Friends are for the weak. And GT was doing his job right for weak people like me.
Nag-e-expect akong kukunan niya ako ng info about Justin. Magtatanong ng kung ano-ano sa love life kong hopeless, o hindi kaya itatanong niya kung okay na ba ako every single time, o ipipilit niya na kailangan naming magtrabaho kasi ang pag-iinarte ko, masyado nang time-consuming. Alam ko namang sobrang busy niyang tao. After all, siya pa rin naman si Gregory Troye, at masyado na akong paespesyal para abalahin siya. But no.
Nagtatanong lang siya kung okay na ako kapag may naubos na akong pagkain, o kung may nakuha na akong sagot sa tanong ko na walang connection sa issue ko—para lang sure siya na naibigay niya ang kailangan ko at kontento na ako roon.
He was just there. Yung parang walang nangyari noong umaga at hindi rin naman niya ipinaalala.
I didn't know friendship could work this way. Na hindi niya kailangang itanong kung okay na ba ako every single time 'tapos magsasariling-buhay na siya. He was just there doing random things that I liked and wanted to do. Pinangiti lang niya 'ko buong maghapon. Yung nangyari noong umaga, hindi niya na binanggit habang magkasama kami. I was aware na hindi naman niya alam ang history behind Justin and me, but he didn't initiate a conversation nor even interrogate me for answers. Ni hindi rin siya nandemonyo o sinabihan akong "Uy, gago ang boyfriend mo, hiwalayan mo na 'yon." Nagtatanong lang siya ng weird questions like; bakit ayokong ayusin ang kitchen counter ko; kung bakit wala akong library sa bahay; kung bakit ako laging naka-T-shirt; na kung bakit "speed lang" ang tawag sa "speed lang" samantalang velocity was more definite and may direction ang action. Ang dami niyang itinanong. Kahit na paminsan-minsan, namimilosopo siya, napapatawa niya pa rin ako sa dulo. Pero pilosopo pa rin at nakailang palo ako sa kanya.
Then I realized, sobrang imposible talagang single siya.
"Babe, may tanong ako," sabi niya habang pinipili na naman ang laman ng kinakain naming chicharon.
"Sige, ano 'yon?" sagot ko habang nakatitig sa kanya at nakikipili rin ng laman ng kinakain namin.
"Kung dream catcher ka 'tapos dream man ako, and if I wander around you, maka-catch mo ba 'ko?"
Tinaasan ko siya bigla ng kilay. "Banat ba 'yan?" Itinaas ko ang kamao ko. "Gusto mo, banatan kita? Corny mo, ha."
Tumawa lang siya nang malakas. "Babe." Yung tawa niya pa naman mula kanina, parang tawa ng mga lalaking masasarap—I mean, masasarap sampalin. Whatever. "But seriously, no pick-up line. Just wanna see your wit." 'Tapos nginitian na naman niya ako habang nag-aabang ng sagot.
"Depende sa pagiging dream man mo," sagot ko habang nakatutok sa pagkain namin. "At depende sa paniniwala ko sa purpose ng dream catcher. May good and bad dreams. If you're a good dream, I might catch you and keep you until the morning comes."
Yung ngiti niya kanina, may ingingiti pa pala.
"Bakit ganiyan ka makangiti? Parang hindi ka gagawa ng maganda," sabi ko sabay ubos ng natitira kong Slurpee.
Galing kami kanina sa SM, 'tapos lumipat sa Terraces, 'tapos nag-business park, 'tapos bumalik na naman sa convenience store for dinner at meryenda after that. Kikita sa amin ang mga kapitalista nito.
"So, hypothetically speaking, if I'm a bad dream, you'll deflect me away," sabi niya at pinipilit na i-justify ang kung ano man ang gusto niyang puntuhin.
"Logically and emotionally speaking, you're not something to catch, first and foremost. Second, you're not a bad dream naman para i-deflect ka. Wala ka naman sigurong backstory na psychotic, sociopath killer ka before."
Nginitian lang niya ako 'tapos nangalumbaba siya gamit ang kanang kamay.
"Babe?"
"Hmm?"
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...