SENA
"Lady Senara, hindi talaga pwede. Sabi ni General Sylvia, dito ka daw muna." Sabi ni Amias nang tanungin ko kung pwede na ba ako lumabas.
"Eh si Veronica? Nakauwi na ba?" Tanong ko ulit at saktong bumukas yung pinto.
Pumasok sila Senri at takang tumingin yung apat na kasama ni Senri kay Amias.
"Hindi pa nakakauwi si Lady Veronica." Sagot ni Amias at pinagpatuloy yung pagbabalat ng prutas.
"Sir Senri!" Bati ni Amias kay Senri.
Binati n'ya din yung iba pa at hindi na naman ako mapakali. Ewan ko ba sa mga 'to at binibisita ako. As far as I remember we're not friends. And they're making things difficult for me because I'm trying to hide from Glendale Nakatomi. But it won't happen if I'm stuck in this hospital room and they are visiting me.
Nang natapos si Amias sa pagbabalat, nagpaalam na s'ya dahil tutulong pa daw s'ya sa tatay n'ya sa Allister Mansion.
"Parang close kayo nun," sabi ni Vera at umupo dun sa inupuan ni Amias, "pahingi ah?"
"Medyo?" Sagot ko at biglang naningkit yung mata n'ya habang nakangiti.
Bigla ko naman narinig yung tawa ni Ivan kaya napalingon ako sa kan'ya.
"Mate mo?" Tanong naman ni Ivan at umiling ako.
"Type mo?"
Tiningnan ko si Vera at umiling.
"So you haven't found your mate?" Tanong ni Vera tapos tinuro n'ya si Senri. "Alam mo na bang ako yung mate ni Senri? Ngayon alam mo na. Future cousins-in-law tayo!"
Ang hyper n'ya.
Yun ang masasabi ko kay Vera. But I'm glad that my cousin's mate is someone as nice and easy-to-get-along-with. Not someone who likes to gossip with others.
Dumadagdag naman si Ivan sa pagsasalita ni Vera at kumukuha din s'ya dun sa nabalatang prutas. Hanggang sa pinagsabihan sila ni Senri na 'wag daw ubusin. At ayun, biglang nagtalo yung dalawa kung sino mas maraming nakuha.
Pabalik-balik yung tingin ko sa kung sinong nagsasalita hanggang sa hindi ko namalayang natatawa na ako sa kanila. Bigla silang natahimik at gulat na tumingin sa akin. I then cleared my throat and stuffed the sliced fruit in my mouth.
Since that day in the hospital, it felt like things were lighter. I surprisingly gained friends. Vera and Ivan were pretty easy to talk to as they can make a small talk into a fun conversation. And Leni was pretty fun too.
Hindi ko in-expect na minsan kasing hyper s'ya ni Vera dahil may pagkamataray yung mukha n'ya. Glendale? I don't know if we're friends.
Aaminin ko, iniiwasan ko s'ya kaya hindi ko masyadong kinakausap. Pero kahit gusto ko s'yang makausap kahit saglit lang ay mahirap din. Alangang tanungin ko s'ya tungkol sa mate n'ya?
Isang linggo din bago ako nakalaya sa room confinement ko dun dahil ginamit talaga ni Mom yung authority n'ya bilang General at Founder. At ganun katagal ding pabisi-bisita yung lima sa akin. Kaya nga pagkalabas na pagkalabas ko, kumuha agad ako ng mission.
Lagpas sampu na rin yung nagagawa kong missions at kalalabas ko lang ng train car. At kapag gan'to kaaga ako nakakabalik yung halos pagabi na, may tao galing sa Allister Mansion na sumasalubong sa akin. Pinapaubaya ko na lang yung gamit ko sa Household Servant na sumusundo sa akin.
Usually, dadaan ako sa bahay bago dumiretso sa Headquarters para mag-report kay General Nakatomi. Kaso ngayon hindi.
"Lady Senara, nasa mansyon na po si Lady Veronica." Sabi naman n'ya.
BINABASA MO ANG
Cursed Blood Series 01: Reign Of The Vampires
Vampire(Cursed Blood Series #1) Sena has been a student of Sardonyx National Training Academy for nearly four years. The first place spot has always been hers and the student population also knew her as the Academy Director's daughter. Which made them que...