9:14 P.M. ang huling tingin ko sa phone clock bago ako bumaba sa kanto ng subdivision namin. Malayo pa lang, nakita ko na si Justin na naghihintay sa may Gate 2 kaya hindi na ako nahirapang hanapin siya pagbaba ko ng UV.
"Saan ka na naman galing, love?" tanong pa niya, nang-aamo. Akala yata, sasalpukin ko siya.
"Namasyal," sabi ko na lang.
Lumapit siya 'tapos niyakap ako saka hinalikan sa ulo.
"Nagtatampo ka pa rin?" tanong niya.
Hindi na pero hindi ko sasabihin. Naglakad na kami papasok sa subdivision.
"Bakit ba lagi kang naglalayas? Saan ka ba pumupunta?"
Ni hindi niya alam kung saan. Ang tagal ko nang nagtatrabaho sa DCE, ni minsan, hindi man lang niya inalam na may opisina pala kami.
Pagkarating namin sa bahay, sapok agad sa ulo ang sumalubong sa akin.
"Hala, Ma!" Dumepensa agad si Justin. Pinangharang ang katawan niya habang umaamba ng palo si Mommy.
"Itong batang 'to, ikakadena ko na talaga 'to rito sa bahay e!" sigaw pa ng ina ko, halatang gigil na gigil. "Saan ka galing, ha? Huwag mong sabihing sa kaibigan, wala kang kaibigang dinadala rito sa bahay, Eunice! Huwag mo akong pangangatwiranang trabaho kay wala kang trabaho!"
Yakap-yakap ako ni Justin habang pinoprotektahan niya ako sa palo ni Mommy.
"Kanina ka pa hinahanap, papatayin mo ba kami sa pag-aalala? Anong oras na!"
Kapag ganitong pagkakataon, nakikinig lang ako. Hindi ako umiimik. Simula pa noong bata ako, ganito na rin naman na si Mommy sa akin. Iniisip niyang lahat ng pagdidisiplina sa amin, nadadaan sa palo. Kung tratuhin nila ako sa bahay, para akong kinder. 28 naman na ako. Kaya ko naman na ang sarili ko.
"Tinatawagan ka ni Justin, hindi ka sumasagot! Nakikipagmatigasan ka ba?"
Kaya siguro galit na galit, pinaghintay ko ang paborito niyang "anak" na si Justin San Miguel. Haaay, may bago ba? E kayang-kaya nga akong itakwil ni Mommy para kay Justin, sapukin pa kaya?
"'My, tama na 'yan," pag-awat ni Daddy. "Kakainom mo lang ng gamot."
"'Yang anak mo, Edgardo, pagsabihan mo 'yan, ha! Nakuuu! Mamamatay ako dahil diyan!"
Naging tahimik lang ako hanggang mapapunta ni Daddy ang ina ko sa kuwarto nila. Hinagod-hagod ni Justin ang likod ko, para akong pinatatahan kahit hindi naman ako umiiyak.
"Hayaan mo na muna si Mama," mahinang sinabi ni Justin. "Nag-alala lang 'yon kanina. Buong maghapon ka kasing wala."
Kapag ganitong pagkakataon, laging nagagalit si Mommy kapag alam niyang wala ako sa bahay 'tapos hindi ko kasama si Justin. Iniisip niya kasing kapag may kabalbalan akong ginagawa, si Justin lang ang nakakapigil sa akin. As if namang nanghoholdap ako ng bangko kapag umaalis ako ng bahay.
Hindi ko na alam kung natatakot ba silang maglayas ulit ako o ano. Ganiyan din kasi sila noong nakibahay ako kay Lolo sa Bulacan. Paano naman ako makakalayo e nasa tabi lang ng bahay nila ang bahay ko? Alangan namang iwan ko ang pinaghirapan kong bahay.
Dinala ako ni Justin sa kusina. Nagulat ako. Ang daming handa, parang may birthday. Nakita ko sa gitna ng mesa ang three-layered cake na may nakatusok na kandilang number 61 pero hindi nasindihan. 'Tapos ang design, red and white fondant. Roses na red and white din ang decor sa isang side. Favorite flowers ni Mommy. 'Tapos nakalagay sa top layer yung message na "Happy birthday, Mama Salome."
"Nag-leave ako ngayon para madala 'yan lahat. Kahapon lang kasi nakauwi si Mommy galing Macau. Nag-dinner kami kagabi sa Rockwell 'tapos nag-request ako. Nakita ko pang na-view mo yung My Day ko. Siya pala yung gumawa ng cake."
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
Genç Kız EdebiyatıHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...