Wala akong sariling kusina sa bahay ko. Well, literally, meron naman, pero hindi kasi kitchen ang use n'on for me kaya pumunta pa talaga ako sa bahay nina Mommy para magkalkal sa kusina nila. Ginutom ako sa haba ng biyahe kaya nga ayokong nag-o-office.
Hindi mataas ang bakod sa front yard kasi wooden fence lang naman 'yon, pero naka-lock palagi ang front door. Hindi ako makakapasok doon. Connected ang likuran ng bahay ko sa shop ni Daddy sa likod-bahay nila kung saan sila nagtatabi ng chemicals and equipment. Para tuloy akong pusang sumuot sa harang na metal railings.
Sa mga ganitong pagkakataon, sobrang love na love ko ang height and size ko. Ang bilis makapasok sa bahay nina Mommy kahit walang susi.
Binuksan ko ang back door ng receiving area sa backyard. Magnetized lang naman ang pinto kaya madaling buksan. Doon ang office ni Daddy para sa mga client niya. At katabi lang n'on ang master's bedroom na katapat lang din ng pinto ng bahay ko sa kabila.
Maliit na bungalow ang bahay namin dati pero nagmukhang compound kaka-expand nila.
Naka-lock ang pinto ng mismong bahay mula sa loob doon sa sala at sa labas naman sa likod-bahay, at si Daddy lang ang nakapagbubukas n'on . . . before. Bad news for him, I knew how his locks work.
Well, actually, no.
Binuksan ko lang ang bintana sa kuwarto ni Ate Agatha na nasa gilid ng pintuan 'tapos umakyat ako roon. Maliit lang ang bintana, and my height is so adorbs talaga sa mga ganitong kalokohan kasi ako lang ang kasya sa bintanang 'yon ng bahay.
"Shit!"
Medyo stupid na bumagsak pa ako mula sa study table pagpasok ko at saka ako nahulog sa sahig. I forgot, may elevated part at may lower ground part pa sa loob. Basement-type ang kay Ate kaya mababa ang bintana sa labas pero medyo mataas naman pagdating sa loob. Nakaligtaan ko, akala ko, abot ko na pagtapak sa loob.
Hindi naman masakit kaso ang ingay! Whatever. Matanda naman na si Daddy, baka malalim na ang tulog n'on. Wala pa namang ala-una.
Nagpagpag na lang ako ng katawan. Nangangamoy alikabok na rito. Gaano na ba katagal hindi umuuwi si Ate?
Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto niya. Hindi naka-lock, good news.
Patay lahat ng ilaw. Inilabas ko ang phone ko at nagbukas ng flashlight. Ten steps forward sa hallway 'tapos nasalubong ko ang ref sa tabi ng pintuan papuntang sala.
Mautak din sina Daddy, nakatago ang ref. Ang dami kasing hampaslupang pumapasok sa bahay kapag napapadaan ang mga kamag-anak niyang social climber. Kaya nga walang ref sa kusina. Nag-check ako ng laman ng chiller. Ang daming maluluto. Kaso lulutuin pa. 'Ba 'yan? May dalawang slice ng cake doon na nasa sealed Tupperware, at mukhang noong birthday pa 'yon ni Mommy last week.
Five days pa lang naman ang lumilipas, sayang, baka mapanis na. Kinuha ko na rin 'yon at saka yung natitirang apple pear juice sa malaking bote.
Isinara ko na ang ref at pumunta ako sa sala. Sa left side, may pintong papuntang kusina. Binuksan ko at hindi na naman naka-lock. Bubuksan ko sana ang ilaw kaso huwag na. Baka lang mapansin ni Daddy kasi iingay ang mga machine niya sa likod kasi may gumagamit ng koryente.
Sinilip ko ang pinto ng receiving area na nasa dulo ng kitchen. Hindi pa naman bumubukas, tulog pa nga si Daddy.
Umupo ako sa sulok, sa ibaba ng kitchen sink at tabi ng cupboard para kainin ang cake. Dahan-dahan kong binuksan ang drawer ng cupboard para kumuha ng tinidor. Itinutok ko ang ilaw ng flashlight sa kinakain ko habang nagtse-check ako ng chat.
Vincent Gregorio
Hey, Babe. Stalking me?
53 minutes ago • Sent from Web
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...