Chapter 50 - Revamping

153 4 1
                                    

SENA

We could see how angry Zelus was as he grip-the now dead-Layton by his neck. And we're not waiting for something uglier to happen.

That's why, we dashed to where he is and began swinging our weapons. Zelus dodged and dodged while we relentlessly attacked him. Our weapons grazing him or missing him by a hair. I can feel the strain and fatigue of my muscles but I ignored it.

If not for all the blood that I consumed, I would've fell from exhaustion.

Humahanap ako ng butas sa depensa n'ya nang may marinig akong sigaw utak ko.

"Duck!"

Sumunod naman ako at saktong may nakita ako. Binitawan ko kaagad yung spear at dinakma yung dibdib ni Zelus. Hanggang sa maramdaman kong lumubog yung kamay ko at napalibutan ng may kainitang likido. At nang may makapa akong pumipintig, hinawakan ko kaagad yun.

Tumagos sa katawan n'ya yung braso ko at nagulat naman ako nang makitang wala na s'yang ulo. Bumaling yung tingin ko kay Nica na hinihingal at ginagamit na yung scythe n'ya bilang suporta sa pagtayo. Di kalayuan doon ay yung ulo ni Zelus. Nakabuka yung bibig n'ya at dilat na dilat.

Hinatak ko naman yung braso ko sa pagkakatagos sa katawan ni Zelus matapos bitawan yung puso n'ya.

Tuloy pa rin yung labanan base sa naririnig ko. Kaya hinabol ko lang yung hininga ko at nagpaalam kay Nica na tutulong muna. Ganun din naman s'ya at sa magkaibang direksyon kami pumunta.

This is not going to end unless we catch or kill the other Royals.

*~~*

Isang mahigpit na yakap ang iginanti ko kay Glen nang ikulong n'ya ako sa mga braso n'ya. Wala akong paki kahit nakikita kami ng iba. Mukhang ganun din naman s'ya dahil ibinaon n'ya sa leeg ko yung mukha n'ya.

"Ma! Pa!"

Pero bumitiw din kami nang marinig yung boses ni Grace. At muntik na ako matumba nang dambahan ako nung tatlo. Buti na lang naalalayan ako ni Glen.

"Ma, are you hurt?" Nag-aalalang tanong ni Sandra at umiling lang ako na may ngiti sa labi.

Hinaplos ko naman yung buhok nilang tatlo at hindi ko na napigilang halikan sila sa noo.

"Nakaka-bitter na kayo minsan ah." Sabi ni Nica at napabitaw naman kami sa yakap namin.

Napalingon naman ako at nakitang tinatanggal ni Doc. Shiela yung nakabaon sa braso n'ya. Isang hatak lang yung ginawa ni Doc. Shiela at napahiyaw s'ya.

"Ako na lang yayakap sa'yo Ate Nica." Singit ni Gwen at niyakap yung kapatid ko.

Isang buntong hininga na lang ang nagawa ko at tiningnan yung mga nilalapatan ng first aid. May kalayuan kami sa academy grounds kaya may mga sasakyang nakaantabay para magdala sa Medical Department na malala yung natamo. Kung saan-saan nakapwesto yung iba at may mga naka-stretcher na inililipat. At mga patay.

Thankfully, hindi ganun kataas yung death count ng Ruby Soldiers. At walang nakalapit sa academy grounds. But this isn't the end.

Nagsialisan lang naman sila nang malamang patay na yung tatlong Michaelis. Kaya kailangan pa naming habulin yung mga magki-killing spree lang sa mga tao sa Realm na 'to. Pero bago yun, kailangan muna naming ayusin 'tong lugar na 'to.

The Vampires will definitely be in turmoil since their Clan Leader died. And the remaining Royal Class Vampires will definitely be fighting for the position of who will be on top. But we're not planning to kill all the Vampires in this realm because not all vampires wants to kill humans.

Cursed Blood Series 01: Reign Of The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon