Disturbances are called disturbances because they disturb something inside the story. And once na may na-disturb sila sa loob ng story, magko-cause iyon for the acts to act. Kaya kapag may biglang bumulagang problema sa loob ng story premise, hindi puwedeng walang magiging reaction at babalik lang ang lahat sa normal na parang walang nangyari. Iyon ang nagko-cause ng plot holes. Reasons and actions must have reactions, especially within the characters' decisions.
Unfortunately, my life's disturbances were so disturbing to the point na ang reactions ng mga nasa paligid ko, exaggerated na. As if my life were a mystery-drama story na may halong psychological thriller, and I was the psychopath.
I wasn't sure if natulog pa si GT kaninang madaling-araw. Parang after naming makabalik sa bahay ko, nag-type pa rin siya tapos nakatulog na 'ko. Paggising ko, natutulog na siya sa harap ng PC at nag-standby nang kusa ang desktop. Grabe, para lang makapagsulat ng story, willing to stay up all night siya.
Nag-scan ako ng gawa niya. Nakapagsulat siya ng higit forty thousand words sa iisang gabi lang.
Sana lahat masipag at may brain cells pa, di ba?
Wala kami sa romantic movie na kukumutan ko siya at tititigan habang tulog. Sawang-sawa na nga ako sa mukha niya, tititigan ko pa? Kaya ang ginawa ko, kinalabit ko siya para gisingin at sinabi kong doon siya sa kama matulog kasi nakakangawit sa braso matulog sa mesa. Baka magka-stiff neck pa siya, ako pa'ng sisihin.
And if he were to ask me to narrate this one for a romantic love story, I might fail him because I suck at writing cringy and cheesy scenes. Like . . . sa story or sa scripted movie lang nangyayari yung magtititigan kayo 'tapos bigla kayong maghahalikan for an unknown reason, duh.
Hindi ko alam kung gising na ba siya kanina. Sumunod lang siya sa sinabi ko at ibinagsak ang sarili sa kama. Hindi man lang inayos ang paghiga. Puyatin ba naman ang sarili.
Iniwan ko lang siyang ganoon bago ako pumunta sa bahay nina Daddy para gumawa ng breakfast.
♥♥♥
BREAKFAST IS the most important meal of the day. Pero questionable ang importance kung isa sa naka-serve sa mesa ay sermon ng magulang.
"'Nak, lalo mo lang pinasasakit ang ulo ni Justin," sermon ni Daddy. Feeling ko talaga, sa akin na naman ang bunton ng lahat ng sisi nito. Umagang-umaga pa lang, drained na ako.
"Daddy, sabi ko naman kasi sa kanya, huwag na muna siyang pumunta. Pinagsabihan na nga, ang tigas pa ng ulo."
"Nasa bahay mo pa rin ang boss mo?"
May point talaga sa buhay na kapag emotionally and spiritually exhausted ka, parang ayaw mo na lang magsalita kasi nakakapagod. Magsasalita ka lang pero mapapagod ka. Feel that?
"Nililigawan ka ba ng boss mo, Eunice?" tanong ni Mommy na lalo kong ikinasimangot ko.
"Mom! Yuck!"
Pero umalma ang katawan ko. May sariling reaction na taliwas sa dapat kong isagot. Feeling ko, nabisto ako sa kasalanang hindi ko alam.
At kung may isang bagay man—yung latest—na ayokong marinig mula kay Mommy, malamang 'yan na 'yon.
Mukha ba akong nililigawan ni GT?
Hatid-sundo lang naman niya ako sa bahay magmula nang maging kampante akong makisabay sa kanya.
Palagi lang naman niya akong nililibre ng pagkain kahit hindi ko naman inuutos.
Dinadala niya ako sa magagandang lugar para mamasyal kami—sa mga lugar na alam kong hindi ako maa-out of place. Yung alam kong priority ako.
Pine-flex niya ako sa FB niya kapag trip niya—na hindi magawa-gawa ni Justin magmula noong maging kami.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...