8. Maldita

55.2K 1.4K 496
                                    

Kuya Pat's room is my favorite part of the house. Like, so much. Ang organized kasi compared sa bahay ko na parang dinaanan ng delubyo. Hindi naman buong bahay. Yung left side ng bahay ko, matino pang tingnan. Pagdating lang sa right side, parang nadaanan ng buhawi. Ayoko kasing iligpit ang mga gamit ko kasi hindi ko natatandaan kung saan ko inilalagay ang lahat ng inililigpit ko. Mas kabisado ko pa kapag nakakalat ang mga 'yon.

Last check ko sa oras bago matulog, 1:21 a.m. Nagising ako before five dahil sa alarm. Sobrang sabog ko pagmulat kasi kulang na naman ako sa tulog. I cooked rice for breakfast—na mukhang aabot ng lunch dahil napasobra ako ng dispense gawa ng antok—at gumawa ng egg salad ni Daddy. Champorado lang naman ang breakfast ni Mommy. Nagluto na lang din ako ng almusal ko kahit hotdog at nuggets lang.

Takang-taka tuloy ang ina ko nang makita niyang nakahanda na ang pagkain paggising niya nang alas-singko y medya.

"Ang aga mo magising," bati ni Mommy, "may lakad kayo ni Justin?"

Naiirita ako, puro talaga sila Justin!

Four years na kami ng gagong 'yon, at bago pa ako grumaduate ng college, technically, naging kami na. Kabisadong-kabisado na nina Daddy ang lahaaat ng ritwal ko sa buhay.

Kapag naligo ako nang sobrang aga, alam nilang may lakad ako. Tuwing gabi kasi talaga ang bath time ko.

At kapag naligo ako, alam nilang darating si Justin.

At kapag nag-asikaso ako ng breakfast, alam nilang dito kakain si Justin.

At kapag nandiyan si Justin, alam nilang lalabas kaming dalawa.

Sad to say, nitong mga nakaraang buwan—taon, I mean—dumadalang ang labas namin ni Justin lalo na noong na-promote siya as department head ng finance at ibinigay naman sa akin ang posisyon ko sa business kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Pero, feeling ko, wala sa work e. Sinasadya niya talagang hindi ako unahin. Kaya nga naiinis ako kasi inuuna ko naman siya parati. Habang tumatagal, I got used to it. Or maybe I really got tired of it. At kung lumabas man ako, palaging hindi ko siya kasama. Kaya nga ang reason ko, palaging mamamasyal lang. Magpapahangin, gano'n.

Umupo si Mommy sa kabisera—na dapat si Daddy, pero kasi, hindi uso ang patriarchy sa bahay. Mom is the head of the family. Magkaroon man ng authority si Daddy, 'yon ay kapag sumasabog na ang ina ko sa galit and he needs to counteract. Pero sobrang dalang lang n'on. Mas madalas pa ang eclipse kaysa pag-awat ni Daddy kay Mommy. Madalas kasi, nagko-combo attack pa sila.

"Tumawag si Justin kagabi. Inaway mo raw siya."

Ay, talaga ba? Wow, ha! Ako pa pala ang nang-away? Apakagaleng naman ho.

"Napakasumbungero n'on," sabi ko at umupo sa kabilang dulo ng mesa habang nakasimangot.

Ang aga-aga, sinisira na ang araw ko e ni hindi nga 'yon nag-good morning, letse siya.

Kahit na medyo break na kami, dapat nag-good morning pa rin siya!

"Hindi ka raw niya na-chat. Nakipag-break ka na agad."

So, para sa kanila, ganoon lang 'yon kababaw? Kasi hindi ako chinat, ibig bang sabihin, hindi na ako nasaktan? Hindi na ako na-offend? So, kasalanan ko pa pala. Sige! Ako na ang may kasalanan kasi ako ang maraming time para sa aming dalawa! Sa sobrang dami ko ngang time, sinosolo ko na nga lang ang love life kong dapat pandalawang tao e. Hiyang-hiya naman ako sa boyfriend kong maraming "friend."

Dumating na rin si Daddy na mukhang galing sa shop niya sa likod-bahay.

"'Nak, sakit ka na rin sa ulo ni Justin," pambungad pa niya.

The F- BuddiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon