After I typed my notes for this author, I had to go to our site in Manila to hand it over to Boss Armie, yung nag-request ng feedback sa akin slash isa sa mga project manager kung saan ako nagtatrabaho ngayon.
As usual, plain black T-shirt, pedal pusher, and brown sandals lang ang suot ko. I wore a purple floral eco bag with my stuff and the documents I printed. I went to my parents' house para magpaalam kay Mommy.
"Saan ka na naman mamamasyal? Kasama mo si Justin?" she asked in her usual shouting tone.
Pakialam ko sa Justin na 'yon? Ni hindi na nga nag-text. Balak na yatang kalimutang may girlfriend siya.
Kung alam lang nila kung gaano na ako katagal ginaganito ni Justin, ewan ko na lang kung matuwa pa sila.
"'Punta lang ako sa Luneta, Mom," I said in my fed-up voice.
"Nandoon si Justin? Pumunta 'yon dito kanina, bakit hindi ka na isinama pag-alis?"
Nanlaki lang ang butas ng ilong ko kasi pinipilit ni Mommy yung Justin niya. Ayoko namang sabihing may problema kami ni Justin kasi ako na naman ang pagagalitan niya. Kesyo maldita raw ako at inaaway ko ang boyfriend ko or whatever negative. Palagi namang kasalanan ko kahit hindi naman. Ni hindi nga ako sinuyo! Umalis na lang por que sinabihan kong umalis! Tama ba 'yon?
"Yeah, yeah. Bye, Mom."
Ayoko nang marinig ang kahit ano pang sasabihin niya, so I left. Para sa kanila, parati akong namamasyal without them knowing na may opisina talaga akong pinupuntahan. Parang ritual ko na sa kanila ang minsanang paglabas kasi nga buong araw akong nagkukulong sa bahay. Kahit sino sa kanila, hindi talaga kahit kailan nalamang umaalis ako para magtrabaho—kung trabaho man para sa kanila ang ginagawa ko.
Our subdivision in Quezon City is far from our office in Manila. Mas mabilis sana kung gagamitin ko ang motor ni Kuya Pat kaso sesermunan ako ni Daddy pag-uwi. Ayaw niya kasing nagmo-motor ako dahil kaskasera ako. I had no choice but to commute kaya pumara ako ng UV bound to Manila pagtawid ko sa Brittany na katapat ng entrance ng subdivision namin.
I paid for my fare na pandalawang tao dahil ayokong may katabi sa upuan at komportableng sumandal sa front seat. I took my phone and checked all my messages.
Puro emails from travel agencies, Twitter, bank, and the office regarding my projects. But no message from Justin—not a single goddamn message.
I checked his last chat and that was the day before yesterday. He said "ILY n IMY" and I didn't respond. Habang tumatagal, tinatamad na akong sumagot sa kanya. I spent my two freaking years kahahabol sa kanya at dine-drain ako ng ganoong setup. Wala siyang text kahapon o kahit ngayon. Naiinis ako kasi nauubusan na siya ng time sa 'kin. Kahit man lang sa hindi pagsagot, makaganti ako sa emotional pain. Kaso mukhang walang pain sa side niya. Mukha pang pabor na hindi ko siya sinasagot.
Nag-check ako ng IG. Marami-raming nag-like sa recent uploaded photo ko na kayakap ako ni Justin at pareho kaming nakangiti. I took that photo last month na uploaded lang yesterday dahil kahit naiinis ako sa kanya, mahal ko pa rin naman siya. Gusto ko pa ring ipakita sa lahat na okay kami. Na walang problema sa 'min. Na kahit naghihingalo na ang relasyon namin, gusto kong parang walang bahid ng anumang pagkukulang sa pagitan naming dalawa.
After that, I scrolled through my Facebook newsfeed and saw his recent uploads: five photos, all taken at a party. Malamang na night out nila ito. Three group photos, a photo of him smiling and offering a drink to somebody holding the camera, and the last one was Shanaya hugging him while they were holding beer.
I shut my eyes and kept myself from shouting. Baka kapag nagwala ako rito sa van, ipakulong ako ng driver dahil eskandalosa ako.
I liked all the photos. Para lang malaman niyang nakita ko ang kabulastugan niya. 'Tapos sasabihin niyang kasi magagalit ako? To hell with him, of course! Sino bang matinong girlfriend ang hindi, ha? I even posted a comment on that photo of him with Shanaya saying "Bagay kayo, boi."
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...