SENA
Dahil sa nalaman namin nang ipa-track ng Lieutenant General yung ancestry ng sampung trainees, ay nadagdagan yung ituturo namin sa kanila. Kinausap din ng Lieutenant General at ni Senri yung mga pamilya nung sampu para malaman pa yung family history nila. Si Glen nga dapat ang balak isama ng Lieutenant General kaso pinigilan namin ni Senri dahil baka uminit lang ang ulo nun ni Glen.
Malaki kasi yung posibilidad na wala ring alam yung mga magulang o kung sino man na kapamilya nila na na-rescue tungkol sa galing sila sa pamilya ng Halfblood Founders ng army. At sa ikli ng pasensya ni Glen sa ibang tao, hindi malabong sigawan n'ya lang yung makakausap n'ya.
"Ugh, puro Third Class Vampires! Anong mapapala natin sa mga 'yan?" Reklamo ni Leni pagkatapos tumingin sa rifle scope n'ya.
"Don't waste your energy pulling the damn trigger. Ni wala tayong makukuhang matino sa mga 'yan." Bagot na sabi ni Glen at ibinato sa kung saan yung pinaglalaruan n'yang sirang semento.
Nang nangalay ako kakatayo at kakatingin sa paligid, umupo na ako sa edge ng rooftop. Ginawa ko ring sandalan yung isang balikat ni Glen. Sila Vera at Senri na lang yung tiningnan ko dahil naglalaro sila ng cards. Hindi ko naman alam kung paano laruin yung cards kaya wala akong balak sumali o aralin kung paano. Basta ang alam ko, nakakatawa yung itsura ni Vera.
"Vera, tama na panloloko sa sarili mo. Hindi mo matatalo sa cards si Senri." Natatawang sabi ni Ivan kaya hindi na ako nagulat nang lumipad papunta sa kan'ya yung isa sa throwing knives ni Vera.
"Hayaan mo nga si Vera. Minsan na nga lang tumahimi—Vera!"
Napabuga na lang ako ng hangin nang pati si Leni nahagisan ni Vera ng throwing knife n'ya. At habang busy sa paglalaro ng cards si Vera at Senri, busy na sa pagtatalo si Leni at Ivan.
It's not a surprise that the trainees are just sitting while looking confused. Their superiors looking relaxed, bickering childishly, and just playing in the middle of a crowdless place where vampires can just appear must be a shock.
"Hoy Glen, bakit ba hindi man lang tayo sa City Border pinapunta ng kapatid mo?" Biglang tanong ni Ivan.
"We have baggage." Sagot lang ni Glen. "At wala ni isa sa ating gugustuhing tumayo at bantayan lang sila. Kaya hanggang dito lang tayo. Sarap kutusan nun si George eh."
"Ay gusto ko yan. Gawin mo ah?" Biglang sabi ni Leni.
"Gusto n'yo bang isang buwan tayong ma-stuck sa loob ng academy grounds na puro pagtuturo ginagawa?"
Tiningnan ko si Senri bago tiningnan si Leni at Ivan na natahimik dahil sa sinabi ni Senri.
"You still gonna do it?" Pabulong na tanong ko kay Glen.
Sigurado naman akong maririnig n'ya kahit sobrang hina ng pagkakatanong ko. Kahit hindi n'ya gamitin yung amplified hearing n'ya kasi nakasandal yung likod ng ulo ko sa balikat n'ya.
"Shit, no!"
Wala pang isang segundo akong umupo ng maayos at hinampas s'ya sa tyan n'ya. Pero bago ko pa s'ya pagsabihan sa pagmumura n'ya napamura na lang ako sa isip ko.
Damn! Masyadong biglaan yung pag-iba ko ng pwesto at nalimutan kong nasa rooftop pala kami ng 40 storey building!
Hindi ko na maramdaman yung semento sa pang-upo ko pero bago pa ako malaglag ng tuluyan, may pumulupot na sa bewang ko.
"You're welcome." Nakangising sabi sa akin ni Glen pagkatapos n'ya akong hatakin pabalik sa tabi n'ya.
Inirapan ko na lang s'ya at humalukipkip habang nakatingin sa mga building. Kahit na hindi ako mamamatay sa pagbagsak sa pinakataas ng isang 40 storey building, masakit pa ring mabalian. At ayokong hindi makakilos ng isa o dalawang araw dahil nagkabali-baliko yung joints ko.

BINABASA MO ANG
Cursed Blood Series 01: Reign Of The Vampires
Vampiros(Cursed Blood Series #1) Sena has been a student of Sardonyx National Training Academy for nearly four years. The first place spot has always been hers and the student population also knew her as the Academy Director's daughter. Which made them que...