Gabing-gabi, nilakad ko ang kahabaan ng Timog Avenue. Iniisip ko na kung magpapasagasa ba ako, mamamatay kaya ako? Pero naisip ko ring may deadline pa kami sa inventory sa 15 para sa book fair. Baka si Boss Ayen na lang ang pumatay sa akin dahil hindi ko pa nagagawa ang ipinagagawa niya.
Sumakay ako ng van pagdating sa kanto ng Timog at Quezon Ave. Hindi mabigat ang biyahe, wala halos laman ang van.
Kanina pa nagba-vibrate ang phone ko. And whoever the fuck was calling, I didn't care anymore.
Ayokong kausapin ngayon ang kahit sino.
Gusto ko na lang makalimot. Gusto kong magka-amnesia. Gusto kong makalimutan ang halik na 'yon.
Yung halik ng hindi ko kilalang babae sa boyfriend ko sa loob ng apat na taon. Sa apat na putang inang taon. At kahit naririnig ko si GT sa loob ng isip ko na pinaaalalahanan akong huwag magmura—isa rin ang gagong 'yon e.
Ngayon pa niya talaga naisipang mawala!
Ngayon pa!
Putang ina, ngayon pa.
Umuwi akong mag-isa. Umuwi akong umiiyak. Umuwi akong devastated. Umuwi akong walang-wala na.
Alam kong nagpakatanga na 'ko, pero sobra naman na kung magpapakatanga na naman ako kay Justin.
Kung sex lang pala ang habol niya noon pa, sana sinabi na niya habang maaga pa! Hindi 'yong nanloko pa siya! Hindi 'yong naglihim pa siya! Hindi 'yong kung kanino ko pa nalamang kating-kati na pala siya!
Ang daling umamin. Sabihin lang niyang sawa na siya, titigilan ko na. Sinayang ko pa ang mga gabing panay ang iyak ko sa kanya, may iba na pala siyang punyeta siya.
Pag-uwi ko, ang daming missed calls sa isang unknown number. Ang daming unread messages kay Justin.
Gusto kong sumagot. Gusto kong sumagot sa sarili kong mga tanong. Na kahit masakit, binasa ko pa rin ang mga message.
Justin:
Love wla lng un
joke lng un belive me
friends lng kmi
love nkauwi kna ba
sori tlaga di na kta mhatid
ngagalit kac cla
kya mo nman umuwi mag isa dba?
sbi q kac sau wag kna sumama ehh
explain aq bukas promise
i luv u so much
uwi aq maaga
Paano niya nagagawang mag-message nang ganito kakalmado matapos ang nangyari? Saan niya nakukuha ang lakas ng loob? Saan niya nakukuha ang confidence? Saan, hmm? Gusto kong magkaroon ng ganito. Kailangan ko ng ganitong kapal ng mukha kasi hindi ko na kinakaya. Buong akala ko, si GT ang makapal ang mukha, may mas makapal pa pala sa kanya.
Humarap ako sa PC ko. Sinubukan kong labanan ang pagkabalisa ko. Gusto kong magwala. Gusto kong ilabas lahat—ang sakit, ang pagkadismaya. LAHAT.
Last edit was seconds ago
GT, 'yon na yata ang isa sa mga bagay na ayaw kong mangyari pero nangyari na. Ang bigat naman masyado sa pakiramdam n'ong akala ko, okay lang lahat kaso natapos na.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...