At the age of fifteen, nakapaglayas na ako sa amin. I stayed with my lolo sa Bulacan dahil ayoko ng pressure sa bahay. Ang sakit kasi sa ulo nina Mommy. Graduating from college noon si Ate Aga, Psych course, somehow related sa work niya ngayon. Sina Kuya Pat at Kuya Gar, mga college student na rin noon. That time, kumukuha ng engineering si Kuya Gary sa FEU 'tapos HRM naman si Kuya Patrick sa OLFU. Sabi ni Daddy, mag-chemical engineering daw ako para ako ang hahawak ng business niya. Ayoko nga.
Ako, imbes na mag-college, naroon ako kay Lolo Erning, daddy ni Daddy, 'tapos gumagawa lang kami ng mga woven product na ibinebenta niya sa palengke sa Tungko. Sinundo ako noon nina Daddy kaso hindi talaga ako sumama. Halos kaladkarin ako ni Mommy maiuwi lang kaso wala talaga. Kaya nga iniisip ko, ito ang kinaba-bad trip-an sa akin ng ina ko.
Na-experience kong maglako ng dream catchers kasama si Lolo Erning. Peak season if Valentine's Day saka Pasko. Sobrang hirap magbenta. Nag-try akong ipa-distribute 'yon dati sa NBS kaso malay ko bang may contract for distribution palang existing sa mundo. Fifteen lang ako e, high school graduate. Tanga pa.
Three years later, namatay si Lolo Erning. Umuwi ako sa bahay at sermon ang inabot ko kina Mommy. Sabi ko, magka-college na ako pero gusto kong mag-Entrep para maintindihan ko kung paano ko maibebenta ang dream catchers sa NBS. Nadismaya si Daddy kasi titulado sina Ate pagkatapos ako, tindera lang ang goal. Wala rin naman akong pakialam kasi nakapag-enroll na ako nang hindi sila kinokonsulta. Ang pinang-enroll ko, ipon pa namin ni Lolo noong nagsi-stay pa ako sa kanya.
'Tapos nabalitaan ko na lang sa mga classmate ko noong freshman year ko ang tungkol sa writing platform na ipinalabas pa sa TV. Wala naman akong pakialam dito noong una, kaso kasi trending. Napa-research ako sa profitable items dahil dito para sa course ko. Bigla kong na-encounter ang LS Writing Competition.
Ate Aga used to write novels, at ako ang sole reader niya before. Then she stopped writing noong mag-college siya kasi tinamad na siyang magsulat. I read her works again, and I retold her last unfinished novel. Concept lang 'yon. Raw plot na walang matinong characters. Magulo ngang basahin. I completed the whole novel based on how she conceptualized that mula sa malabong outline. Then I passed that to this competition online and it won.
I received the contract noong second year pa lang ako. I signed it kasi akala ko, magandang opportunity, and it was too late for me to check dahil third year college ko na na-encounter ang Obligation and Contract sa course ko. Noong mga panahong ito, writer pa lang si Boss Ayen and she had more than seventy thousand followers that time. That was too much for someone na may followers na five lang.
May vision siya before about writing and publishing books na hindi kailangang i-sacrifice ang rights ng story gaya ng nangyari sa akin. Vision niya ang isang publishing house na healthy at may benefits and growth for both parties: the company and the authors themselves. Then I followed her vision ever since that day because of what happened to me. But sad to say, I stopped writing matapos mawala ang will to write ko.
That time, ayokong bitiwan ang passion ko kahit ayoko nang magsulat pa. I studied everything about the process, manuals, styles and guides, and management. I even attended seminars and workshops. Kahit ito man lang, magawa kong hawakan nang maayos. I'd always go the extra mile. That's why after Boss Ayen's partner, Boss Trina, resigned, ako na ang pumalit sa position na naiwan to handle the production management. Pero binitiwan ko rin ang production at inilipat nila kay Boss Armie. Saka lang ako inilipat sa editorial department sa DCE nang magpalit na naman ng management. Malapit pa rin naman sa production, iba nga lang ng hahawakan.
Kaya ang dream ko before na makapagbenta ng dream catcher sa NBS, somehow, natupad din naman. Hindi nga lang sa produktong alam at ginusto ko. And I am proud dahil hindi rin naman joke ang journey ko bilang manager dati at isa sa chief officers sa DCE this time kahit na contractual lang ako sa posisyon ko.
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...