When does everything become complicated? Like, on what level does life become totally fucked-up?
I couldn't cry enough. I thought I cried, pero tingin ko, mas maarte pa ang tear ducts ko kasi nag-stay lang sa mata 'tapos natuyo. Hindi naman pumatak.
Nakahiga lang ako sa kama, nakalapat ang likod sa flat na throw pillow, nakatitig sa kisame, at parang nagte-therapy session with GT kahit na kanina pa kami tahimik na dalawa.
It was already ten in the morning. GT brought me breakfast na lumamig na lang dahil sinabi kong wala akong ganang kumain.
He was just there. He was not forcing me to talk. Or to cry. Or to juice out something from me about Justin.
He was there.
Ewan ko. Kapag ganito ang eksena namin ni Justin, it was always my fault—sa mata ni Mommy, para kay Daddy, or even kay Justin himself. Kasi ako ang spoiled. Kasi ako ang maldita. Kasi ako ang masama saka masakit magsalita.
They talked to me like I was the one who was to blame for my situation. Every time. Every . . . fucking . . . time. Kasi ang nakikita lang nila, me shouting at Justin. Having all this crap—these accusations na wala namang evidence. Na OA lang ako. Na madrama lang ako. Na nag-o-overthink lang ako. Na parang masamang mag-aalala ako sa tao. And nobody noticed na every time na nag-o-overthink ako, hindi masarap sa pakiramdam. Na deep inside, masakit. Na parang fault ko pa na nasasaktan ako. Na parang bawal akong mag-alala para sa iba. And just because they find me strong and loud, parang wala na akong karapatang masaktan. Na imbes na kampihan ako kasi ako ang may damage, mas kakampihan nila yung wala, kasi iniisip nila, it would always be me who'd do bad things; it would be me who'd say bad words.
I gave up everything for Justin. Ang stable work ko, ang time ko to socialize, even ang time ko for myself. I knew that it was my choice kaya dapat panindigan ko. And was there something worse than receiving the reason na magiging okay din ako bukas kasi hindi ko siya matitiis every single argument?
Worth it ba?
"Babe."
"Puwede ka naman nang umuwi, GT. The show's over."
He didn't respond. No need to answer, anyway. He could go anytime he wanted to. Hindi ko naman binulsa ang pinto.
Two years naman na kaming ganito ni Justin. And like what he said, magiging okay rin ako bukas. Never ending ang tomorrow.
"Baka hindi ka pa nagbe-breakfast," sabi ko habang nakatitig sa kisame. "Malapit nang mag-lunch."
"I'll stay with you, sabi ko, di ba?"
"You don't have to do this."
"And you don't have to do this alone."
Tiningnan ko pa siya nang masama. "This is my fucked-up life, okay? This is my life cycle. I always do this alone."
Napaurong siya paharap mula sa pagkakaupo niya. "Babe, just because you deal with your dramas alone does not mean healthy na siya for you."
"Do I look suicidal to you, huh?"
"No. You look like a killer to me." Bigla siyang lumapit sa kama at umupo sa tabi ko saka ako tinantiya ng tingin. "Actually, you look pathetic, babe."
I just rolled my eyes at humarap sa kabilang panig ng kama. "'Yan na ba ang ultimate insult mo? Baka may ilalabas ka pa, ilabas mo na. Basag na 'ko pero may madudurog ka pa naman."
"You're boyfriend is a douchebag." Naramdaman ko na lang na hinagod niya ang buhok ko. "Hindi naman sa nagsi-stereotype, pero lalaki rin kasi ako. Hindi ka niya sasagutin kasi may itinatago talaga siya sa 'yo."
Napairap na naman ako dahil doon kahit hindi niya nakikita. "Thank you for the warning, Captain Obvious." Kinuha ko ang isang unan sa higaan saka ipinantakip sa ulo ko.
Matagal nang may itinatago sa akin si Justin. Hindi naman ako magdududa nang walang dahilan. Ang alam ko, si Shanaya ang humaharot sa kanya 'tapos biglang ganito? May iba na naman! May iba na namang "friend?" Napaka-friendly naman ng boyfriend ko! Gusto ko nang bigyan ng sash for Mr. Congeniality!
Tinapik ako sa braso ni GT. "Babe, kumain ka kaya muna?"
"Hindi ako gutom."
"Don't be sad for that kind of guy, babe. Hindi deserving."
"Shut up. Hindi naman ikaw ang nasaktan."
"Pero hindi rin naman masarap sa feeling na pinanonood kang malungkot."
Nag-alis ako ng unan sa ulo. "E di, huwag mo 'kong panoorin!"
"Babe."
Pinalo ko siya sa braso. "Go away! I don't need you!"
Hindi ko alam kung magaan lang ba ako o talagang malakas lang siya kasi binuhat niya ako para maiupo sa office chair.
"GT!"
"Let me tell you why I can't leave you here alone, Eunice." Nakita ko na lang nang malinaw ang paligid noong nasa harap na 'ko ng monitor—o ng mga pagkaing dinala niya kanina sa working table ko.
"My greatest heartbreak happened thirteen years ago," kuwento ni GT habang gina-guide ang kamay ko sa kutsara at tinidor. "I married a woman named Fatima. She's my first girlfriend, and the prettiest lady I've ever met in my whole life."
Doon ko lang siya tiningala. Hindi ko nage-gets. Nagkukuwento ba siya ng buhay niya?
Siya ang nag-cut ng chicken franks saka pancake sa plato ko gamit pa rin ang kamay kong hawak niya. Ginagawa akong manika por que malaki siya.
"Mataas ang expectations sa mga engineer. Kaya kung ang ending mo lang ay magiging taga-ayos ng ref, considered as failure ka na. Lalo na kung nag-asawa ka 'tapos wala kang pambuhay ng pamilya. Disappointments everywhere."
Sinubuan niya 'ko. Na hindi ko naman din halos napansin kung ilang beses kasi nakikinig ako sa sinasabi niya.
"Walang kuwenta ang tawag nila sa mga sirang bagay. At hindi lahat ng tao, tumatanggap ng broken. Masuwerte ka kung kahit broken ka, tanggap ka pa rin ng iba."
He continued talking . . .
"Pero kasi, hindi dahil broken ka, dapat maging broken din ang iba para lang masabing fair ang life. If you love someone, you're giving him the right to control your emotions. Pero hindi dahil mahal mo ang taong 'yon, may karapatan na siyang manakit kasi kaya ka na niyang saktan."
I kept on listening . . .
"Or let's say, dahil broken ka, magiging broken ka na lang mag-isa forever since the damage has been done. Iisipin mong kulang ka na; na wala ka nang kuwenta; na kung maayos ka man, kailangang ayusin ka muna ng sumira sa 'yo, o kailangan mo ng ibang tao para lang maibalik ang nawala sa sarili mo."
While he was feeding me . . .
"That's wrong. Kung broken ka, fix yourself. Willing ang ibang taong tulungan ka, pero sa ending, sarili mo lang din ang tutulong sa 'yo. And being lonely, pitying yourself in the dark is never an equivalent to fixing yourself alone."
Then he let go of my hand. At hindi ko na napansing tapos na pala akong kumain. Pero mas inuna ko pang itanong ang tungkol sa kuwento niya.
"Ano'ng nangyari kay Fatima?"
Inakay niya ako patayo at inayos lang niya ang pinagkainan ko. Nginitian lang niya ako saka itinuro ang banyo. "Sasabihin ko pagkatapos mong maligo. Go."
Whoah, wait.
Bakit feeling ko, parang hini-hypnotize niya 'ko? Akala niya naman mauuto niya 'ko sa ginagawa niya. Tse.
Makaligo na nga.
♥♥♥
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...