Alam ni Justin kung gaano ako ka-clingy kapag feel na feel kong mag-inarte. Minsan, hahawakan ko ang kamay niya at iuugoy ko nang malakas habang naglalakad kami. O kaya naman, yayakap ako sa 'kanya tapos sisiksik sa may kilikili niyang mabango parati. Lagi nga niya akong sinasaway kapag masyado na akong hyper at siya na ang napapagod dahil sa kakulitan ko. Pero ang tagal ko na kasing hindi nagagawa iyon sa kanya—may taon na rin. Palagi na lang kasi akong naiinis sa kanya magmula nang magsulputan ang mga "friend" niya. Kaya nga hindi na ako nagtataka kasi ang bilis niyang mapansin kapag wala ako sa mood. Palagi kasing nakakrus ang mga braso ko. Kapag ganito, alam niyang ayaw kong magpahawak sa kanya. Hanggang akbay lang ang kaya niyang gawin sa akin kapag iritable ako.
Naglibot-libot lang kami sa loob ng Terraces. May certain landscape talaga ang mga mall ng Ayala na close to nature kaya talagang nakaka-relax ang mga halaman at puno sa paligid. Nag-aya siyang bumili kami ng choco sundae sa DQ. Hindi ako umoo pero hindi rin naman ako humindi kaya bumili pa rin siya. Compared kasi sa sundaes ng ibang fast food restos, alam niyang mas gusto ko ang sa DQ kasi firm. At kahit hinihika na ako kakakain, hindi pa rin nauubos—o baka mabagal lang talaga akong kumain.
Inabutan na kami ng dilim sa mall. Lalong gumaganda ang Central Garden kapag gabi. Kaya nga ginagawang dating place ito ng mga mag-jowa. Wala tuloy kaming maupuan kasi sinakop na nila.
Tumambay kami sa may railings ng roof deck at tinanaw namin ang ibaba. Madalas na ganito lang ang date namin ni Justin. Tahimik lang kami. Tanaw-tanaw somewhere. Alam kasi niyang ayokong nakikihalubilo sa ibang tao lalo na kapag hindi ko kakilala kasi ang awkward at naa-out of place ako. Ewan ko ba kung paano siya nakakatagal sa ganito kasi party animal talaga siya. Polar opposite kami ng hilig kaya himalang nakapagtiyaga siya sa akin.
Hindi rin naman nagtagal, nagtanong na rin siya.
"Masaya sa bagong work mo, love?"
Tumango lang ako habang pinanonood ang fountain na umiilaw sa ibaba. Matagal naman na ang work ko. Siya lang ang wala yatang balak alamin kung ano ba talaga ang tinatrabaho ko. Ewan ko ba kung masyado lang ba akong magaling magtago kaya wala siyang idea.
"May friend ka na." Mukhang okay lang sa kanya kasi nang tingnan ko siya, nakangiti lang siya sa akin. "Ano'ng pangalan ng new guy friend mo?"
"Hmp!" Inirapan ko lang ang tanong. "Si GT? Wala! Bakla 'yon!"
Ayoko ng mga ganitong tanong ni Justin. Nahihirapan kasi akong mag-explain. Lalo pa, hindi naman kami talaga super close ni GT para sabihing friends kami. Hindi ko rin naman masabing client na writer at editor 'yon kasi tatango lang si Justin sa akin. Alam ko namang wala talaga siyang interes alamin ang tungkol doon. Wala rin naman siyang pakialam kahit pa sabihin kong si GT ang idol kong matagal ko nang gustong makita sa personal.
"Saan pala ang office n'yo, love? Baka puwede kitang daanan para sabay na lang tayong umuwi palagi."
"Sa Sampaloc 'yon, love," sagot ko. "Mapapalayo ka. Sa Makati ka pa naman."
"May kotse naman akong ginagamit a. Masusundo kita."
"Indefinite ang schedule mo, love. Regular working hours ako. Sure kang masusundo mo 'ko pagdating ng five ng hapon?"
Doon naman siya napaisip at iginilid ang tingin. Mukhang pinag-iisipan kung itutuloy ang gusto niya. See?
"Payag ka, iikot ka pa? Ang traffic-traffic, mapa-EDSA, mapa-Manila. Ano'ng oras na ako makakauwi kapag sinundo mo pa 'ko? Baka alas-diyes na, hinihintay pa kita."
"Sorry na, love." Niyakap niya ako at hinalikan ako sa ulo. Hindi niya maaabot ang pisngi ko kasi sobrang baba ng height ko para sa kanya.
"Bihira lang naman akong pumasok," sabi ko na lang. "Sa bahay pa rin naman ako madalas. Huwag mo nang abalahin ang sarili mo."
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...