50. Hello and Good Bye

35K 1.2K 373
                                    

Before, tinatanong ko sa sarili ko kung gaano ka-special ang meet-develop-happy-ending outline kung sobrang cliché n'on. I couldn't label GT as the one who got away because I was the one who pushed him away. At mas okay pa ang breakup namin ni Justin kasi alam kong may closure kaysa sa amin ni GT na tinalikuran ko na lang siya, and he was gone for good.

Ang hirap din ng sobrang nag-effort siya for me tapos wala naman kaming label aside from friends, workmates, and collab partners, then naghiwalay kami nang walang matinong closure.

I thought wala nang gap sa loob after I found myself again, pero meron pa palang kulang.

May tao lang talaga sa buhay na dadaan lang sa atin, pakikiligin tayo, gagawin tayong special, tapos bigla tayong igo-ghost. Sa case naman ni GT, alam kong hindi maganda ang naging ending namin kaya tanggap ko naman ang panggo-ghost niya. Pero sana hinayaan niya akong mag-explain after naming magtalo.

"Niz, really?" sabi ni Boss Armie habang ipinakikita ang book review ko sa akin. "This is too subjective. At released na 'to para ipa-revise mo pa."

I know. E sa ayoko ng ending. Hindi naman 'yon ang plano e.

"Ibigay mo nang ganiyan kay GT, Boss. Babasahin niya naman 'yan."

"Niz, this is unprofessional."

I just rolled my eyes at pinandilatang saglit ang mesa ko.

"Yes, that's unprofessional, babe."

Nanlaking saglit ang mga mata ko pagkarinig ng boses na 'yon.

At mula sa cubicle ko, nakita ko ang pagdaan niya.

Na kahit sobrang bilis ng lakad niya, parang dahan-dahang gumalaw ang lahat.

Siya . . .

Nakasuot ng gaya ng palagi niyang suot noon. Yung T-shirt na kahit mukhang luma, bagay pa rin sa ayos niya.

Siya . . .

Na naka-wax pa rin ang buhok niya palikod, pero halatang humaba na.

Siya . . .

"Hi, GT! Welcome back!"

It had been a year since that happened. And I thought, naka-move on na ako because I was so happy sa lumipas na isang taon. But that feeling?

Ang tibok ng puso. Ang nagwawalang kung ano sa sikmura kong hindi ko maipaliwanag kung ano. The chills were so familiar. And I couldn't move. Parang napako ako sa kinauupuan ko habang sumisigaw ang loob ng utak ko ng "Kausapin mo na siya! Eunice, kausapin mo na siya! Chance mo na!"

"I asked for GT's assistance again, Niz. We're so glad, wala nang conflict sa contract this time. Niz? Niz, are you okay? Umiiyak ka ba?"

Pumikit na lang ako at saka inikot ang office chair ko saka ako nagpunas ng pisngi.

"Eunice . . ."

"I'm fine, boss. Naalala ko lang ang namatay kong hamster no'ng Grade 2 ako."

That was a lazy lie. I can't even.

"You sure, ha? I'll go back sa desk ko. Pero baka gusto mong baguhin ang feedback mo sa novel ni GT."

"Okay, boss. Sige." Humarap na ulit ako sa kanya nang nakangiti.

Napaka-random naman ng ganitong eksena. Nakakainis. Sa mga movie lang talaga effective ang dramatic comeback. Sana man lang kahit sa elevator scene gaya ng kina Toni at Coco. Yung sisirain namin ang elevator kabubukas-sara para lang makapag-usap ulit. May elevator naman ang building namin, sana doon na lang.

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon