Most of my audience would always ask me what foreshadowing is. Palagi ko kasing pino-point out sa channel ko. Basically, foreshadowing is giving a hint of what's gonna happen sa latter part ng isang story. Clues everywhere. Warning signals are all over the exposition. Ang susi sa mga door-of-no-return scene.
Kumbaga sa point of view ng mga reader, ito ang reason kung bakit nila nasasabi na "A, alam ko na ang mangyayari dito," kasi may clue na sila.
And that was what I needed to avoid.
Dahil kung foreshadowing ang message ni Boss Ayen kanina, I would do everything to change my course, at ako mismo ang gagawa ng plot twist sa project namin ni GT. This wasn't our love story, to begin with. It was total shit-thinking.
Sige, let's say, I admired Gregory Troye, pero masyadong nakakairita si GT. May moments na okay naman siyang kausap, pero mas madalas kasi na ang kupal niya. Saka may Justin na ako—kahit na medyo nalalabuan ako sa amin.
Pagbalik ko sa cubicle ko, natigilan ako sa may entrance at pinakatitigan si GT na busy sa ginagawa niya. At ang nakakainis, mas mukha pa siyang boss kaysa sa akin. Nahiya naman akong agawin ang puwesto ko, parang bigla akong nawalan ng karapatan.
Siguro, kailangan kong magsuot minsan ng formal attire, lalo na kung madalas kong kasama si GT. Nagmumukha kasi akong chimimay o kaya college student na naghahabol ng grades sa kanya kapag magkasama kami.
"Okay ka na?" tanong ko.
Hindi niya ako tiningnan. Itinuro lang niya ang upuang nasa harap ng table ko.
"Take a seat."
Ay, iba rin siya. Damang-dama niya talaga ang puwesto ko! E kung ibato ko kaya sa kanya ang seat na sinasabi niya, makita niya.
Lumapit ako sa table at tumayo lang sa harap. Sobrang focused niya sa monitor. Feeling ko tuloy, sesermunan niya ako habang binibigyan ng memo.
"I made a disclaimer saying that the tone of the editors was not meant to degrade but to inform and to suggest," paalala niya at naririnig kong panay ang click niya sa mouse. "Pichi should understand the point. Hindi siya puwedeng i-baby. Her and the others. If they're too weak for corrections, then they should write accordingly and responsibly."
Kaunting-kaunti na lang, isusuko ko na ang pagiging lead editor ko tapos siya na lang ang ipapalit as regular in-chief e. Feel na feel, Kuya?
Pero may karapatan naman kasi. Kainis. Ayoko na lang magsalita. Si GT 'yan, 'te! Papalag ka kay Gregory Troye? Baliw ka ba? May Master's in Creative Writing 'yan sa Harvard 'tapos magbibida-bida ka?
"I've already sent it to Mae."
Nanlaki agad ang mga mata ko at ako na ang nakisilip sa monitor ko. "What the—"
"Babe, I know what I'm doing." Tumayo na siya at nagkrus pa ng mga braso.
Ano? Titindigan lang niya ako?
Alam kong matangkad siya, pero hindi niya ako masisindak ng height niya! Unang-una, cubicle ko pa rin itong kinatatayuan niya. Pangalawa, hindi pa ako nade-demote para mag-feeling superior siya!
"Ang dami mong issue, babe. Warfreak ka ba?"
Ako naman ang nagpamaywang at nagtaas ng tingin. "Nangialam ka ba ng email ko, mister?"
"Babe."
"Ang sabi ko, di ba, mag-tone down ka lang ng flags? Baka gusto mo, ikaw na rin ang kumuha ng posisyon ko para masagad mo na ang pangingialam sa lahat ng ginagawa ko."
He just smirked at me. "Dare try me, Miss Eunice Riodova. You're talking to the right man. I can have your position anytime I want to."
Hnngg! Isusumbong ko na talaga siya kay Boss Ayen, inaaway na naman niya ako!
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...