41. Fucked-up

28.2K 970 345
                                    

Hindi ito ang unang beses na iniyakan ko si Justin. Halos gabi-gabi, lalo na kapag wala siya, kapag hindi ko siya ma-contact, kapag halos mamatay na ako sa pag-aalala.

Alam kong never akong magiging enough for him, pero sapat ba 'yong dahilan para gaguhin ako? Na maglihim sa 'kin? Na gawin yung—punyeta talaga!

Alam ko sa sarili ko ang limit ko. Gusto kong maging okay pa rin. Gusto kong manggaling kay Justin na nagsisinungaling ang Myra na 'yon. At kung totoo man, gusto kong manggaling sa kanya na totoo 'yon—kung ano mang kabobohan 'yon.

Hindi ko alam kung paano pawawalain ang pamumula ng mukha ko kaya halos tatlong oras akong nagbabad sa shower para lang hindi mahalatang umiyak ako.

Wala akong ibang maio-offer na itsura ko kundi ang palagi ko lang na ayos—T-shirt, pedal pusher, at rubber shoes. Wala e. Hindi ako matangkad at sexy gaya nina Shanaya—o ng Myra na 'yon gaya ng nakita ko kanina sa profile niya. Na ako nga, hindi ko mailagay sa bio ko si Justin, 'tapos siya, kaya pala San Miguel ang apelyido kasi kinuha agad ang apelyido ng boyfriend ko! Ang kapal ng mukha!

"Love?"

Wala akong ibang ginawa pero hinihingal ako. Mas lalo lang lumalim ang paghinga ko pagkakita ko kay Justin—sa gagong lalaking 'tong . . . hindi ko na alam!

Hindi ko na alam . . .

Hindi ko na alam.

"Umiyak ka ba?"

Sinubukan niya akong hawakan sa pisngi pero umilag agad ako. Nandidiri ako sa kanya.

"I'm fine. Napasukan ng alikabok ang mata ko kanina," pagsisinungaling ko na lang. "Tara."

Gusto ko na siyang sabunutan. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sigawan hanggang sa maubusan ako ng boses. Pero kalmado lang ako. Kalmado lang ako sa loob ng kotse. Kalmado lang ako sa biyahe.

Kalmado lang ako kahit na sa loob-loob ko, gusto ko nang umiyak habang minumura siya at sinasaktan.

Hindi ko na pinansin ang haba ng biyahe. O kung nasaang impyerno na kami naroon.

Paulit-ulit. Paulit-ulit umiikot sa utak ko ang mga photo na nakita ko kanina.

Photo ni Justin na natutulog—nakahubad, nakatalukbong ng kumot yung hanggang baywang lang. Katabi niya ang babaeng nag-chat sa 'kin, isa ring walang damit at kahati niya sa kumot.

'Yon ba? 'Yon ba ang kulang? 'Yon ba ang hindi ko maibigay sa kanya na hinahanap niya sa mga friend niya, ha? 'Yon ba? Putang ina niya pala. E di sana, noon pa niya sinabi! Para noon pa lang, naibigay ko na siya sa mga friend niyang letse siyang hinayupak siya!

Ayaw mawala sa utak ko ang photo na nakangiti siya—gaya ng ngiti niya kapag kasama ako. Yung ngiti na akala ko, exclusive sa akin. Na akala ko, para sa akin lang. Ngiti pala niya 'yon sa lahat.

Ayoko nang umiyak, pero bakit kasi . . .

Bakit kasi gano'n . . . ?

"Love, nandito na tayo."

Nagpunas agad ako ng pisngi at pinilit kong pigilan ang sariling umiyak. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya pa ako nakukuhang tawaging Love kung hindi naman pala niya kayang panindigan.

Gusto ko siyang tanungin ng napakaraming bakit.

Bakit siya naglihim?

Bakit niya 'ko ginawang tanga?

Bakit siya naghanap ng iba?

Bakit hindi na lang niya sinabing may iba pa pala?

Bakit pinatagal pa niya?

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon