Gawa na rin ni Daddy at nina Kuya kaya alam ko sa sarili kong hindi bago sa akin ang feeling ng may kasamang lalaki o binibigyan ng special treatment ng mga lalaki. After my ruined childhood, ang daming nabago pagkatapos kong maglayas at makauwi sa bahay. Nag-iba rin ang perspective ko sa ibang tao. Siguro kasi, nasa dulo na ako ng rebellious period ko that time.
The first time I met Justin, wala naman talaga kaming spark. Wala ngang kilig kasi may doubt ako sa attitude ko noong high school pa lang. He was one of the cool guys sa university, lalo na sa department nila. Not really famous pero takaw-tingin—sila ng mga kabarkada niyang pulos mga confident kasi alam nilang pasok sila sa standards ng kaguwapuhan. Hindi naman sobrang guwapo pero mapapaamin kang may karapatan.
Justin asked me one time sa cafeteria sa school kung puwede ba siyang manligaw, and I said yes. That time, wala talagang kilig and all kasi feeling ko, nanggagago lang. He asked if puwede ba niya akong ihatid-sundo kasi sa Hilltop lang naman ang campus namin at taga-Casa Milan lang ako. Minsan, magbibigay siya ng chocolates o kaya kakantahan niya ako. May boses pero out of tune, sayang. May idea naman ako sa panliligaw pero hindi ko sineryoso—aside sa chocolates, panay ang request ko sa kanya n'on dati. At inisip ko naman sa sarili kong baka tinamaan na ako ng puberty, and that was what it really meant. 'Yon bang from caterpillar, biglang naging butterfly—but no.
I learned the truth after three days. Nilapitan kasi ako ng isa sa mga nililigawan din ni Justin the same year, same month, same days—like, bruh, you serious? May ako 'tapos may side chick pa. Pustahan lang pala ang lahat. Graduating naman na kasi sina Justin n'on, so they were making the most out of their college days, I guess.
Wala pang invested na feelings sa three days na 'yon kasi nga doubtful ako. For me, that was a good thing kasi hindi ko alam ang gagawin ko kapag love ko na pala siya 'tapos hindi pala talaga siya seryoso.
Sinagot ko siya, and I told him that I already knew what he was into. Nag-sorry siya. Sabi ko, huwag na lang niyang ulitin. He won, I didn't give a shit, and then we parted ways.
Klase ng love story na walang saysay ikuwento. A meet-develop-ending plot na walang substance—kung meron man, lesser impact. Ang common din ng pustahan thingy.
Wala namang nagbago sa pananaw ko about guys because of that. Men are douchebags. They love playing games. Hindi naman lahat, nagseseryoso. Gago siya, period.
After him, wala nang lalaking nag-try lapitan ako. Kung meron man, ang bibilis ma-turn off sa attitude ko. Masyado raw kasi akong intimidating. I received that impression again noong elementary days ko na maldita ako or whatnot, so pinangatawanan ko na lang. I found them nice pa rin minsan, but not to the point that I engulfed myself in the idea that I badly needed a love life gaya ng mga ka-age ko. Kung single, e di single. Paki ko?
Before I graduated from college, pinagtagpo na naman kami ni Justin. Ang laki rin ng pagitan ng mga taon bago kami ulit nagkita. And that time, indulged na ako sa pagsusulat. I thought it was destined. Nakatadhana kaming magtagpo. And who would have thought na magiging seryoso na siya noong sinabi niyang liligawan niya ako . . . ulit.
Yung wall na binuo ko to protect myself from other people's shit, sinira niya para lang maging open ako sa emotions ko. I let him do that kasi nga he made an effort to be close sa akin. No one else did e. So siyempre, umariba ang karupukan moments, pinatulan ko na.
Sa kanya ko unang naramdaman ang pagiging special dahil sa effort. Niligawan niya ang parents ko. Ni-legal niya kami both sides ng family. Every day, palagi siyang may surprise. Palagi siyang may ginagawa. Walang palya na every day, may video call kami para lang makapag-usap kahit nasa work siya 'tapos nasa school or writing workshop ako. Tumagal hanggang napunta ako sa DCE.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...