Chapter 28 - The Tomb

78 2 0
                                    

SENA

Nang nakalabas kami sa undergound facility ay naglakad na lang kami. May dala din kaming cloak para walang makakilala sa amin. Paniguradong maraming matatandang bampira na pakalat-kalat malapit sa border, sila yung makakakilala sa amin kahit isang tingin lang.

At hindi dapat mangyari yun.

Ang dahilan kaya inaatake yung Rubellite ay dahil kay Zelus. Yun lang naman ang dahilan. Ang hindi lang namin alam ay kung may mga Witch at Wizard sila na makakapagputol ng spell ni Mom o kung may nahanap silang alternative.

Thinking of it now, the soldiers dying by the borders are dying a worthless death. But we have no time to pause and think of all those who died. Those Vampires are trying to seize Rubellite because they think Zelus is buried in Rubellite. The same goes for the other members. Werewolves younger than 110, Witches, and Wizards thinks of the same thing.

'Yon naman kasi ang gusto ng Great Generals na mangyari. Na bukod sa Founders at mga nandun nang nangyari yung ambush 110 years ago ay nasa Rubellite nakatago yung katawan ni Zelus.

Pero ang totoo, wala sa Rubellite yung katawan ni Zelus.

Sa ibang bansa na may mga miyembro din ng Ruby Imperial Army itinago yung katawan ni Zelus. Sa Beryl.

Doon ang punta namin ni Glen para masigurado yun kaya hindi rin pwedeng may makakita sa amin, lalo na kung hindi taga Ruby Imperial Army.

The Great Generals had the new generation of Werewolves, Witches, and Wizards think that the head of the Vampire clan we were tasked to kill is in a place where the strongest of the group are gathered. The new generation also opposed to Doctor Shiela, General Gillies, and me being sent to Sardonyx that it was deliberated for years.

It was funny, most of them were wary of me and was close to wanting me gone but didn't want me to leave when General Nakatomi picked me.

"Sena."

Agad akong napalingon sa tawag ni Glen at nakitang seryoso s'ya. Tumigil naman s'ya sa paglalakad matapos ko lumingon.

"Bakit? Malapit na tayo."

Sigurado akong walang malapit sa amin at kung meron man, sa aming dalawa, ako ang unang makakaramdam kahit malayo pa.

"Wala. Masama lang kutob ko." Buntong hininga n'ya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad pero nang hinawakan n'ya yung kamay ko ay napalingon ako sa kan'ya. Hindi ko alam kung ano iniisip n'ya pero hinayaan ko na lang s'ya. Pinantayan ko yung higpit ng hawak n'ya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami kung saan nakatago yung katawan. Hindi na nakakagulat na walang tao at mukha ng ghost town yung village na malapit sa bundok. Pumasok naman kami at hinanap yung bahay na ginawan ng undergound tunnel papasok sa bundok. Si Glen na yung kumatok at nagkatinginan kami nang walang sumagot.

"Shit," sabi ni Glen at binuksan yung bahay.

Kinabahan na ako nang isang pihit lang ni Glen sa pinto ay bumukas na. At nang pagpasok namin doon ay sobrang gulo ng bahay. Nakakalat sa sahig ang mga sirang appliances at basag na vases. Umakyat naman ako sa second floor at ganun din doon. Nagkalat ang mga tela at may scratch marks sa pader. May bakas din ng dugo sa sahig at may naamoy akong hindi kaaya-aya.

Sinundan ko yung naaamoy ko at sa isang kwarto ako nadala ng amoy.

Please let it be just this.

Nakahandusay sa sahig ang isa sa may ari ng bahay na miyembro ng Ruby Imperial Army. Nakatarak sa lalamunan n'ya ang isang dagger at kahit hindi ko hawakan ay alam kong matigas na yung katawan n'ya.

Cursed Blood Series 01: Reign Of The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon