Hindi sanay ang office na nagpa-participate ako sa mga activity, lalo na sa mga call for submission or even writing contest nila as contestant. They knew me as someone who would judge and criticize others' work. Iyon kasi ang nakasanayan nilang trabaho ko, dito man sa office o online. Lalo tuloy naging weird ang atmosphere dahil per team and department pala ang kinuhang judge ni Boss Ayen. I had no idea about her plan, pero ano ba'ng pakialam ko? Hindi rin naman niya sasabihin at ayoko rin namang malaman.
Nag-check ako ng pending projects namin. Nagulat ako kasi apat sa pending manuscripts ang tapos nang bigyan ng editorial memo ni GT. Nahimay na rin niya at na-edit ang revised copies ng ibang author. Noong nag-double check ako, approved ang lahat ng changes at ifo-forward na lang sa creative department for formatting and layout.
Ang trabaho ng anim na associates ko sa loob ng ilang linggo, tinapos niya sa loob nang ilang araw lang.
Iba talaga kapag pro, ang bilis ng trabaho. Kaya pala noong sinabi ni Boss Armie na kailangan ko ng kaunting tulong, rescue ang ibinigay. Kupal lang talaga kausap 'tong GT na 'to sa personal.
"Babe, 'musta?"
Speaking of the devil, napatingin ako sa entrance ng cubicle ko at naroon siya. May dala siyang paper bag na galing sa fast food resto at nagtuloy-tuloy na naman sa pag-upo sa harap ng desk ko.
"Naghintay ako ng email sa 'yo kagabi," kuwento niya habang nilalatag yung laman ng paper bag sa desk ko. "I thought I would be reading something from you. G na G pa naman akong magbasa ng gawa mo."
Twelve-thirty na at hindi pa ako nakakababa para bumili ng lunch. Magpapabili sana ako kay Yeng kaso nakaligtaan ko. Nakababa na tuloy sila.
Nilapagan niya ako ng isang coke 'tapos isang spaghetti. Naglapag din siya ng burger sa kanya at nakapatong sa desk ko ang bote ng C2 na mukhang bagong bili lang dahil namamawis pa gawa ng lamig.
Puro 'to C2. Wala ba 'tong ibang alam inumin?
"Tinitingnan ko kung nagta-type ka ng para sa entry mo kanina pero nag-approve-and-reject ka lang."
Siguro, huwag lang magsalita 'tong GT na 'to, magkakasundo kami. Mukha siyang mabait ngayon. Hindi rin siya nang-aasar . . . pa.
"Karen told me that you write before. Ano'ng genre?"
"Detective fiction, fantasy, action, sci-fi," pag-iisa-isa ko.
"Headaches, in short."
"May thrill kasing isulat, hindi gaya ng romance."
Wala siyang response. Tiningnan lang niya ako nang matiim habang inaalisan ng balot ang burger niya.
Ayoko munang galawin ang inilatag niya sa mesa. Baka mangupal na naman. Sabihin pa niya, kanya 'yan 'tapos magfe-feeling ako na para sa akin por que nasa desk ko. Nasa tipo pa naman niya ang ganoon.
"May dalawang published book ka raw. What happened? Parang wala naman akong nakikita sa bookstore. Sold out? Hindi na nag-reprint?"
"Nai-release yung isa. Yung isa. . . ." Hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko.
"Nasa iyo ang copyright?"
"Deed of sale ang pinirmahan ko."
"Oh." Hindi na siya nagsalita pa.
Ganoon kasi sa mga baguhang author kapag walang ideya sa pinipirmahang kontrata. Kapag nilapitan ng isang ahente at binigyan ng publishing contract, pinipirmahan lang agad at tinatanggap ang perang bayad. Hindi na binabasa ang laman ng mismong kontrata. Huli na noong malaman kong deed of sale pala 'yon at binili nila ang buong copyright ng story. Ibig sabihin, wala na akong karapatan sa sarili kong gawa. Kumbaga surrogate mother lang ako. Ako ang nanganak pero iba ang magpapalaki at wala akong habol.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...