CHAPTER 1

1.3K 11 1
  • Dedicated kay Jhona Pongpong
                                    

Hello pasensya na newbie lang po ako :)

pero sana magustuhan nyo tong story ko.

dedicated nga pala to para sa aking pinakamamahal na bestfriend :D

pa-vote na langs then comment na lang po kayo kapag natapos nyo na ^_^ mwaahh thanks! :-*

Unang una po sa lahat ay ang mga nilalaman ng istoryang ito ay puro kathang isip lamang na mula saking isipan alangan namang sa inyo diba? Kung may mga pangyayari o tauhan o kung ano pa man ang may kapareha sa realidad ay maaaring isa lamang po itong 'Coincidence' pasensya na at hindi ko alam tagalog n'yan eh. At sa mga nagbabalak palang na mangopya ng nasabing istorya ay maaaring parusahan ng pagpapatapon sa outer space. Kaya kung ako sa inyo ay wag ng balakin. Isa lamang po itong paalala. Hindi man po ako gaanon kagaling sa aking pag sulat ng mga istorya ay nawa po ma-'appreciate' n'yo nalang po sana ito. Nagpapasalamat po ako sa ibang nagpapatuloy na naghihintay sa aking pag aapdeyt nito. Nawa po ay suportahan n'yo po ito at i-'endyoy' n'yo lang ang pagbabasa. Maaaring ang iba ay makaka'relate' haha.

Karamihan din po sa nilalaman nga pala ng istorya kong ito ay yung mga bagay na gusto kong maging ako haha baliw no?

Para kasi sakin, "Sa pagsusulat ng isang istorya na gawa ng malikot na isip ng isang awtor ay syang nagpapakita na may mga imposibleng bagay na maaaring maging posible sa pamamagitan ng pagsusulat, tulad nalang ng pagiging malaya ng awtor na di nya talaga nakamit sa totoong buhay or kung ano pa mang mga bagay na nais gawin ng isang tao sa totoong buhay na di nya naman magawa. Ang paggagawa ng istorya ang sya minsang nakakapagbigay ng ideya na maaaring makatulong sa mga magbabasa na makakapagbigay sakanila ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na di nila magawa sa totoong buhay."

Atsaka kung ayaw nyong makabasa ng may shitty words ay wag nyo ng ituloy ang pagbabasa. haha

Hindi po ako makata haha. So enjoy reading Guys! ^_^

-------------------------

PROLOGUE

Naiintriga ka din ba sa title ng story? Well ako din eh haha. Bakit nga ba ganyan yung title nyan? Ano nga ba ang nilalaman ng story na 'to? Why don't you try reading it right? Wala namang mawawala eh. ^__^

Alam mo yung feeling na di mo talaga maiiwasang mainggit sa lovelife ng iba.

at Alam nyo yung feeling na gusto mo eh katulad sa mga nababasa mo sa wattpad ang maging takbo din ng lovestory mo. Na gusto mo ay normal lang ang lahat. Kaso siraulo si Destiny eh ikaw pa ang napagtripan. -_-

eh kaso ang tanong ko nalang sa sarili ko, Hanggang Love story na lang ba ako?

Nika's POV

 

"Anak ka ng nanay mo! Bumangon kana dyan na bata ka! Tanghali kana ohhh!!" sigaw sakin ni Nanay. Ako naman eto bumangon pero parang zombie lang. 

"Syempre alangan naman ng nanay ng kaklase ko Nay hahaha." sabi ko at ayun agad na kong tumakbo dahil paniguradong babatuka nanaman ako nun.

Bago nga pala ang lahat, ako nga pala si Nika Perez. Isang simpleng babae na nabubuhay sa earth. Atsaka 4th year HS na nga pala ako haha. Buti talaga di kami inabutan ng K-12. Wala eh di ko lang feel yun. Tagal tagal magha-high school. Lugaw na lugaw na nun utak ko siguro tapos nakakasawa pa mga muka ng classmates ko. Hehe

Naligo naman na agad ako at ayun buti medyo maaga aga pa kaya sinisigurado ko na na di ako male-late. Ako pa ba? Haha matapos yun ay agad na kong umalis ng bahay at syempre nagpaalam ko kay Nanay.

"Goodmorning sun! Good morning dragonfly! Good morning! Good Morning hahahahah!" bati ko sa lahat ng makikita ko habang naglalakad papunta dun sa may sakayan ng bus. Wala maganda gising ko eh. Kasi naman ganda nung nabasa kong story sa wattpad kagabi.

Alam nyo ba yung feeling na gusto nyo kayo nalang sana nasa sitwasyon nung bida dun hahaha wala minsan tuloy para na kong baliw na nag-iimagine tapos umaacting pag nasa banyo haha. 

Minsan kasi alam nyo yung feeling na pag kayo na kasi yung nasa sitwasyon eh di mo na alam yung gagawin diba? Kaya okay na muna ko sa kakabasa ng mga stories.

Kasi nadala na din siguro ko sa ilang ulit na sakit na nararanasan ko. Yung last eh 2 months ago ata. Ewan pero basta ayoko nalang pag-usapan ang about dun. But, to make the story short eh naloko lang ako at ipinagpalit. Buti nalang ayaw din ni Nanay sakanya kaya ayun inunahan ko na. hehe

Andito naman na ko sa sakayan ng bus at syempre kesehodang puno yun eh sumakay na agad ako hahahha.


-------------------------------


Our Love Story (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon