Most of our mornings, lalo na kapag nagkasermunan last night, parating may awkward silence kapag sabay-sabay kaming nagbe-breakfast sa bahay nina Mommy.
Mapanakit naman talaga 'yang ina ko. Dati nga, noong mga bata pa kami nina Kuya, sinasalubong pa namin ang hanger ni Mommy 'tapos tatawa. Hindi lang yata sanay si Justin. Hindi rin naman kasi ako nasasaktan ni Mommy kapag nasa bahay siya. Si Daddy lang talaga ang soft. Pero kapag dinidisiplina kami ni Dad, kinukulong kami sa bodega 'tapos pinagpe-pray niya kami buong maghapon doon.
Nagtanong ako kung seminarista ba dati si Daddy. Magpapari daw sana siya. Akala ko pa naman kaya hindi natuloy kasi gawa ni Mommy. Tipong romantic love is greater than God or divine intervention featuring destiny's shit. 'Tapos malaman-laman ko na ang dahilan lang pala niya, hindi raw kasi masarap ang lugaw sa simbahan.
Ang weird ng reason. Dahil lang sa lugaw? Lugaw is greater than Papa God? Mabuti't hindi in-smite ni Lord si Daddy.
Microwave ang sandigan ni Mommy kapag maraming pagkain sa bahay na iinitin. Pagtapak ko sa kusina, yung tingin niya sa akin, parang babalatan ako nang buhay. No egg salad for today kay Daddy. Manawa siya sa carbonara at shanghai.
"Saan ka galing kahapon, Eunice?" masungit na tanong ni Mommy, pero nilapagan pa rin niya ako ng pagkain. Yes naman. Ayaw pang umaming hindi ako matiis e.
"Galing akong Manila. Naghanap ng trabaho," katwiran ko na lang.
"Sinungaling ka!" singhal niya agad. "T-shirt at short? Trabaho? Ano'ng trabaho mo? Barker?"
Nanlaki lang ang butas ng ilong ko kasi hindi pala bebenta. Dapat talaga, nag-jeans ako. Pumunta si Mommy sa labas, mukhang mamimigay ng pagkain sa kapitbahay. Hindi naman kasi nila mauubos ni Daddy yung handa.
"'Nak, hindi namin alam kung saan ka pumupunta." Ito na naman si Daddy. Ano na naman kaya ang side comment nito early in the morning? "Si Justin, hindi rin alam kung saan ka galing."
"Nagtatrabaho na nga kasi ako, Dad." Tinusok-tusok ko pa ang piraso ng penne sa carbonarang kinakain ko habang pinandidilatan ang plato.
"Lagi kang nakakulong sa bahay mo a. Hindi ka lumalabas. Kung lalabas ka man, bihira lang. Ano 'yang tinatrabaho mo?"
"Sa Internet 'yon, Dad. May bayad 'yon. Kumakausap ako ng client online 'tapos magkikita kami after."
Ang hirap i-explain ng trabaho ko sa kanila. Sana pala, nag-call center na lang ako.
"'Nak?" pagtawag pa ni Daddy.
"Hmm?"
"Nagsa-cybersex ka ba, 'nak?"
Kumalansing ang plato pagkabitiw ko sa hawak kong tinidor kasabay ng pagbagsak ng panga ko sa sinabi ni Daddy.
What the fucking fuck, Dad? Ano 'yon? Saan galing 'yon?
Diyos ko, Lord, mahabagin. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o tatawa sa sinabi ni Daddy.
"'Nak, ikaw na lang mag-manage ng office ko. Ipalit kita sa trabaho ni Chito. Filing lang 'yon ng tax saka benefits. Huwag ka na mag-online-online. Napapanood ko sa TV, nire-raid 'yang mga ganiyan."
"Dad . . . Daddy naman . . . Diyos ko, utang na loob. Bakeeet?"
Hindi ko siya ma-take, 'te! My gosh!
Saan ba napupulot ni Daddy ang lahat ng pinagsasasabi niya?
"Dad, nagsusulat nga kasi ako."
"Letse!" sigaw ni Mommy. Mukhang nakabalik na ng bahay. "Kumikita ka ba sa pagsusulat?"
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...