I realized how famous Vincent Gregorio was, and it surprised me that it wasn't because he was Gregory Troye. He tagged me sa isang post nitong lunch, and I couldn't believe na wala nang ibang laman ang notifications ko kundi reactions, comments, and shares ng post niya. Wala pang four hours pero may thousand plus reactions and comments na agad. At kung i-share ng fans and followers niya, parang concern ng buong Pilipinas ang pagngata ko ng yelo.
Kuya Beans, add mo na koooo!!
Kuyaaaa! Fan na fan mo po ko! Pa-add po plssss
Idooool!! Notice me idol!!!
China oil dinedate ni Kuya Beans
Kuya Beans kelan update ng Saving Monica???
Then I stopped reading the comments after I read the last one.
"Hey, GT," tawag ko habang ipinakikita sa kanya ang phone ko. "Saving Monica? Ikaw ba si Beans Talk?"
Tumawa lang siya habang focused pa rin sa daan at nagmamaneho.
"No shit! Hindi nga?"
Two years ago, may isang novel sa isang online writing platform na sumikat dahil guwapo ang author. I visited the account named Beans G at nakita ang mga angled shot at nasabi kong guwapo nga. Naka-aviator shades pa at button-down shirt. Parang nakaw sa search engine at dummy account.
I checked the story dahil requested na bigyan ko ng story review. I thought, guwapo lang kasi kaya maraming fans. Uso pa naman ito. Basta guwapo ang author, maganda ang story kahit hindi naman.
Pero noong nabasa ko ang content, I was surprised dahil para akong nagbabasa ng bestselling international book under YA fiction. Nag-check pa ako ng Taglish niya na ongoing pa lang that time at talagang na-hook ako sa story kasi ang ganda ng delivery ng English at Filipino. Kaya imbes na i-rant ko, promoted ko pa sa channel ko kasi worth reading talaga.
However, may kumalat na news na poser ang writer na iyon. Hindi naman ako nagtaka kasi masyado ngang good-looking, parang model ng billboard sa EDSA. At dahil maraming potential FBI agents online, nahanap nila ang original account ng pinagkuhanan ng mukha.
The account of Beans G was reported as fake account at hindi na na-retrieve pa. Ang sabi, PM-ed na ang original owner ng face to inform him na poser siya.
And now . . . ang poser na sinasabi nila ay ang mismong may-ari pala ng mukha.
And I didn't notice it agad! Shit, sobrang irita ko siguro kay GT kaya later ko nang na-realize.
"Follower ako ng Beans Talk channel," tsismis ko. "But I don't have any plan to know the author personally. Gusto ko lang magbasa ng magandang story. I never thought it was you."
"Nobody thought it was me naman talaga noong umpisa. Poser nga raw ako ng sarili ko. Haters everywhere saying I'm just enjoying the hype of girls na hopeless romantic."
"Pa-white knight effect ka kasi. 'Tapos magdi-DP ka na lang, yung mukha ka pang model ng clothing line. Akala tuloy nila, portrayer ka lang. May ghostwriter ka nga raw e."
Tinawanan lang niya ako. "Hindi lang sila sanay sa perfect combo."
Ang yabang talaga. Though, kahit totoo naman, ang yabang niya pa rin.
Nagdagdag pa siya ng sinasabi niya. "Most cases kasi, babe, ipa-follow ka lang kasi guwapo ka, pero never naman talaga nilang binasa ang gawa mo."
"Pero ang ganda ng gawa mo, no doubt," sagot ko. "Alam ba nilang ikaw si GT?"
Nagkibit-balikat lang siya 'tapos sumaglit ng tingin sa akin. "I told them before I knew GT. "
"Pero ang layo ng writing style ni GT kay Beans!" na-a-amaze ko pang sinabi. Kasi light read and YA kay Beans compared kay GT na Adult and heavy ang karamihan. Erotic pa ang iba at Rated-18.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...