Before, iniisip ko kung bakit kaya palaging inuuna ni Justin ang mga "friend" niya kaysa sa akin. Ngayon, parang alam ko na kung bakit.
Mag-aalas-diyes na rin nang magkita kami ni GT sa may convenience store sa Brittany Square. Tulog na nito sina Mommy kaya hindi nila mapapansing wala ako sa bahay.
But, wait? Kailan ba nila napansin na wala ako sa bahay? Ah, kapag nagsasabi si Justin na wala ako.
Ang sabi ni GT sa chat, magbe-brainstorm kami. Ewan ko lang kung brainstorming ba talaga ang gagawin namin.
He was wearing this peach-colored shirt na mukhang ibabasahan na. Not dirty naman pero parang minolestiya ang huling gumamit kasi talagang loose na loose at butas-butas pa. Naka-jogging shorts lang siya saka tsinelas na mumurahin. Hindi lang siguro ako sanay na ganiyan ang ayos niya kasi formal din siya minsang pumorma kapag nasa office. Ang nakakainis, hindi siya mukhang napabayaan.
Lagi siyang naka-wax kapag naaabutan ko siya sa office. Or even earlier this morning noong sinundo niya ako. Ngayon ko lang siya nakitang hindi nagsuklay. Mahaba pala ang buhok niya na medyo wavy rin nang kaunti. At hindi na flirty ang amoy niya. Amoy-bagong ligo na. Kaamoy ng mga aqua something na pabango. Yung masarap i-cuddle tuwing gabi.
Kakakain lang daw niya pero bumili pa rin kami ng malaking Piattos saka red na C2 para sa meryenda.
"Babe, bakit naman gano'n?" sabi niya in his tsismoso tone habang pinipili ang laman ng Piattos. "You don't look happy kanina kasama ang boyfriend mo."
Hinampas ko tuloy nang mahina ang kamay niya. "Pili ka nang pili diyan, puro Piattos lang naman laman niyan." Saka ako dumukot.
"Ang boring n'yong panoorin kanina."
Tiningnan ko siya nang masama. "Nandoon ka, 'no! Saan ka kanina, ha?"
Iginilid niya ang tingin saka ako sinagot. "Nasa CK?"
Tsk, kaya pala. Katapat lang ng kinainan namin 'yon e. Pero bakit hindi ko siya nakita? Nasa loob siguro siya. Ang daya.
"Know what, babe, mukhang sweet ang BF mo."
Napatigil ako sa pagnguya at tinaasan siya ng kilay. "Type mo rin?"
Tinawanan lang niya ako bago siya uminom. "Babe."
Siraulo. Kapag talaga sinabi niyang bakla siya, ewan ko na lang talaga.
Napansin kong sumandal siya sa upuan niya 'tapos tinitigan niya ako. Yung klase ng titig na parang may inaabangang sagot sa akin kahit wala naman akong gustong sabihin.
Naba-bother ako. Bakit mas sexy siyang tingnan kapag hindi siya nag-aayos? Justice, why?
Shit! 38 na 'yan, Eunice. God. Ten years ang gap pero mukha lang talaga siyang 25. Sobrang unfair. At kung may asawa na pala siya dati, parang gusto kong kuwestiyunin kung bakit niya hiniwalayan 'tong taong 'to. Milyonaryo na si Gregory Troye. Ang laki ng royalty niya sa books niyang never na yatang mawawala sa top ten bestsellers sa Pilipinas. Hindi pa kasama ang vanity published books niya sa computation e mas malaki ang kita roon.
"Bored ka ba sa boyfriend mo?" tanong niya. At ang weird ng smile niya, parang may balak na hindi maganda.
"Anong klaseng tanong 'yan?" sabi ko at nag-focus sa Piattos na nakapatong sa mesa.
"You said, mas inuuna ng boyfriend mo ang ibang babae kaysa sa 'yo, right?"
"O, 'tapos?"
"No offense meant, but if I were him, I'd do the same. Ang bilis mawala ng attention mo kapag ayaw mo sa tao e."
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...