Parang gusto kong magtampo kay Boss Ayen kasi hindi niya ako nakilala as Althea Doe. Kung hindi pa nabanggit ni GT na ako ang winner sa writing competition ng LS, hindi pa niya matatandaan.
Pero matagal naman na kasi 'yon. Minsan lang yata niya na-encounter ang name ni Althea Doe before. Mas sanay kasi siyang ginagamit ko ang name kong U-Niz sa kahit saang writing platform. Kinalimutan ko na rin naman ang pangalang 'yon, kung tutuusin, dahil sa pagbenta ko ng copyright ng libro ko.
Nagulat siya kasi nakapagpasa pala ako pero hindi siya nagulat na napili ako. Sabi niya, expected naman na raw kasi mga baguhan at undiscovered ang pinagpasa ni GT. Pro versus noob, sabi nga niya. Ewan ko ba kay GT, isa ring hindi ko ma-gets ang trip.
And speaking of GT, kanina pa ako naiirita kay GT habang nagliligpit ako ng mga gamit ko. Higit ten minutes na siyang nakangiti sa akin! 'Tapos kung makatingin pa, parang sumusuka ako ng rainbow!
Ganiyan din ang tingin ni Justin sa akin kapag kumakain ako ng marshmallow na para akong hamster na ngumunguya. Pero kasi, hindi siya si Justin.
Napahinto ako sa ginagawa at saka siya tiningnan nang masama.
"Kapag ikaw, nahipan ng masamang hangin, ewan ko na lang sa 'yo."
"Ang cute mo pala sa personal, Althea Doe. Mukha kang masungit na version ni Maui Taylor."
"Wha—yuck!"
Ano ba'ng problema nito? Ginaniyan ko ba siya noong nalaman kong siya si Gregory Troye?
Ang nakakainis, nagpapa-cute pa siya habang para siyang unggoy na nananampiling sa glass wall ng cubicle ko!
Pero mas nakakainis kasi . . .
Shit! Ayokong aminin sa sarili ko, bahala siya diyan!
"Can I walk you home, Althea Doe?"
Another glare from me saka ko siya sinigawan. "Mag-walk ka mag-isa mo! Taga-north ako!"
"Hatid na lang kita sa inyo, Althea Doe."
"Stop . . . saying that name. Please! Utang na loob."
Padabog ko nang inayos ang mga file na nasa mesa ko kasi nakakairita na talaga siya. Paulit-ulit, ayoko na ngang naririnig ang pangalang 'yon na binabanggit ng kung sino-sino e.
"Why? Know what, I'm a huge fan of Althea Doe."
Pagtingin ko sa kanya, nakalapat pa ang right palm niya sa dibdib habang tumatango.
Hindi ko alam kung mafa-flatter ako o matutuwa kasi ang idol ko, fan ko pala; o maiirita, kasi sa dinami-rami ng nilalang sa mundo, ito pang Vincent Gregorio na ito ang idol ko.
"Noong nabasa ko nga ang novel niya, sabi ko sa sarili ko, I will see her someday and will ask her to marry me, and we'll make a beautiful family—"
"Ulol!"
He gasped and overacted like I said something na kayang mag-summon ng demonyo mula sa ilalim ng lupa.
"Babe! Hindi maganda sa babae ang nagmumura!"
"Who the hell cares?"
"I care, babe."
"Stop calling me babe! Isang-isa pa, ha. Isang-isa na lang." Hinablot ko sa upuan ang handbag kong maliit para makalayas na sa lugar na 'to. Eight-thirteen na, lalo lang akong mahihirapang humanap ng van nito. Kung magga-Grab or Uber naman ako, anong oras pa ako makakaalis? Bakit ba kasi walang may gustong i-service ako e? Kung sasabihin ko naman kay Justin na sunduin ako, baka lalo lang akong gabihin kasi manggagaling pa siya sa Hilltop. Mas malayo pa sa bahay ko. E sa Commonwealth lang yata may forever kapag usapang traffic.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...