How should we define a good morning? Yung maganda ang gising? Yung nakapag-breakfast nang matiwasay? Yung hindi stressed pag-alis ng bahay? Yung nakarating nang safe at hassle-free sa trabaho? Yung walang ginastos sa pamasahe? Yung nakakita ng guwapo early in the morning pampaganda ng araw? Or all of the above?
"Good morning, Ma'am Niz, Sir GT!"
"Hi, boss, good morning!" bati ni GT sabay taas ng kanang kamay.
"Good morning, Kuya Buds!" masayang bati ko at ngayon ko lang mape-present ang company ID at badge ko sa kanya.
"Good mood ka, ma'am, a!" Ang lapad ng ngiti ni Kuya Buds sa 'kin. Minsan lang kasi akong pumasok na maganda ang mood ko. "Maganda 'yan. Lagi kang naka-smile, ma'am! Para maganda ang araw natin!"
Tuloy-tuloy na kaming pumunta sa tapat ng elevator.
Hindi na yata mawawala sa sistema ni GT ang red na C2. Hindi kaya mabutas ang sikmura nito kaka-tsaa? May baon na kasi siya bago pa man kami makaalis ng bahay. Pagpasok namin sa elevator at pagtingin ko sa reflection sa metal door, mukha siyang professor ko sa college at mukha naman akong estudyanteng nahuling nag-cutting class kaya ide-detention.
Ilang araw na rin akong napapadalas dito sa office, at mukhang mapapadalas pang lalo dahil sa ongoing project namin. Wala pa naman akong idea kung paano ba magsulat 'tong si GT. Mukha kasing hindi siya mapakali sa iisang lugar lang, gustong lumilibot.
Pagtapak na pagtapak namin sa office, para na naman kaming nakarating sa rooftop garden dahil ang ganda ng sikat ng araw. Dama ko agad ang lamig ng air con na parang humampas sa mukha ko pagbukas ni Vincent ng glass door.
"Good morning, DCE!" sigaw ni Vincent na ikinagulat ko. Dere-deretso siya sa paglakad sa aisle at natigilan naman ako habang pinandidilatan siya.
Seriously?
Ngayon ko lang siya naabutan o nakasabay sa pagpasok nang ganito kaaga. Malay ko bang maingay pala siya. My gosh!
Naglakad na rin ako papunta sa team ko. And again, hindi na naman sila kompleto. Si Yeng lang ang nakita ko.
"Good morning, Arlen!" bati ni GT kay Yeng bago siya umupo sa puwesto niya.
"Good morning, Kuya GT!"
"Wala pa rin si Mariz?" tanong ko agad.
"Hi, Ate Niz! Wala pa rin e. Nasa leave 'ata."
Great!
Mabuti na lang talaga at nandiyan si Vincent. Kaya niyang saluhin ang pinababayaang trabaho ng staff ko. Kung pagsisipain ko na kaya sa trabaho nila 'tong mga 'to? Napakalalaking tulong.
Sa ganitong oras, wala pa si Boss Ayen kaya nag-boot up muna ako ng PC para mag-check ng updates sa email. Buong maghapon pa naman ako kahapong wala. Kahit sa bahay, hindi na ako nakapagtrabaho.
Pitong project ang mabilisang natapos dahil kay GT. Bawas ng ilang linggo sa prep time. I think, puwede ko munang pagpahingahin ang iba kong staff na walang gagawin dahil wala na rin naman silang aayusin. Hindi rin naman kasi sila pumapasok, so what for? Kay GT ko na lang ibibigay ang mga suweldo nila, bahala sila.
Nag-check ako ng email. May ilang message sa thread ng Dream Catchers. Ongoing na raw ang project with GT. Kailangan lang i-inform ang kabilang press sa update since next month pa ang end of contract ni GT sa kanila. Legally, hindi pa talaga allowed si GT na ma-regular sa amin, at hindi rin naman siya puwedeng mag-release agad ng books under sa Dream Catchers.
But as far as I've checked, hindi pa naman official na under ng Dream Catchers si GT. Nandito lang siya for a freelance job aside sa upcoming slash ongoing project namin na hindi pa naman formal na nai-introduce sa lahat.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...