5. Breakup

59.5K 1.4K 500
                                    

Nasa McDo ako nang maabutan ni Justin. May pasok na siya bukas at masyado nang late ang seven ng gabi para sa kanya—o baka ako na lang ang nag-iisip n'on dahil ayoko siyang napupuyat pero willing pala siyang mag-night out kasama ang iba.

Ang guwapo ni Justin ngayon. Malayo sa ayos niya kanina. Naka-casual formal—yung favorite niyang lavander shirt na nakatupi ang mahabang manggas hanggang siko, at black trousers—parang may iba pang pinanggalingan bago ako sunduin. Naaamoy ko ang body spray niya. Ang bango. Kulang na lang, humalo ang amoy sa kinakain ko.

"Ano'ng ginagawa mo rito, love?" tanong niya pag-upo niya sa kaharap na upuan ko.

Justin had no idea about my "real" job. Hindi ko ma-share sa kanya kasi iisipin niya, may iba akong pinagkakaabalahan maliban sa freelance jobs ko sa bahay. Ang alam lang niya, nagbe-beta read lang ako. Gawain ng mga tamad, sabi nila. Madaldal pa naman siya. Baka madulas kay Mommy at masabi pa ang posisyon ko sa office.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Kumakain na 'ko noong dumating siya—patapos na nga halos—kaya sabi ko, um-order na lang siya ng kanya. He refused, nag-dinner naman na raw kasi siya. At kung saan man siya kumain, hindi ko na lang din itinanong dahil wala ako sa mood.

Galit pa rin ako sa kanya kaya hindi na ako nagtaka sa mga dead air. Hindi ko siya matingnan nang matagal. Siya naman, tinititigan lang ako habang nakangiti.

Madalas naman kaming ganito. After these tantrums, he knew I still love him no matter what. At masyado niyang sinasamantala kasi alam niyang hindi ko siya matitiis.

"Mukhang masaya yung night out," malungkot kong sinabi. "Saw your FB posts."

"I removed your comment pala," sabi niya. "Stop being so immature, love. Night out lang 'yon."

Agad ang tapon ko ng masamang titig sa kanya kahit gusto ko nang itaob ang mesang kinakainan ko.

Night out lang? 'Tapos ni-remove niya ang comment ko? Bakit, ha?

Sinimot ko ang sundae na kinakain ko at saka naiinis na nagpunas ng labi.

"You spent a night with her," I said in conviction.

"Love."

Dinuro ko ang mesa habang pinipigilan kong sumigaw. "I waited for the whole day, Jus. Tuwing day off mo lang kita nakakausap nang matagal."

"I literally spent a night with them. Umuwi rin ako pagdating ng twelve."

"Pero kasama mo yung Shanaya na 'yon."

Sinusubukan kong huwag magtaas ng boses. Pero kasi . . . nakakainis na talaga e.

"She's just a friend, love."

"Friend?" Padabog akong sumandal sa upuan ko. "Umiinom ka kasama niya? Friend. Niyayakap ka niya? Friend. Yung laman ng FB mo, puro pictures na kasama siya. Friend. E ni hindi mo nga 'ko ma-flex sa FB mo, 'tapos siya—"

"Real account ko 'yon, love."

"Kaya nga! E halos siya na ang kasama mo araw-araw, hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha niya? Sino ba'ng girlfriend mo? Ako o siya?"

"Love, hindi mo naiintindihan." Sinubukan niya 'kong abutin pero hinampas ko lang ang kamay niya saka ako nagkrus ng mga braso.

"Kaya kong ibigay ang twenty-four hours ko sa 'yo, pero two hours lang ng araw mo ang hinihingi ko, Jus, kasi alam kong hindi lang sa 'kin umiikot ang buhay mo. Pero bakit parang ako pa yung nanlilimos ng oras? Di ba, dapat alam mo ang responsabilidad mo? Boyfriend ba talaga kita?"

"Hindi mo 'ko naiintindihan, Eunice, kasi wala ka namang mga kaibigan. Wala kang regular na trabaho. Hindi mo alam ang peer pressure kasi introvert ka. Pakikisama ko na sa kanila yung night out na 'yon. They're always there for me kapag may problema ako, and you wouldn't understand that."

Tinitigan ko siya nang mabuti. Lalong bumigat ang paghinga ko. Hinintay ko kung babawiin ba niya ang lahat ng sinabi niya, kaso hindi e. Mukhang naghintay pa siya ng rebuttal ko.

"Alam mo kung bakit wala akong kaibigan, hmm?" sabi ko, mahinahon pero ipagduduldulan ko talaga sa kanya. "Kasi pinili kita."

"Eunice."

"Alam mo kung bakit sa bahay ako nagtatrabaho, hmm? Kasi pinili kita."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."

"Gusto kong ibigay ang lahat ng time ko sa 'yo . . . kasi nga pinili kita."

Napahimas na lang siya ng noo.

"They're always there for you kapag may problema ka? Ano'ng tingin mo sa 'kin? Damo? And, yes! I wouldn't understand, kasi wala kang time sa 'kin pero sa kanila meron! Sila na kasama mo more than ten hours a day! Ako, two hours lang ang hinihingi ko, kailangan ko pang magmakaawa!"

Padabog akong tumayo at kinuha ang gamit ko.

"Love."

"Break na tayo." Itinuro ko ang labas. "Masaya ka sa kanila, di ba? E di, sila syotain mo."

Sinubukan niya akong hatakin pero tinabig ko lang ang kamay niya. Tuloy-tuloy akong lumabas ng McDo at dumeretso sa kabilang kalsada para tumawid sa footbridge na katapat ng Jollibee.

It was so fucking unfair! Wala akong friend? Wala akong trabaho? Bakit? Alam ba niya ang nangyayari sa 'kin? Alam ba niya ang ginagawa ko? Ni hindi nga niya alam kung ano'ng tunay kong trabaho! Nag-usisa ba siya? Nag-investigate ba siya? Did he even ask the real reason why I was here sa Manila? Kung boyfriend ko siya, kahit anong tago ko, dapat malalaman niya! But no! Hindi niya alam kasi wala siyang pakialam! Inuuna niya yung mga "friend" niya kasi sila lang "daw" ang "nandoon" for him!

So, all this time pala, never akong nag-stay para sa kanya. Okay? Okay!

Hindi ako hinihingal sa pag-akyat sa tawiran pero hiningal ako dahil nahihirapan akong huminga habang nagpipigil umiyak.

I squandered my opportunities para lang sa letseng love life na 'to 'tapos sasabihin niyang I wouldn't understand? Halos isinuko ko ang lahat ng advantages ko para sa kanya 'tapos siya, hindi niya pala kayang tumbasan ang lahat ng ginagawa ko? Na parang ako pa ang nagkukulang? Na parang mas masaya pa siya sa kanila? Doon sa "friends" niya?

Madaling-madali akong humabol sa UV na huminto sa tapat ng KTV bar na nasa ibaba lang ng footbridge.

At ang tarantado, hindi man lang ako hinabol o pinigilan!

Pag-upo ko sa siksikang backseat ng van, kinuha ko agad ang phone ko at nakita kong may text si Justin.

Justin: sna bukas ok kna. ingat pag uwi luv u

Fuck you.

Nagpunas ako ng mata para unahan na ang luhang balak pang tumulo. May iba pang notification na lumabas pagbukas ko ng mobile data.

Ang daming nag-like ng photo namin ni Justin sa IG. Nag-check din ako ng FB. Ang daming chat na wala akong balak buksan kaya nag-off ako ng notification para hindi ko ma-seen. May mga email ding ayoko munang silipin dahil baka hindi ko ma-digest.

Naiinis ako sa sarili ko. Sobrang tanga ng choices ko sa buhay.

Saglit kong ibinaba ang phone ko at huminga nang malalim.

Eunice, kaya mo 'yan. Kakayanin mo 'yan.

Nag-vibrate ang phone ko at nakitang nag-text si Boss Ayen.

Boss Ayen: Check your email, Niz. Thanks.

Sorry, boss, later na lang. Masyado akong broken ngayon para unahin ang trabaho.


♥♥♥

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon