Naging maulap pagdating ng tanghali. Kaso may klase talaga ng araw na kahit maulap, mapapasimangot ka pa rin dahil sa liwanag. Malakas ang hangin sa lugar namin at napilitan akong hawakan ang buhok kong hanggang dibdib ang haba kasi ilang beses ding humampas sa mukha ko. Mainit pa rin naman, pero kasi parang magmo-moment si GT kaya hindi na ako nag-react.
"You know what, may mga writer na niro-romanticize ang kamatayan," panimula niya habang nakatingin sa puntod.
Margarette S. San Diego. 1990 ang birthday, namatay noong 2015. Ang saklap naman, kasing-edad ko lang halos.
"May mga story na ginagawang resolution ang death. Na death equals happy ending, lalo na kung deserve ng isang tauhan ang mamatay para sa mambabasa. Pero death equals tragedy naman talaga kahit pa paikot-ikutin ang paliwanag mo. Papatay at papatay ka pa rin kahit pa sabihin mong kontrabida siya ng kuwento."
"Madali kasing tapusin ang kuwento kapag may namamatay na characters," katwiran ko pagsulyap ko sa kanya.
"Masaya ba ang writer kapag may pinapatay silang characters?"
"Ikaw? Masaya ka ba kapag pumapatay ka ng characters?"
Hindi siya sumagot. Kunot-noo niyang tinanaw ang paligid na sobrang linis at wala halos puno kundi puro damuhan lang.
Garden of Peace is literally a peaceful garden. Ang sarap magmunimuni sa ganito. Tanaw ka lang sa malayo 'tapos mag-iisip ka nang mabuti kung tama pa ba ang tinatahak mong daan sa buhay.
"At the age of 21, nag-asawa na ako," pagbabago niya ng usapan. "She was a nursing student. I was working in an insurance company that time."
Ay, may asawa na pala siya. Napatingin ulit ako sa puntod. Hindi ko alam kung ilang taon na ba si GT pero mukhang kaedad lang niya itong dinalaw namin.
"Nag-live-in kami for more than a year 'tapos nagpakasal after kong malamang buntis siya sa triplets namin. We named them Gabriel, Rafael, and Michael."
I found myself in awe. Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Sa may anak na pala siya, o sa triplets pala ang mga anak niya, o sa pinangalanan niya talaga ng archangel names ang mga baby.
"Ayaw sa akin ng parents niya. And imagine the situation na gusto ko siyang alagaan habang nagbubuntis siya pero kinuha siya ng family niya sa akin. I have nothing aside from my love for her."
Napabuntonghininga ako. That was sad. Tiningnan ko si GT. Seryoso pa rin siya. Gusto ko na ngang hagurin ang likod niya para sabihing "Okay lang 'yan."
"Seven months na ang mga baby namin after we learned na patay na ang isa sa loob ng tiyan niya. They had no other option but to force my wife to give birth para hindi malason ang dalawa. Sobrang premature pa ng seven months."
"Aw," pagngiwi ko sa kuwento niya. Nalungkot naman ako bigla. Ang saklap naman n'on. I couldn't imagine myself na namatayan ng anak sa loob ng tiyan. Parang ang scary isipin. Mukha kang buhay na kabaong.
"Unfortunately, nagkaroon ng epileptic shock ang wife ko habang pinipilit paanakin. Nahirapan silang magbigay ng gamot. And I was waiting outside the hospital that time dahil hindi talaga ako hinayaang makapasok sa loob. The brother of my wife blocked the entrance and showed me his gun."
Shit. Seryoso?
Hindi na ako nakapagpigil, hinagod ko na ang balikat niya habang pinipilit siyang ngitian para lang masabing okay lang ang lahat kahit hindi naman talaga okay pakinggan.
That was so tragic, bruh.
"Pinapili sila: my wife or the remaining babies. Pinili nila ang mga baby kasi hindi na raw kakayanin ng asawa ko."
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...