Minsan, napapaisip ako kung hanggang saan lang ba ang limit ng friends kapag pumapasok na ang usapang love life. Hindi ako friendly e. And if by chance na hingian man ako ng love advice, isa-suggest ko lang: Kapag mahal mo, ipaglaban mo. Other than that, wala na akong pakialam. People don't listen naman talaga sa advice. Kasi kahit na ano'ng advice mo, kapag gusto pa rin nilang magpakatanga, magpapakatanga pa rin sila.
At ginawa ko yata 'yang mantra sa sarili ko sa loob ng apat na taon.
I told GT na pupunta si Justin sa bahay. At ang isinagot lang niya?
"Wala namang pumipigil."
'Tapos nag-continue pa rin siya sa pagta-type.
Hindi rin naman ako kinakabahan kasi narito si GT. Alam ko naman sa sarili kong wala akong ginagawang masama. Alam din naman ni GT na wala siyang ginagawang masama. Kung may dapat akong pagkanerbiyusan, malamang na doon 'yon sa idea na naka-GT-mode si GT ngayon.
Bruh, if I were Justin, hindi ko iistorbohin itong kasama ko. Nakakatakot pa naman si GT kapag inaabala siya sa writing pace niya. Ewan ko ba? 'Yong parang kaya niyang i-summon si Lucifer from hell para lang makabalik siya sa writing pace niya.
I tried to call Justin to stop him from going—tried to save him from despair.
"Bukas na lang, Jus."
"Galit ka pa rin ba, love?"
Ang totoo, galit pa rin ako. Pero hindi ko na naisip ang galit ko kasi pinasaya ako ni GT buong maghapon.
"Bukas na lang, Justin." Nilingon ko si GT. "Kasama ko yung friend ko."
"Sinong friend? Wala ka—yung kanina? Anong oras na, hindi pa rin ba 'yan umuuwi?"
"Bukas na nga lang kasi. Pupunta ka pa rito, anong oras na. May pasok ka pa mamaya, di ba?"
"Pupunta 'ko. Mag-uusap tayo." At ibinaba niya ang tawag.
Ibinato ko naman sa gilid ko ang phone saka nilingon si GT. "Hoy, GT, pupunta pa rin daw si Justin."
"No need to tell me, babe. This is your house, not mine."
At wala talaga siyang paki. Kailangan ko na bang kabahan?
A, bahala na. Taga-Hilltop lang si Justin. Maya-maya lang, nandito na siya sa bahay. Five-minute travel lang siya kung nakakotse. Makikipagbati siguro kaya nagpapapansin. Tini-treat naman ako palagi ni Justin kapag may away kami. Yung kapag na-sense na niyang okay na ako at nakakausap na nang matino. Klase ng treat na kapag marupok ka, matapos ka niyang sirain, aayos ka agad.
Alam ko namang mahal ko si Justin. Pero madalas talaga ang mga oras na napapagod na ako sa ginagawa niya sa akin. Pero gaya nga ng lagi niyang sinasabi kapag nagtatampo ako, umabot kami nang ganito katagal para lang sumuko? Di ba, sayang?
Nakarinig na ako ng pagbukas ng gate. Ayan na siya. At focused pa rin si GT sa PC. Diyan na muna siya, mag-type siya hanggang manawa siya.
Pagbukas ko ng pinto ng bahay ko, hindi ko muna hinayaang makapasok si Justin. Isa rin siyang nakapambahay lang, at mukhang siya naman ang bad mood ngayon.
"Nandiyan pa ba yung Vincent?" bungad niya na parang maghahamon ng sapakan.
"Di ba, sabi ko sa 'yo, bukas na?" sabi ko sabay pamaywang.
"Love, boyfriend mo 'ko."
Hindi ko siya nasagot agad. Inirapan ko lang ang sinabi niya sabay kamot ng leeg. Kung hindi lang siya mapipikon kapag sinabi kong "Ano ngayon?" malamang na sinabi ko 'yon, harap-harapan sa kanya.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...