9. The Romance Novelist

58.9K 1.8K 294
                                    

Hindi pa man ako nakakaalis ng bahay, alam ko nang sira na ang araw ko. At ngayon? Mukhang lalo lang masisira ang araw ko dahil hindi yata sanay ang office sa presensya ko.

Pagtapak na pagtapak ko sa loob ng office, tiningnan ako ng mga naroon na para galing ako sa malaking digmaan at pumaslang ng isanlibong tao pagkatapos ay sila na ang isusunod ko.

Okay, that was exaggerated, but same lang naman ng impact.

Whatever.

"Good morning, Ma'am Niz," mahinang bati sa 'kin ng isa sa tao ni Boss Pau. Nasa kaliwang gilid ng entrance ng office ang water dispenser kaya imposibleng walang bubungad sa kahit sino pagdating. Nakakainis, coffee smells like heaven talaga, kaso bawal ako. Sayang.

Naglakad na 'ko sa aisle. At kahit deretso ang tingin ko, napansin kong nakahinto silang lahat at tinitingnan ako na parang hindi ako dapat narito.

"Nasaan si Mariz?" tanong ko pa habang tuloy-tuloy ang lakad.

"Absent siya, Ate Niz," narinig kong sagot ni Yeng.

Huminto ako sa area ng team ko at nakita kong dadalawa lang silang naroon—si Yeng saka si Ayra. Pito ang staff ng editorial department at may limang intern, bakit dadalawang tao lang ang narito ngayon?

"Where are the others?" pangunguwestiyon ko.

"Kinausap sila last time ni Boss Ayen, 'Te Niz," sagot ni Ayra. "Sa bahay na rin yata sila ngayon nagtatrabaho. Wala ka naman daw kasi dito sa office, 'te."

Ah! Aba, magaling! Mga hindi nagsipasok dahil ano? Dahil wala ako? Ayos, ha?

Gusto ko sanang magalit at sermunan sina Ayra, kaso hindi sila ang dapat sermunan. Dapat yung mga wala rito. I went straight into my cubicle, sat in my office chair, and turned on my computer.

Almost one year na rin akong hindi dumadalas sa office at ilang projects na rin ang tinapos ko sa bahay. Hindi naman nag-complain si Boss Ayen dahil alam naman niyang freelancer pa rin ako at wala pa akong commitment sa business as their lead editor kundi former project manager pa rin, legally speaking. At kaya ko namang buhatin ang buong team ko kahit wala ako rito sa office. Bakit nakiki-join yata ang team ko sa pagiging MIA at AFK ko? Sila ang regular dito, dapat sila nga ang madalas!

Nagbukas agad ako ng email para mag-send ng memo sa mga wala pa rito sa opisina.

Habang naghihintay magbukas ang lahat ng mga kailangan kong tab, napuna ko sa glass wall ng cubicle ang reflection sa right side ko. Alam ko namang hindi talaga "personal office" ang cubicle namin dahil personal cubicle lang 'yon na five feet ang taas ng glass wall pang-separate sa desk ng ibang employee. At sinasamantala ng isang kapreng may pangalang Vincent Gregorio ang taas ng personal space ko.

I glared at him and asked, "What's your problem?"

"Sa kalye ka ba natulog?"

At ano na naman ang gusto niyang palabasin, aber?

"May question pala ako. Sobrang importante." Nagtaas pa ng magkabilang kamay ang siraulo para magpaliwanag. "Do you have any idea about this tool traced in Egypt 5,000 years ago and was used to fix strands of hair?"

Napaisip naman ako roon at napatingin sa kisame ng opisina. "A comb?"

He clapped like I answered a million-dollar question.

"Bingo! Gumagamit ka ba n'on?"

Iniinis talaga ako ng baguhang 'to, ha.

"Ano ba'ng paki mo kung ayokong magsuklay?"

"Napuyat ka ba? Alam mo, kaya hindi ka lumalaki e."

Dinampot ko agad sa mesa ko ang kahit anong papel na narito at saka tumayo para ibato sa kanya.

"Get lost!"

"Hahaha! Short-tempered ka, 'no? Akala ko, height mo lang ang short."

"Fuck you! Leave me alone!"

"Hey, hey, hey! What's happening here?"

Biglang sumulpot si Boss Ayen sa eksena. Mukhang kararating lang, dala pa ang mga gamit.

Dinuro ko agad si Vincent na tuwang-tuwang nakakapanira siya ng araw. "Palayasin mo nga 'yan, Boss! Kanina pa 'ko niyan iniinis e!"

Nakikiusap ang tingin ni Boss Ayen sa letseng Vincent na 'to. "Vincent, pagpasensyahan mo na, bunso 'yan."

What?

"Boss!" Bakit parang ako pa ang mali? At ano namang kinalaman ng pagiging bunso ko sa issue, aber?

"Niz, if you have a problem right now, di ba, ang usapan, huwag dadalhin sa office?"

What the hell?

Ako ba ang nanguna? Ako ba, ha? Di ba, 'tong pesteng Vincent Gregorio na 'to?

Sinundan ko agad si Boss Ayen papuntang office niya.

"Boss, bakit ba kinuha n'yo pa 'yon? Ang dami na nating staff. Ni hindi na nga pumapasok ang iba."

"Niz, alam naming lahat na pumapasok ka lang dito kapag may problema ka sa inyo. Ginagaya ka tuloy ng mga tao mo."

Inilapag ni Boss ang gamit niya sa table at nandiyan na naman siya sa tingin niya na parang kasalanan ko pa rin pati pag-absent ng staff ko.

"Boss, di ba, alam mo naman ang request ko? Nagtatrabaho naman ako nang maayos a. On-time naman akong magpasa ng evaluations and reports."

"Eunice, I told you to check your email last night. Ginawa mo ba?"

Napahugot ako ng hininga roon. I checked naman, pero hindi ko lang binuksan kasi hindi ko mababasa agad. Wala ako sa mood.

"What about it?" pagsuko ko.

"We need you to check all the audition entries for our new project. Hindi pa naman tapos ang judging. Isa rin si Vincent sa judge ng collab project na 'yon."

"Bakit hindi na lang kayo kumuha ng writer sa online platform natin? Bakit kailangang may audition pa?"

Boss Ayen shook her head before she sat down in her office chair. Parang no choice din siya kundi magpa-audition.

"We need to find a perfect collab partner for Gregory Troye."

Saglit akong natahimik habang dina-digest ang sinabi ni Boss Ayen. Kulang na lang, tulalaan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Gregory Troye? The Gregory Troye? Yung bestselling romance novelist ng Grey Feather Press?"

Tumango lang si Boss at itinutok ang mata sa monitor ng desktop niya.

All of them know how I curse romance stories dahil sobrang napapangitan ako sa genre na 'yon. Para kasing walang anything special as compared to detective fiction, fantasy, or action stories. But I read all romance novels of Gregory Troye, and that person really could write magical stories kahit sobrang plain ng concept. Sa 26 published novels niya, binasa at iniyakan ko lahat dahil sobrang ganda talaga. At naiinis ako kasi gusto kong magsulat ng gano'ng klaseng novel pero hindi ko talaga magawa dahil critic ako ng romance stories. My rates were ten out of five stars because the author deserved the recognition. Mataas din ang rate ko sa kanya sa Goodreads, and I'm still waiting for his response sa feedback ko sa kanya roon.

And I would looove to work with him, like . . . it would be an honor! As in! I would get all the chance to work with him kasi talagang I'm a huge fan! Sabihin lang ni Boss Ayen na pupunta siya rito sa office for assistance, isusuko ko lahat ng pending projects ko, ma-prioritize ko lang siya!

But then again, my question is:

"Ito ba yung The F— Buddies?"

Tumango na naman si Boss Ayen.

"Wait?" Nagtaka ako. "Akala ko ba, yung Vincent ang isa sa writer n'on?"

Isang tango na naman kay Boss Ayen na nagpangiwi sa akin na para akong pinakain ng pagkaasim-asim na pagkaing hindi ko ma-take kainin.

"Don't tell me, yung Vincent na 'yon si—"

Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko, tumango na naman si Boss.

No fucking way!


♥♥♥

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon