SENA
"Um...that was honestly awkward."
Saglit ko lang na tiningnan si Vera at umiling bago naglakad papunta sa dulo ng basement. Aaminin ko. Medyo awkward nga sa pakiramdam na Sena lang ang itinawag sa akin ng trainees na si Gigi at Hannah. It's the familiar awkwardness and discomfort being called by my name when I first got in Sardonyx National Training Academy.
Nasanay akong Major Sena ang itinatawag sa akin ng karamihan. Glen Squad at George Squad lang naman ang sanay akong first name basis sa akin dahil ang tatagal ko na silang kasama.
Although I can't blame Hannah and Gigi dahil simula ng pumasok sa SNTA, hilig na nilang dumikit sa akin. Simply put, they were trying to befriend me. But I have a golden rule of having no strings attached to the people involved in my mission. Kaya hindi ko masasabing kaibigan ko sila.
Binuksan ko yung cabinet na nasa gilid ng long table at bumungad sa akin yung mga pistols at revolvers. Kumuha ako ng dalawa pati na rin ng holsters para may malagyan ako.
"Teka, lalabas ka ba?" Tanong ni Vera na nawala na yung atensyon sa trainees na pinapag-spar n'ya. "Kayo ni Glen magha-handle ng sunod na session ng sampu na 'to. Hindi ko maiiwan kay Glen 'tong sampu ." Dagdag n'ya.
"Kayo na lang muna ni Ivan mag-handle." Sagot ko at kumuha ng dalawang dagger na yung scabbard ay may nakakabit na belt.
"Huwag mo sabihing lumabas si Glen ng academy grounds mag-isa?" Gulat na tanong ni Vera. "That reckless idiot!" Agad na dagdag ni Vera dahil hindi ko nasagot agad yung tanong n'ya.
"No." Sinabi ko pagkatapos ko i-settle yung daggers sa boots ko at kumuha ng thigh strap. "May squad na dapat kahapon pa nakabalik. Naghintay si Lieutenant General George hanggang kaninang 8:00 AM pero wala pa rin. He's sending me and Glen to fetch them."
Abala ako sa paglalagay ng syringe and anesthetic bottle sa may thigh strap nang pumasok si Glen sa basement at dumiretso kung nasaan kami.
"First Lieutenant Leni, what's the situation?" Narinig kong sabi ni Glen habang may inaayos sa tenga n'ya.
Hindi ko napigilang mapabuga ng hangin sa inis bago tinanggal yung pagkakabutones sa coat ko na ang pagkakatahi ay ini-indicate yung rank ko as Major. Kinuha ko yung inaabot ni Glen na communication device at sinuot dahil nasa isang fitted bag na 'yon na may strap. Inilagay ko muna sa tenga ko yung earpiece bago sinuot ulit yung coat ko.
"First Lieutenant Leni speaking. First Class Vampire spotted 1.7 kilometers from my position."
Boses ni Leni una kong narinig nang i-turn on ko yung earpiece. Tiningnan ko si Glen at nakita kong ibinaba n'ya yung communication device sa table para maghanda.
"This is Major Sena speaking, what's the situation First Lieutenant Leni?"
"The spotted First Class Vampire is about to leave. Permission to pursue?"
"Lieutenant Colonel Glen, First Lieutenant Leni is asking if she can purse the target."
I trust Leni and her capabilities. Pero hindi ko magawang payagan si Leni, at sa biglang pagtigil ni Glen sa pamimili ng baril mukhang nagdadalawang isip din s'ya. Leni is Glen Squad's best long range fighter and she's also good in short range fights. But she's about to face a First Class Vampire if we allow her to pursue. Mas sanay si Leni na sumusuporta sa malayo.
Nakahawak na rin sa braso ko si Vera dahil baka pag natagalan pa si Glen sa pag-iisip ng gagawin, ako ang magdedesisyon. At ayoko namang pagdesisyonan yun dahil hindi patas lumaban ang First Class. Baka bigla na lang mawalan ng pasensya si Leni at subukang hulihin yung First Class ng mag-isa.
BINABASA MO ANG
Cursed Blood Series 01: Reign Of The Vampires
Vampire(Cursed Blood Series #1) Sena has been a student of Sardonyx National Training Academy for nearly four years. The first place spot has always been hers and the student population also knew her as the Academy Director's daughter. Which made them que...