SENA
"Just sleep soundly for a few hours. Kami na muna bahala." Sabi ni Senri. "Ikaw Veronica? Talagang dun ka sa shotgun seat nung truck? Mas maluwag dito."
"Sure ako, Kuya. Baka makatakas pa ng di oras si Frederica eh. Isa pa, maiinggit lang ako kung makikita ko sila Ate." Sabi naman ni Nica.
"You still haven't found him?" Taas kilay na tanong ni Leni sa kan'ya.
"Maiinggit ba kung nahanap na?" Singit ni Vera. "Joke lang! Grabe ang sama ng tingin oh."
"Tara na. Pagpahingahin n'yo na. Pati tayo madedelikado kung walang tulog 'yang mga 'yan." Rinig kong sabi ni Ivan.
"Tang ina, Ivan tumahimik ka na kung ayaw mo masapak." Naiiritang sabi ni Glen.
Sinenyasan ko na lang sila na umalis na. Binilinan naman nila yung nagd-drive sa vehicle kung nasaan kami ni Glen ngayon na wag bubuksan yung cover kung ayaw daw n'ya na mapag-initan ni Glen.
Vera said it as a joke but the soldier took it seriously. I could smell his uneasiness while the vehicle began to move. Then I felt his hand guide my head to rest on his shoulder while the other wrapped around my waist.
Tumagilid naman ako para ipulupot din yung mga braso ko sa bewang n'ya. And I think it didn't even take a minute for me to fall asleep.
*~~*
When I woke up, I could feel Glen looking at me so I raised my head from his shoulder with furrowed brows.
"Natulog ka ba?" Tanong ko.
"Yeah. I woke up around 10 minutes ago."
Hihiwalay na sana ako sa pagkakayakap sa kan'ya pero pinigilan n'ya ako. Mas isiniksik pa nga n'ya yung katawan ko sa kan'ya.
"Dito ka muna." Sabi n'ya matapos isubsob sa leeg ko yung mukha n'ya.
Ewan ko kung gaano katagal si Glen na nakakayakap sa akin ng ganun pero nang kinakagat-kagat na n'ya ako, humiwalay na ako. Hindi naman sa masakit pero baka kung saan umabot pinaggagawa n'ya. May ibang kasama pa naman kami.
Tiningnan ko naman kung anong oras na at nang makitang lagpas 8PM na ay napagdesisyonan ko na lumabas sa sasakyan. Madilim na sa labas pero yung headlights ng mga sasakyan ang nagbibigay liwanag sa daan. Lumabas na rin si Glen sa sasakyan at sabi n'ya hihintayin n'ya yung mga sasakyan sa likod.
Ako naman, sumenyas ako sa isang bus kaya bumukas yung pinto nun. Pumasok naman ako at may pagtataka kong tiningnan si Joshua, na member ng Gwen Squad, dahil s'ya yung nagd-drive. Sumaludo naman s'ya sa akin kaya tumango ako para ibaba n'ya na.
"I thought they'll be waiting for us near the academy?" Tanong ko kay Senri na nandito sa bus.
"Nagbago isip ni Lieutenant General eh." Sagot n'ya nang makalapit mula sa dulo. "At bakit tinatanong ako nung bata sa dulo kung kaya ko daw maging wolf?"
"Sino sa mga bata d'yan?" Tanong ko at sumilip sa likod.
May isang bata naman na kumaway sa akin na kilala ko, si Jude na mukhang nakatayo sa upuan n'ya at yung Kuya n'yang si Jason na katabi n'ya.
"You know the kid?"
"Yeah. Sunod nang sunod sa akin kasama nung Kuya n'ya. I can't ignore the kid."
"At hindi mo pa nasasagot yung tanong ko." Paalala ni Senri.
"Ah, tatlo kasing Royal yung pumunta. So we had no choice but to go wolf." Sagot ko. "Saan sila mags-stay?"
Sa tanong kong 'yon ay ang sabi ni Senri, lumawak na raw yung perimeter. Kaya sa mga buildings malapit sa Sardonyx National Training Academy na mags-stay yung mga dadalhin namin. May ilang buildings na rin daw ang occupied dahil mas malayo na yung pinupuntahan nila ngayon.
BINABASA MO ANG
Cursed Blood Series 01: Reign Of The Vampires
Vampir(Cursed Blood Series #1) Sena has been a student of Sardonyx National Training Academy for nearly four years. The first place spot has always been hers and the student population also knew her as the Academy Director's daughter. Which made them que...