, balingkinitan ang katawan, makinis at maputi, at parating nakasuot ng sexy and alluring dresses. A living Barbie doll, let's say. But that's an overdone cliché, lalo na kung nakatira ka sa Pilipinas na mas madalas pang makita ang mga mukhang troll dolls kaysa Barbie dolls. Or could be, nagpapaka-bitter na naman ako because I'm the opposite of that.
Maliban sa height kong five feet flat at maputlang balat dahil naghalo na ang anemia ko at lahi ni Mommy, brown eyes ko lang ang kadalasang punahin sa 'kin. Ang ganda nga raw kapag naiilawan. Other than that, wala nang positive. Hindi rin naman ako palaayos. I'm a T-shirt girl e. Bahay? T-shirt. Palengke? T-shirt. Outing? T-shirt. Date? T-shirt. Office? T-shirt. Parties? T-shirt. Kasal? T-shirt. Kaya nga napalayas ako ni Boss Steph noong wedding niya kasi nag-T-shirt ako na may statement na Never Do It. Wala nga raw akong pakisama, e naroon lang naman ako para sa reception.
"What the hell is this?"
I did have an issue with commitment na even sa work, nadadala ko. That's why I didn't sign my updated employment contract and nag-settle na lang sa part-time jobs. And today is my advanced reading copy evaluation slash ARC checking day—I need to read a certain book as per my boss' request.
The request was for me to do a story review, too late for beta reading and too late for the advance reading for pre-releasing na hiniling kong galley proof na lang sana. I was reading an already-published copy of a novel and it was a freaking eyesore. So badly written that I needed to stop reading, close the book, and type as fast as I could to tell the author how bad the story was.
Ms. KC, a publisher, once said, ang hirap na ng competition ng printed books sa market sa Pilipinas, and I agreed. For all the buyers know, natatambak lang sa warehouses ang overproduced books dahil hindi sila gaanong bumebenta. Imagine tons of books na available sa bookstore pero ten lang ang puwedeng pumasok sa bestsellers. Imagine kung isa ang book mo sa mga itinatambak na lang sa sale pero hindi pa bumebenta.
"Hey, love."
I immediately looked at where the voice came from, and I saw Justin standing by the door, smiling. Instead of smiling back, I just rolled my eyes and shook my head. Nag-type na lang ulit ako ng feedback sa author ng binasa ko.
Natapos na ang lunch, ngayon lang siya nagparamdam. Ano? Hindi uso ang text? Hindi uso ang call? Hindi uso ang chat? E kung isampal ko kaya sa kanya ang phone niya? 'Tapos sasabihin ni Mommy, magpakasal na kami? Okay lang sila?
"Busy?" tanong pa niya. Dapat nga, ako ang nagtatanong n'on sa kanya. Day off niya kahapon at ngayon pero hindi nagparamdam. Maayos naman ang usapan namin a. Kapag rest day niya, buong oras niya, dapat sa 'kin. Bakit parang nawawala yata siya sa sistema at nakakalimutang may girlfriend pala siya? Feeling single?
Isinara niya ang pinto ng bahay ko at lumapit sa 'kin. He bowed down and hugged me from behind. He gave me a peck on my cheeks and asked me again a stupid question.
"How's your day?"
"Saan ka galing, hmm?" masungit kong tanong. Pinalo ko pa ang braso niya para bitiwan ako. Bumitiw naman agad siya kaya iniikot ko agad ang swivel chair ko para humarap sa kanya.
"Galing ako sa night out," katwiran niya.
"Ah, night out!" I crossed my arms and my legs. "Kanino ka nagpaalam?"
Nagkamot agad siya ng ulo at nag-iwas ng tingin.
"Ni hindi ka man lang nag-chat. O nag-text. O tumawag," paisa-isa ko. "Wala kang phone, hmm?"
"Hindi mo kasi ako papayagan. Magagalit ka kasi."
"So, tingin mo, hindi ako nagagalit ngayon?"
"Wala na, tapos na. Nakauwi na 'ko."
"Ah! Oo nga! Okay? Puwes, umuwi ka na." Itinuro ko ang pinto. "Uwi!"
"Bakit ka ba ganiyan, ha, Eunice? Nagsasaya lang naman ako."
"Nagsasaya ka?" Itinuro ko ang sarili ko. "E ako? Tingin mo ba, masaya ako kagabi? Hindi ako nakatulog kahihintay ng text mo! O ng call mo! O ng chat mo! Na malay ko kung patay ka na ba! Na-kidnap! Na-holdap! Or whatever!"
"Bakit ba ang OA mo? Sina Shanaya lang naman yung kasama ko kagabi."
Lalong sumama ang timpla ng mood ko dahil kasama na naman niya yung malanding babaeng palaging nagbibigay sa kanya ng pagkain sa trabaho. Yung "friend" niya raw na hindi ko kailangang pagselosan kasi nga "friend" lang naman sila. Bullshit!
I look like a potato mashed in pure anger, and that Shanaya is literally a beauty queen na nagko-compete noon sa national competition. She even got the title of Ms. Tourism Philippines, for Pete's sake! Ano'ng laban ko roon? Biyas pa lang n'on, buong buhay ko na! 'Tapos magtataka pa 'tong hayop na 'to kung bakit sobrang insecure ko samantalang mas madalas pa niyang kasama ang babaeng 'yon kaysa sa 'kin.
"I love you, okay?" pagsuko niya, nilambingan pa ang tono, akala yata, tatablan ako.
"Fuck you. Get out."
"Love naman. . . ."
"I said get out!"
"Fine." He nodded and he didn't even beg for forgiveness. He just got out of my house and left me. Hindi na nagpumilit. Hindi na ipinaglaban ang side niya.
Tama ba 'yon? Ni hindi man lang nag-effort mag-explain! Basta na lang umalis?
Fine? Fine! Ganito pala ang gusto niya, then so be it! Letse siya!
I know, Justin is a trophy guy. Tall, fair, and handsome. Kaya nga botong-boto sa kanya si Daddy. Kamukha raw kasi niya si Wendell Ramos na kinapos sa gluta. Plus, he's earning dollars from his job in Makati. He spoiled himself with everything kasi wala siyang ibang pinagkakagastusan. Pareho rin naman silang working ng adoptive brother niya, kaya naman botong-boto sa kanya si Mommy kasi very independent.
They always say na ako ang may issue sa love life. My boyfriend is so perfect nga raw, hindi ko na dapat pakawalan. But to hell with that, paano ko hindi pakakawalan yung taong gano'n? Ni hindi nga nagpaalam na may night out sila! Bakit? Kasi alam niyang hindi ko siya papayagan?
Hindi talaga!
Bahala siya sa buhay niya. Magsama sila ng Shanaya niya.
♥♥♥
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...