33. Roller Coaster Ride

29.7K 1K 484
                                    

May mga pagkakataon talagang ang sarap mag-vent out ng feelings. At hindi naman sa hindi ko natatandaan ang mga nangyari last night, pero alam kong panay ang iyak ko kay GT to the point na halos buhatin na niya ako na parang sako ng bigas, maiuwi lang. I was expecting a bride-like carry, but no. And I guess that wasn't applicable to me rin naman. I might have jumped from his arms and acted like I was suffering from an extreme seizure sa gitna ng kalsada dahil sa pagta-tantrum. Ewan ko kung ano'ng sumanib sa akin kagabi. Parang may natatandaan akong kasalanan ng ininom ko, pero hindi naman siguro. E di sana, bumagsak na lang ako somewhere dahil sa kalasingan. Siguro, mas gusto ni GT na nag-pass out na lang ako kaysa pinasakit ko nang sobra ang ulo niya.

And speaking of sakit ng ulo, sobrang sakit talaga ng ulo saka katawan ko. At alam ko namang walang ginawang masama sa akin si GT. Parang mas ako pa yata ang may ginawang masama sa kanya. Kung ano ang damit ko kagabi, iyon pa rin naman ang damit ko paggising. Gusto ko sanang mainis kasi hindi man lang niya ako binihisan kahit nanlalagkit na ako dahil sa pawis. Pero baka ayaw lang niya ng wrong impression kaya hindi niya ginawa. Who knows.

At nagising ako kasi kumikirot ang kanang sentido ko saka ang bigat ng sikmura ko. Para akong uminom ng napakaraming full-cream milk 'tapos sinabayan ng energy drink na bubblegum flavor at katas ng pawisang damit ng kargador sa pier. Lasang unexplainable ang burps ko at gusto kong sumuka nang sumuka hanggang maubos ang lahat ng laman ng tiyan ko.

I didn't know what time I woke up. Basta nagising ako, pumunta ng banyo, niyakap ang toilet bowl habang nagtatawag ng uwak.

It must be the drink. Ano ba ang ipinainom ni GT sa akin? Hindi naman alak 'yon, hindi naman lasang alak. Baka nilagyan niya 'yon ng pamurga ng tiyan. Na-deworm naman ako noong elementary days ko, grabe naman siya.

I just closed my eyes and slept—yes, sa toilet bowl. At hindi ko na naman namalayan ang oras. Basta, pagdilat ko ulit, parang may naghahanap sa akin sa labas.

"Love?"

I cried, but no tears flowed in my eyes, so I ended up looking like a five-year-old spoiled brat throwing a tantrum.

I've got no time to close my bathroom door kaya nakita agad ako ni Justin at hinagod agad ang likod ko.

"Love, ano'ng nangyari?"

"Justin!" I wanted to hug him—so much. Pero gago kasi siya! So instead of hugging him, I punched him in the face and shouted "Nasaan ka kahapon, ha, punyeta ka!"

I glared at Justin habang hawak niya ang pisngi niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Then I cried like a stupid child again while kicking him para palabasin ng banyo.

"Nambabae ka na naman! Kung saan-saan ka na naman pumupunta! Hindi ka na naman nagpaalam! Kahit kay Daddy, hindi ka nagpaalam!"

Kapag nag-combo-combo ang headache, stomachache, heartache, at kung ano pang ka-ache-ache-an na 'yan, ang sarap na lang magtalukbong ng kumot all day at mag-day off sa existence ko sa Earth.

"Love, let me explain."

Dumeretso na lang ako sa kama saka nagtalukbong ng kumot.

Bahala siya diyan. Nasusuka pa rin ako, pero sa kama na lang ako susuka. Baka lalo lang akong masuka katitingin sa mukha niyang gago siya.

Kahapon, hintay ako nang hintay ng reply niya to explain, bakit hindi siya kahapon nag-explain? Bakit parati siyang nag-e-explain kapag nagawa na niya?

Ano 'yon? Para isahang galit na lang sa akin? Na total, nagawa na niya, kahit magalit pa ako, tapos naman na, kaya bahala na kung mamatay ako sa konsumisyon, gano'n ba 'yon?

"Love, I'm with my friend kahapon, okay?"

"Letse kayo! Magsama kayo ng mga friend mo! Puro ka friend! Ako, girlfriend mo 'ko a!"

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon