I am a fan of plot twists. Twist after twist after twist. It makes the story enticing to read, lalo na kung unexpected ang twist sa plot. I'd had enough fucked-up moments sa loob lang ng isang linggo, and that was too much for a real-life plot twist. Unfortunately, if this is a story that needs creative telling, I must say, the writer of my life is the worst to bring out the worst in me. Ang pangit ng plot development.
Hindi na bagong iyakan si Justin sa araw-araw na ginawa ng Diyos, but the reason now was too much for a twist. Ayoko na lang isipin kasi kada sagi niya sa isipan ko, lalo lang akong nagagalit. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagagalit ako kay Justin kaso nasasaktan ako sa ibang dahilan at pumapasok si GT sa picture.
Isa pa itong si GT. Ngayon lang ako nagkaroon ng time na pagtuunan siya ng pansin. And after I called Boss Ayen, buong akala niya talaga, sa buong one week na MIA kaming pareho, tinatrabaho namin ang collab project namin. Kasi nga, last time na hinanap ko si GT, wala ring binanggit si Boss Ayen na umalis yung tao. Ang akala ko naman, nag-out of town dahil sa pa-miss na arte niya. Pagkatapos ngayon, malaman-laman ko, nasa bahay lang pala niya.
Tapos na akong makipaglaro sa lahat. Hindi pa ako okay, pero hindi puwedeng hindi ako okay habambuhay. Kahit paano, hindi na namamaga ang mukha ko after kong magbabad sa shower at maghilamos ng yelo.
Isang linggo rin akong broken. Broken pa rin naman ako, pero three days na lang at bookfair na. I know, hindi ako binigyan ng trabaho ni Boss Ayen sa preparation kasi may schedule na ibinigay si GT sa kanya. Pero kasi, nabasa ko sa email na dapat present kami ni GT sa 15, and that's three days from now.
He should be there.
Brittany is a nice place, and compared with our subdivision, bilang lang ang bahay dahil sobrang mahal ng lote. At sa hilera ng street kung nasaan ang residence ni GT, namumukod-tangi ang bahay niya sa gitna ng damuhan.
He owns a masculine, contemporary, two-story townhouse. Metallic colors everywhere, masyadong panlalaki ang bahay. At sobrang tahimik. Akala ko, wala talaga siya sa bahay kung hindi lang ako nakarinig ng mahinang kanta sa second floor.
Sobrang lalayo ng mga bahay, so imposibleng sa ibang bahay 'yon.
"GT!"
No response.
"GT, papasok na ako, ha!"
Wala na namang sagot. Wala akong time makipagtaguan sa kanya. At kung palayasin man niya ako, palayasin niya ako kapag nakita ko na siya.
Hindi naka-lock ang gate. Okay, that was weird. I'd take that as an invitation.
I went inside. Sobrang weird talaga ng feeling ko pagtapak ko sa loob. Nagtitindigan ang balahibo ko. Bago lang naman itong bahay pero bakit feeling ko, para akong nasa haunted house? Sobrang creepy. Ang tahimik.
"GT?" Even the front door was left unlocked. I know, may security din naman sa Brittany, pero bakit naman parang welcome na welcome ang kahit sino sa bahay niya?
Sinilip ko pa ang loob. Nasa tamang bahay ba ako? Pero I know, nasa tamang bahay ako. I smelled GT all over the place. Nakabalot ng tela ang mga furniture sa sala, gaya ng sa mga lumang bahay na hindi nabibisita.
Kinakabahan ako. Klase ng kaba na feeling ko talaga, may gugulat sa akin any time. Kung gulatin man ako ni GT, masasapak ko talaga siya.
Patay ang ilaw sa sala kaya kaunting liwanag lang ang pumapasok dahil sa venetian blinds na nakabukas at white curtains. Nasa left side ang living room, nasa right side naman ang kitchen and dining area. Hindi sobrang laki ng bahay compared kina Daddy. Hindi rin naman sobrang liit compared sa bahay ko. Tama lang sa dalawa o tatlong tao. Malaki para sa isa.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...