Minsan, hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa traffic sa Pilipinas o lalo lang maiinis e. I badly wanted to go home. Gusto ko nang magmukmok sa kuwarto, umiyak nang hindi maririnig nina Mommy, at mag-isip kung tama pa ba ang mga naging desisyon ko sa buhay, pero kasi . . .
Wala pang alas-otso akong umalis sa Rotonda pero, my gosh! It was already eleven in the evening at nasa Doña Carmen pa rin ako! Talo ko pa ang pumunta ng probinsiya!
Umurong na ang luha ko. Naubos na ang drama ko sa biyahe. Nakapagpa-gas pa ang van na sinasakyan ko. Napagnilayan ko na sa labas ng bintana ng UV ang lahat-lahat habang tinatanaw ang kalsadang parang pinaulanan ng pulang Christmas lights gawa ng mga kotseng walang galawan. O kung gumalaw man, mas mabilis pa ang paggapang ko. Para ngang kahit lumangoy ako sa sidewalk na walang tubig, mauunahan ko pa ang sinasakyan ko.
I was still disappointed with what happened between Justin and me a few hours ago. I read his text as if it were the longest novel I'd ever read.
"Sna bukas ok ka na. love u."
Hayup ka ba? Anong okay ang pinagsasasabi mo diyan? Four years na tayo 'tapos kung tratuhin mo 'ko, parang sawang-sawa ka na sa existence ko.
Gusto ko sanang i-reply 'yan sa kanya kaso tinamad akong mag-type. Naiinis ako. Baka maibalibag ko pa sa labas ang phone ko kahit closed ang bintana ng van.
I checked my email. Sinasakal ako ng napakaraming messages.
Nakakaletse talaga ang traffic. Fifteen minutes na ang lumipas, hindi pa kami nakakarating kahit sa Pearl Drive man lang. E sa fifteen minutes na 'yon kung naglakad ako, baka nasa Camaro na 'ko.
Boss Ayen said i-check ang email. Lalo akong nainis. I hadn't read all my emails since last Saturday at nag-flood na 'yon. Ang daming requests. Ang daming replies from other recipients. How am I supposed to read all this crap? I didn't even know what these were for!
Wala ako sa mood magbasa ngayon ng dagdag sakit sa ulo. Nag-open ako ng FB. Bumungad ang status ni Justin.
"So happy rn." At posted two hours ago?
So happy? Wow, ha! Anong happy? Happy na break na kami? Gusto niyang sirain ko ang buhay niya para maging happy naman ako?
Nakita ko ang my day niya. Tatlong photo.
Picture ng table na may nakahandang masarap na pagkain—not sure pero parang chicken dish. Parang sine-serve sa mga hotel. O parang nasa hotel siya. Sunod ay photo niya habang nakaupo, nakangiti, at may hawak na wine glass. Huling photo ay shot ng skyview inside this . . . window area, I guess. Parang sa mga romantic movie setup 'tapos may inserted text na chillin' w/ happiness.
Sa sobrang inis ko, I took a screenshot of that last photo bago ko pinuntahan ang account niya at blinock siya.
Sige, pakasaya kang gago ka.
Nag-refresh ako ng newsfeed. Ayokong makita siya, letse siya. Boyfriend ba ang tawag niya sa sarili niya? Kaninong boyfriend ba siya? Sino ba'ng girlfriend niya, ha?
Pag-refresh ko, bumungad ang People You May Know.
Lalo lang akong nainis nang makita ko ang mukha ng bagong salta sa office . . . at sa team ko. Napakapilosopo. It was a photo of him—sa skyview area din—standing beside the glass railing. He was wearing a plain black shirt, and his left arm was resting on the glass handrails. His right hand was tucked inside the pocket of his ripped jeans. His hair was brushed up, and he was staring somewhere far. Mga klase ng photo ng mga fuck boy na gustong makahatak ng mga beki. Candid shot pero planado naman, duh.
I visited his account—this Vincent Gregorio account—habang traffic pa naman.
Tumaas lang ang kilay ko sa bio niya. "Hi, Curious Cat."
Naiirita ako kapag ganitong bigla akong nagiging assuming dahil naiinis ako. Feeling ko, lahat ng nakakaletseng bagay sa mundo, para sa 'kin e.
Nag-scroll ako paibaba. Ang taba ng content ng About Me niya. Studied in Harvard. Talaga ba? Joker siguro 'to. Studied in DLSU. Okay? Former Writer of LastInk's. Wala yata akong matandaang may Gregorio sa LastInk. Single. Followers, 155,786? Real account ba niya 'to? Nag-check ako ng photo. Naka-hide ang karamihan. Lima lang ang visible sa public. Dalawa lang ang may mukha niya. Yung natitirang tatlo, quotes.
I scrolled down and was shocked when I saw his posts earning thousands of reactions, comments, and shares. Baka nadaan sa mukha kaya maraming fans. Kung hindi ko siya nakita nang personal, iisipin kong poser siya.
"It is never your fault if you are not enough for the person you love. Kung talagang mahal ka ng tao, dapat marunong siyang makontento.
Dapat alam niyang hindi lahat ng magagandang bagay sa mundo, nasa iyo."
Tama 'yon!
Nag-heart react agad ako sa post. Napamunimuni tuloy ako sa labas ng bintana ng van nang umandar na kami.
Oo na, hindi ako kasingganda ni Shanaya. Hindi ako beauty queen material. Hindi ako matangkad. Hindi ako sobrang ganda kasi ayokong mag-makeup. Lagi akong naka-T-shirt kasi madaling labhan. Ako naman talaga ang kulang. Pero, di ba, hindi naman dapat 'yon ang basis ng love? Dapat matanggap 'yon ni Justin kasi pinili niya 'ko e. If he really loves me, dapat umpisa pa lang, alam niyang ito na 'ko. Hindi na siya maghahanap ng wala ako kasi alam niyang hindi ko 'yon maibibigay at magagawa.
Kaya tama 'tong post ni Vincent e. Kung talagang mahal ako ni Justin, dapat tanggap niya 'ko. Dapat . . .
What the f—
Halos lumuwa yung mata ko kasi—shit!
Tinitigan ko nang maigi ang screen ng phone ko.
Bakit ako nag-heart react sa—shit!
PAG-UWI KO sa bahay, ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa higaan. Imbes na devastated ako dahil sa breakup namin ni Justin, mas na-devastate ako sa pag-heart react ko sa post ng Vincent na 'yon.
What kind of stupidity was that, huh, Eunice? Bobong-bobo ka na ba?
Nag-unreact ako, if that word exists in any vocabulary made by man. Marami naman siyang followers. For sure, hindi niya makikitang nag-react ako sa post niya. As if namang magiging visible 'yon sa laki ng numbers sa traffic ng posts niya.
Sana lang talaga hindi niya nakita. That would be so awkward kung sakali. Baka sabihin niya, ini-stalk ko siya.
O sige, let's say, ini-stalk ko nga siya and I "accidentally" hit the heart react button. I could immediately respond with "I saw it on my newsfeed shared by a friend, and I didn't notice it was your post. Don't assume."
Haaay! Nakakainis talaga.
Hindi ako mapakali. Nagbukas ulit ako ng mobile data para makasigurong inalis ko ang heart reaction ko sa post niyang 'yon.
Dalawang message request ang biglang lumabas sa notification ko.
Jus Tin
Love. blocked nanaman ako?
53 minutes ago • Sent from Messenger
Si Justin pala.
Bahala ka sa buhay mo. Break na tayo.
Binura ko ang message niyang gumamit pa ng ibang account. Tiningnan ko naman ang isang message.
Vincent Gregorio
Hey, babe. Stalking me?
25 minutes ago • Sent from Web
Ito na nga ba'ng sinasabi ko.
At nadala na naman ako ng inis ko, in-accept ko agad ang request sabay reply ng "MANIGAS KA" in all capital letters.
♥♥♥
BINABASA MO ANG
The F- Buddies
ChickLitHindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa rin niya pagdating sa usapang love life. Nang magtagpo ang landas nila ng idol niyang romance novelis...